"HE GAVE me flowers. Red roses. And red roses means he loves me," wika ni Zyren kay Maira. Nagawa na naman niyang tumakas sa mansiyon para lamang ipagmalaki sa pinsan niya ang mga bulaklak na bigay sa kanya ni Konrad.
"And yellow roses means he's sorry..." Itinuro ni Maira ang iba pang kulay sa mga bulaklak na hawak niya. "And white roses means purity or friendship—"
Inilayo niya rito ang mga bulaklak. "Huwag ka ngang magulo. Basta ang importante, binigyan ako ni Konrad ng mga bulaklak. You should have heard his words. He was so sweet! Super-kinilig ako nang sabihin niyang para sa mga iniluha ko ang mga roses na ito."
"I thought you were the one who picked them up?"
"Ah! Sshh! Basta!" She admired the flowers in front of her. She tied it with a ribbon she took from one of her stuffed toys. "Siya ang nagbigay sa akin ng mga ito. Sa kanya nanggaling ang mga ito kahit ako pa ang namitas." Niyakap niya ang mga iyon. "He's so sweet."
Tumawa ito. "Sige na nga. Ngayon ay naniniwala na talaga akong masaya ka nga sa lalaking iyon. Hindi ka naman kasi umaakto nang ganyan noon. I'm happy for you, Zyren."
"Thanks."
"Still, be careful with your heart, pinsan. Mahirap magmahal at masaktan. Mahirap makabangon sa gano'ng sitwasyon."
"He won't hurt me. Nakita mo naman, binigyan pa niya ako ng mga bulaklak dahil nakita niya akong umiyak. At nang mag-away kami kaninang umaga, siya pa ang humabol sa akin para mag-apologize. Ayaw niya akong umalis ng mansiyon." Idinikit niya sa kanyang pisngi ang mga bulaklak. "I think he likes me."
"Eh, ikaw, ano ba talaga ang nararamdaman mo para sa kanya?"
"Hah! Kaya ko nang sagutin 'yan." Sinalubong niya ang titig nito. "I'm in love with him. I love him!"
"For real?"
"Yes!"
"Sigurado kang hindi lang iyan dahil guwapo siya at perfect example ng pangarap mong lalaki?"
"Oo nga sabi! Bakit ba ang kulit mo? Hahambalusin na kita riyan, eh!"
"Gusto ko lang makasiguro ka sa nararamdaman mo. Minsan kasi, napagkakamalan nating love na ang isang fascination lang."
"Ano naman ang palagay mo sa akin, high school? Twenty-seven years old na kaya ako. Alam ko kung ano ang mga bagay na dapat kong seryosuhin at kung ano ang hindi."
"Kung gano'n, seryoso ka na kay Konrad?"
"Oo."
"Alam na ba niya ang tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya?"
"Hindi pa."
"Sasabihin mo?"
"Kung kinakailangan." She fingered the petals of the flowers. "I might tell him one day. Pero hindi muna sa ngayon. Ayokong magkaroon ng komplikasyon."
"Dahil hindi mo naman mapapanindigan ang nararamdaman mo para sa kanya?"
Hindi siya makasagot.
Bumuntong-hininga ito. "Sigurado ka sa nararamdaman mo pero hindi ka naman sigurado kung ano ang pipiliin mo, hindi ba? Kung mananatili ka rito o susunod ka sa pamilya mo sa Canada."
Tumayo siya at tinanggal ang isang painting na nakasabit sa dingding. Ang mga bulaklak ang ipinalit niya roon. She would let them dry there. Pagkatapos ay kokonsulta siya sa isang flower expert kung paano niya maipe-preserve ang mga iyon.
"Maira, let me just enjoy this feeling, okay? Ayoko na munang mag-isip ng kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap."
"All right. You're the man—rather, woman."
"Thanks. Sige, babalik na ako sa mansiyon. Baka mapansin na naman nila na nawawala ako."
Palabas na siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang aquarium sa sala. Kumuha siya ng isang plastic at sumandok ng dalawang goldfish. "Pahingi, ha?"
"Nakuha mo na kaya."
Tumawa lang siya. "Sige na, ba-bye na."
BINABASA MO ANG
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)
RomancePangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her exist...