Chapter Nineteen

12.8K 350 8
                                    

HINDI na umalis si Zyren sa tabi ng kanyang ina mula nang umuwi siya mula sa bahay ni Konrad. She really missed her mother. Ang kanyang ina naman ay hindi rin matapos-tapos ang paghalik sa kanya, gaya noong huling beses na dumalaw ito sa kanya sa Pilipinas. That was three years ago.

"I miss you so much, baby." Pinahid nito ang namuong luha sa mga mata nito. "Ikaw naman kasi, bakit hindi ka pa sumama sa amin no'ng kunin namin ang mga kuya mo? 'Ayan tuloy, naiwan kang mag-isa rito. Ayos ka lang ba rito? Hindi mo ba napapabayaan ang sarili mo? Kumakain ka ba sa tamang oras? Bakit ang payat mo yata ngayon?"

"I'm fine, Mommy."

"Pero hindi pa rin ako nakakasiguro. Ikaw pa naman, laging nagtatago ng nararamdaman. Kahit nahihirapan ka na. But don't worry, Mommy's here. At dala ko na ang visa mo. We're leaving as soon as possible. Gustong-gusto ka na ring makita ng daddy mo at mga kuya mo. Naghihintay na silang lahat sa Canada. Panahon na para magkasama-sama na ang pamilya natin."

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang ina. Isiniksik din niya ang kanyang mukha sa leeg nito. Her mother's scent always gave her comfort when she was a child. Pero hindi na iyon ang paborito niyang amoy ngayon.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa kanyang ina. "I could only be with you for a week, Mom. And then I'll come back here."

"What? Pero, Zyrena, akala ko ba, gusto mo na rin kaming makasama lahat?"

"Oo nga, Mommy. But that was before I met someone."

"Someone?"

Nilingon niya si Maira na kanina pa nakamasid lamang sa kanya. Batid niyang hinihintay rin nito ang magiging desisyon niya. "I fell in love, Mom. Dumating na sa buhay ko ang lalaking matagal ko nang hinihintay."

"Zyrena..."

"And I can't just throw this chance away. Akala ko no'ng una, sapat na ang maikling panahong nakasama ko siya. Pero hindi pala ako kontento sa maikling panahon lang dahil ngayon pa lang, isipin ko pa lang na malalayo ako sa kanya ay naiiyak na ako. Mahal ko kayo, Mommy. But your baby is all grown-up now. May sarili na rin akong buhay at gusto kong maging parte niyon ang lalaking nagpadama sa akin ng tunay na kahulugan ng pagmamahal. Kahit wala pang katiyakan na may nararamdaman nga siya sa akin, I want to take that risk. Mommy, sana ay naiintindihan mo ako. This is a big world and I don't want to let the man I love slip by and search for him all over again."

Pagkatapos ng ilang minutong pananahimik, her mother gave her the most understanding smile of a mother to her child.

"Of course I understand. Napagdaanan ko na iyan kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo, hija." Masuyong hinaplos nito ang kanyang buhok.

Mangiyak-ngiyak na niyakap niya ito. "Thanks, Mom."

"Sus! Wala 'yon. Tahan na."

"Paano sina Daddy?"

"They'll understand. Ang mga kuya mo nga, parang nagpaparamdam na rin na mag-aasawa na."

"Paano si Daddy?"

"May magagawa ba siya para pigilan ka sa gusto mo samantalang nasa Canada siya at nandito ka sa Pilipinas?"

Narinig niyang tumawa si Maira. Ngunit nang tumingin siya rito ay nagpapahid ito ng mga luha.

"Parang gusto ko na rin tuloy sundan sina Mama sa Davao," sabi nito. "Ang layo, 'no? Sige, shut up na lang ako rito."

"Maira, salamat din sa iyo, ha? Kung hindi dahil sa sermon, suporta, at panunulsol, hindi ko mararamdaman itong nararamdaman ko ngayon."

"Walang anuman. Basta ikaw, pinsan."

"Siyanga pala, sino ang lalaking sinasabi mo, Zyren? Puwede ko ba siyang makilala?"

"Pagbalik ko na lang galing ng Canada, Mommy. Saka ko pa lang siya kakausapin, eh. Kapag maganda ang resulta ng pag-uusap namin, dadalhin ko siya agad sa Canada para makilala ninyo."

"Paano kung hindi naging maganda ang resulta?"

"Then I'll go back alone."

"You mean...?"

"Wala nang dahilan para manatili pa ako rito."

"Ikaw naman kasi, pinsan. Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya at nang magkaayos na kayo?" sabad ni Maira.

"Because I could only fix my life one at a time. Anyway, isang linggo lang naman ako sa Canada. Pagbalik ko, siguradong makapal na makapal na ang mukha ko n'on. Kayang-kaya ko nang harapin si Konrad."

"Konrad? I like his name," her mother said.

"You'll like him even more kapag nakita mo siya, Mommy. He's so handsome and he's very sweet!"

"I like him already for you, sweetheart."

"Lalo na ako, Mommy."

"Kung gano'n, maghanda ka na at nang makaalis na tayo bukas. Para makabalik ka rin agad."

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon