Chapter Fifteen

12.3K 356 16
                                    

"ANO KA ba, Zyren? Huwag kang magmukmok sa isang tabi. Napakaraming lalaking nagkalat sa mundo."

"Pero wala akong gusto sa kanila." Maghapong nakadapa si Zyren sa kanyang kama. Wala kasi siyang kagana-ganang kumilos. She just wanted to lie there and sulk for her first broken heart. "Hindi nila nakuha ang interes ko gaya ng nagawa ni Konrad."

"Ang kaso, may ibang babae na ang Konrad mo. Magpapakasal na nga sila, 'di ba? Kaya kalimutan mo na siya."

"Ano pa nga ba ang ginagawa ko?" Bumuntong-hininga siya. "Ganito pala ang dating ng totoong pag-ibig, ano, Maira? Hyperactive kapag masaya, depressing, at suicidal kapag malungkot."

"Zyren..."

"Tama ang kasabihang 'be careful with what you wish for.' I've been wishing for true love to come my way. Ang kaso, hindi ko naman napaghandaan ang kalungkutan na kasama n'on."

"Well, it's your first time to fall in love, so what do you expect? Just learn from it and you'll be fine the next time."

Sana nga ay ganoon lamang kadali ang lahat. Sana ay kasindaling sabihin ang paglimot sa sakit na nararamdaman niya. Ang kaso, hindi. She would have to go through with it.

"Pero alam mo, Maira, parang mas masaya pa rin ako na nakilala ko si Konrad. Mas masaya pa rin ako na dumating siya sa buhay ko at tinupad niya ang lahat ng pangarap ko sa larangan ng pag-ibig. Kaya siguro, hindi bale nang malungkot ako dahil mag-aasawa na siya. Ang importante, nagtagpo pa rin kami kahit paano."

Maira brushed her hair. "Don't worry, pinsan. Sigurado akong may ibang lalaking nakalaan para sa 'yo. Bad trip nga lang talaga minsan dahil may mga dumarating na hindi naman pala mag-i-stay. But then again, that's how we learn. From our experiences. Learn to accept whatever comes your way and then learn to let go when it's time to go. Hindi ba't minsan mo nang sinabi 'yan? You'll enjoy the feeling until it's time to say good-bye."

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan nang makaramdam siya ng pag-iinit ng mga mata. Ang lupit ni Kupido. Sadista pa ang walanghiya.

"Hahayaan kitang magmukmok dito. Pero kumain ka, ha? Huwag kang magpakamatay nang dahil lang sa isang lalaki," bilin nito.

Tumango siya.

Lumabas na ito ng kuwarto.

Ngunit mayamaya ay nagbalik ito. "Zyren—"

"Huwag kang mag-alala, kakain ako mamaya."

Iniwan na siya nito. She continued crying in silence. Ibubuhos niya nang araw na iyon ang lahat ng sama ng loob niya. Pagkatapos ay saka niya haharapin ang mundo.

"Zyren."

"What?"

"May... Ahm... May bisita ka."

"Pakisabing bumalik na lang siya sa ibang araw. Wala ako sa mood na humarap sa kahit sino ngayon."

"Pero..."

"Not even to your employer?"

Napaangat siya ng mukha nang marinig niya ang pamilyar na tinig ng isang lalaki. When she turned around, she saw Konrad standing absolutely gorgeous at her door. Gaya ng dati, tila nakikipagkarera ang tibok ng kanyang puso nang makilala niyon ang tanging lalaking minahal niyon nang labis.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Binalingan niya si Maira. "Bakit mo siya pinapasok?"

"Gusto ka raw niyang makausap, eh."

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon