Chapter Eleven

11.1K 346 21
                                    

INILAPAG ni Zyren ang inumin ni Konrad sa mesita. "Your juice, Sir."

Siya ang nag-volunteer na magdala ng inumin nito sa patio. Narinig kasi niyang nag-utos si Manang Sara at nagkataon namang napadaan siya sa kusina. Pagkatapos ng magulong eksena kaninang umaga, naging mas maluwag at tila mas magaan ang pakiramdam ng bawat isa. Walang nagbabanggit ng tungkol sa mga nangyari subalit may kutob siyang ang paghingi ng paumanhin ni Konrad—bagay na hindi inaasahan ng mga tauhan nito—ang dahilan ng magandang mood ng lahat sa mansiyong iyon.

Hindi ibinaba ni Konrad ang binabasang diyaryo. "Nagtatampo ka pa rin ba hanggang ngayon?"

"Sir?"

"Napansin kong kanina ka pa walang ganang makipag-usap sa ibang katulong." Inilipat nito ang pahina ng binabasa.

Busy kasi ako sa pangangarap. "Tinatamad lang akong makipagkuwentuhan sa kahit sino, Sir."

"Dahil pa rin ba sa mga nangyari kaninang umaga?"

"Wala na sa akin 'yon, Sir."

"Kung gano'n, bakit nakasimangot ka pa rin?"

"Paano mo naman nalaman na nakasimangot ako?"

Hinawi nito ang diyaryo at tiningnan siya. "I can see."

Aha! Kung ganoon, kanina pa siya pinagmamasdan nito. Ayos iyon. Naisip niyang mag-inarte para lalo siyang pagtuunan nito ng pansin. Lalo pa niyang pinalungkot ang kanyang mukha.

"Wala naman, Sir. Medyo iniisip ko nga ang nangyari kanina. Sa tanang buhay ko kasi, wala pang lalaking nakapagpaiyak sa akin. Ikaw pa lang."

"Bawal ang nakasimangot dito. Ako lang ang may karapatang sumimangot." Ibinalik na uli nito ang pansin sa binabasa. "Get me some flowers."

"Flowers?"

"Bulaklak."

"Alam ko kung ano ang flowers. Pero ano ang gagawin mo sa mga iyon?"

"Ako na ang bahala. Bilisan mo."

Nagdadabog na nagtungo siya sa hardin para mamitas ng mga bulaklak.

"Nakakaasar! Hindi man lang pinatulan ang paawa effect ko. Akala ko pa naman, kaya siya nagtatanong ay dahil concerned siya sa akin. Iyon pala, gusto lamang niya akong papitasin ng mga bulaklak." Sa inis ay basta na lamang niya pinagpuputol ang mga bulaklak. Hindi rin niya inintindi na tumatama na iyon sa kung saan-saan kaya nagkakalagas-lagas na ang mga talulot.

Pagbalik niya kay Konrad, mukhang lantang gulay na ang mga bulaklak.

"Kumuha ka uli."

"Ha?"

"Kumuha ka uli ng mga bulaklak. Ayusin mo na dahil kapag hindi ko pa nagustuhan ang mga iyon, ipapaulit at ipapaulit ko lang iyon sa iyo kahit makalbo pa ang buong hardin."

Nagdadabog na bumalik siya sa hardin. Pero dahil ayaw na rin niyang umulit, inayos na niya ang pagpitas.

"O, 'ayan. Magsawa ka," aniya, sabay abot dito ng mga bulaklak.

"Take it," sabi nito nang hindi inaalis ang mga mata sa binabasa.

"Ha?"

"Take it. They're yours."

"P-para sa akin ang mga ito?"

"Oo."

"Bakit?"

"Because I made you cry," sagot nito. "And I want to apologize for that."

Pakiramdam niya ay nilayasan siya ng lahat ng kanyang body senses. She couldn't feel anything except the heavy beating of her heart as she looked from the flowers to Konrad and vice versa.

"Konrad..."

"Yeah?"

Niyakap niya ito nang mahigpit mula sa likuran nito. Mayamaya ay tumakbo siya pabalik sa loob ng mansiyon. Napasandal siya sa likod ng pinto ng maids' quarters kung saan siya nagkulong. Hindi na kasi niya matiis ang tindi ng emosyong nararamdaman niya kaya bigla niyang nayakap si Konrad.

"Shit!" Tutop ang dumadagundong na dibdib, pinagmasdan niya ang mga bulaklak. Hanggang sa hindi na niya mapigil ang nararamdaman at napasigaw siya nang malakas.

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon