Chapter Thirteen

12K 356 21
                                    

"DIANNE, nakita mo ba si Sir Konrad?" tanong ni Zyren sa isa sa mga katulong nang magbalik siya sa mansiyon.

"Nasa lanai—"

"Salamat!"

Nagmamadaling nagtungo siya sa lanai. She felt so excited to see him. Mula nang aminin niya sa kanyang sarili ang nararamdaman niya para dito ay lagi na lamang siyang tila hindi makapaghintay na makita ito. Gusto niyang laging nakikita ito. Kaya nga nang minsang maglinis siya ng kuwarto nito ay kinupit niya ang isa sa mga larawan nito. Iyon ang katabi niya lagi tuwing matutulog siya sa gabi.

Her heart thumped like crazy when she finally had a glimpse of Konrad's back. He was sitting on a chair at the far end of the lanai. "Konrad, my be—" Bumagal ang paglapit niya rito nang makita niya ang babaeng kasama nito roon. "Bakit may asungot dito?"

Ipinagpatuloy niya ang paglapit sa mga ito. Napakunot-noo siya nang mapagmasdan niya ang babae. Maganda ito, may class ang dating, at sopistikadang-sopistikada—from her carefully made hair down to her expensive shoes. Halatang may dugong kanluranin ito dahil sa kutis at facial features nito.

She felt a pang of jealousy. May relasyon ba ito kay Konrad? At kung mayroon man, ano?

The woman turned to her. Ganoon din ang ginawa ni Konrad.

"Saan ka galing?" tanong nito. "Ipinatawag kita kanina sa mga katulong. Ang sabi nila, wala ka raw."

"Diyan lang sa tabi-tabi," sagot niya.

The woman's nose twitched. Parang hindi nito nagustuhan ang paraan ng pagsagot niya kay Konrad.

"Hindi ba't sinabi kong bawal lumabas ng mansiyon kapag oras ng trabaho?"

"May pinuntahan lang ako sandali."

"You're with that Andrei guy again?"

"Hindi. Basta lang, Sir."

"Konrad, you're letting a maid talk to you like that? You should teach her some manners."

Right there and then, nagdeklara siya ng silent war sa pagitan nila ng babae.

"She's fine. By the way, Yvonne, this is Zyren."

"I don't have time to meet some... maid. By the way, I'm thirsty."

Muntik na niyang murahin si Yvonne. Pero hindi siya padadaig dito. Ipapakita niya ritong may pinag-aralan siya.

"Get me something mildly cold," utos nito sa kanya.

"Hindi kita amo," mataray na sagot niya.

With her reaction, it was obvious the woman would never learn to like her. Well, same here. Wala akong panahong makipag-associate sa isang half-half bitch, sa loob-loob niya.

"I will soon be," nakataas ang isang kilay na wika nito. "So you might as well straighten your attitude, girl."

"Ikaw? Magiging amo ko? Bakit?"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang hawakan ng babae ang kamay ni Konrad. "We're getting married soon."

Married? Engaged na si Konrad? Sa babaeng tuod na ito? Hinintay niyang ikaila iyon ng binata ngunit hindi ito umimik. Para sa kanya, kumpirmasyon iyon na totoo ang sinabi ng babae.

Nahilo ang mga goldfish na nasa plastic nang isalpak niya iyon sa dibdib ni Konrad. "O, goldfish." She eyed the statue-like woman. "Para may kasama ka namang living things."

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon