Chapter Seventeen

13K 367 47
                                    

NAKAPASOK sa venue ng party si Zyren dahil sa koneksiyon niya sa pamunuan ng hotel. Marami rin naman kasi siyang naging kaibigan doon na siyang tumulong sa kanya ngayon.

Pagpasok sa loob ay agad na hinanap niya si Konrad. Hindi nagtagal ay nakita niya ito. He was with Yvonne who was busy talking to the people in their group she hardly noticed his boredom.

"My poor bebeh," sambit niya. Pumuwesto siya sa bar counter kung saan makikita siya agad nito. Hindi naman siya nabigo.

"Hi, 'beh. Kumusta ka na? Na-miss din kita. Huwag kang mag-alala, ako'ng bahala sa 'yo."

Kung ano-anong senyas ang ginawa niya para lamang maunawaan nito na gusto niyang lumapit ito sa kanya sa bar counter. But he just looked at her with obvious amusement in his eyes.

"Pambihira ka naman, Konrad!" reklamo niya. "Ang hina mo pala sa larong charade. Hay!" Itinaas na lamang niya ang baso niya sa direksiyon nito. "Cheers na lang tayo."

And then she saw him smile. Smile? Then he smiled again. Hallelujah! But then Yvonne took him away and moved to another group. Hindi na niya ito sinundan pa ng tingin. Wala yata talaga siyang panama sa isang fiancée.

"Ma'am Zyren, 'buti naman at nadalaw uli kayo rito sa amin," wika ni Ariel, ang bartender na tauhan niya noong supervisor pa siya roon. "Na-miss namin ang kakulitan ninyo."

"Bakit, wala bang pumalit sa trono ko?"

"Huwag kayong maingay, Ma'am, ha? Pero ang boring ng bagong supervisor namin. Hindi man lang mangiti. Ang sungit pa."

"Hindi lang kayo ang namomroblema sa mga taong ganyan ang ugali." Patungga na siya sa inumin niya nang biglang may umagaw niyon. "What the—"

"You shouldn't be drinking." Konrad was at her side now. Ito ang umagaw ng baso niya.

"This is a party. Allowed kahit sino na uminom." Pero hindi naman niya binawi rito ang baso niya. "Nasaan si Yvonne?"

"She's talking to some of her friends. Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ko alam na batchmate ka pala ni Yvonne n'ong high school."

"Of course not. Never akong magkakaroon ng koneksiyon sa babaeng iyon. Anyway, I used to work here."

"So you gate-crashed."

"Is that a crime?"

"Sinundan mo ba ako rito?"

"Again, is that a crime?"

Hindi ito sumagot. Bagkus ay ininom na lamang nito ang inumin niya. Wala man lang bang sasabihin ito sa mga nabanggit niya? She just told him she followed him there. Ah, what the hell! She was there to take him away from Yvonne, not to take him away to have him for herself.

"Boyfriend n'yo ba siya, Ma'am?" sabad ni Ariel.

"Ano sa tingin mo?"

"Bagay kayo, Ma'am. Hindi dehado ang ganda ninyo."

"Thank you." Nilingon niya si Konrad. Narinig mo 'yon?

Tinawag na ng ibang customer si Ariel kaya nagawa na niyang kausapin nang sarilinan si Konrad. "Alam mo, hindi kayo bagay ni Yvonne."

"Why did you say that?"

"She's stiff and looks boring. Ikaw, gano'n din. You'll have a dull and boring life together if you end up with her."

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon