Chapter Ten

11.7K 365 36
                                    

"KONRAD! Yuhuuu!" Mula sa kinatutuntungang hagdan ay kitang-kita ni Zyren ang pagkagulat na rumehistro sa guwapong mukha ng lalaki nang makita siya nito. "Hello! Ang guwapo pa rin natin ngayon, ah. Muah! Muah!"

Hindi naman siya nito maririnig dahil nasa kabilang bahagi siya ng salaming bintana ng silid nito. Kahit sinabi ni Manang Sara na baka nagbibiro lamang si Konrad nang iutos nitong linisin niya iyon, sinunod pa rin niya ang utos nito.

Mataas ang bintana dahil nasa ikalawang palapag ang kuwarto ni Konrad kaya nagpatulong pa siya sa mga lalaking tauhan doon na mai-set up ang mataas na hagdan.

Nang nagdaang araw ay naitanong niya sa kanyang sarili at malinaw na nasagot kung mahal ba niya ito. Masaya siya sa naging sagot. She loved loving him.

Binuksan nito ang bintana at galit na mukha nito ang sumalubong sa kanya. Hala, ano ang nangyari?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo riyan? Get the hell down!"

"Pero—"

"Now!"

"Huwag mo akong sigawan! At saka, bakit ka ba nagagalit? Ano ba ang ginawa kong mali?"

"Bakit nandiyan ka sa bintana? Alam mong delikado 'yan, ginawa mo pa rin!"

Hinawakan siya nito sa braso at hinila siya papasok sa kuwarto nito. When her feet were firmly planted on the solid ground of his room, he began his tirade.

"Kung gusto mo nang mamatay, huwag dito sa lupain ko! At lalong huwag sa harap ko!"

"Bakit ka ba nagagalit? Ikaw kaya ang nag-utos sa akin na linisin ang bintana ng kuwarto mo. At pati kisame pa nga. 'Tapos ngayon—"

"Bakit mo sinunod? Hindi ka ba marunong mag-isip? Nakita mo na ngang napakataas ng mga bintanang 'yan, sumige ka pa rin! Paano kung nahulog ka? Common sense na lang iyon, hindi mo pa magawa!"

"Huwag mo akong sigawan!"

"Kung gano'n, umayos ka!"

"Maayos ako! Ikaw itong magulo ang isip! Sinabi ko na sa iyo noon na kung ayaw mong nililinis ang kuwarto mo, huwag kang mag-uutos na linisin iyon!"

"It was just a sarcastic comment!"

"Well, excuse me for taking it seriously! Hindi ko kasi alam na mali na pala ngayon ang sumunod sa mga utos ng amo ng Vallente Mansion! Kung alam ko lang, kung naging mas malinaw lang sana ang paliwanag ng isang tao riyan, eh, di sana naghihilik pa ako hanggang ngayon sa kama ko!" Nanggigigil na pinalo niya ito sa braso. "Nakakainis ka na!"

Pinigilan nito ang kanyang kamay. Ang akala niya ay may sasabihin pa ito ngunit tinitigan lamang siya nito. Mababanaag pa rin ang galit sa guwapong mukha nito.

Kung hindi lang kita mahal, Konrad, inihulog na kita sa sarili mong bintana, sa loob-loob niya.

"Sino ang nagbigay sa iyo ng hagdan?"

"Ha?"

"Sino ang nagbigay sa 'yo ng hagdan na ginamit mo para makaakyat ka sa bintana?"

"Ang mga hardinero. Bakit?"

Basta na lamang siya tinalikuran nito. Dahil pakiramdam niya ay hindi pa tapos ang giyera nila, sinundan niya ito. Pagbaba niya ay nakita niyang nakahilera ang tatlong hardinerong tumulong sa kanya kanina. Pati si Manang Sara ay naroon.

"Bakit hinayaan ninyong umakyat sa bintana si Zyren?" galit na tanong ni Konrad sa mga nakayukong hardinero. "Hindi n'yo ba naisip na maaaring mahulog siya ro'n at masaktan siya? At paano kung hindi lang siya masaktan? Paano kung namatay siya dahil sa kapabayaan ninyo?"

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon