HINDI mapakali si Zyren sa kinauupuan niya habang nakatanaw siya sa labas ng bintana ng eroplano.
"Nervous?"
"Ewan ko, Mommy. Parang... parang may gusto akong gawin na hindi ko alam."
"Don't worry, natural lamang ang ganyang reaksiyon sa mga first time na sumakay sa eroplano. Just relax."
Pero hindi pa rin siya mapakali. She felt like there was something missing. Or something that she had left behind. "Mommy, may nakalimutan pa yata ako."
"Akala ko ba, okay na ang lahat? We even double checked our baggages last night." Tinapik nito ang kanyang kamay. "Try to relax, baby. You'll be fine."
Sinunod niya ang kanyang ina. Still, her mind was floating everywhere, searching for that something she had forgotten.
Inianunsiyo na ng flight attendant ang paglipad ng eroplano. At dahil hindi siya mapakali, kinailangan pa siyang tulungan ng kanyang ina na maikabit ang seat belt niya.
Napapadalas ang paghinga niya nang malalim habang nakikita niya sa bintana ang paggalaw ng eroplano. She closed her eyes when the plane started to take off.
Then her nose caught a familiar scent. Tila bagyong bumalik sa kanyang isip ang lahat ng alaala nila ni Konrad—from their first meeting at the convenience store to their first fight, their first makeup, their battle of wits, the memory of his almost perfect body, and his handsome and almost perfect face—his eyes, nose, lips, his smile—and his laughter. Lahat ng iyon ay nagpaikot-ikot sa kanyang isip habang patuloy ang pagbalot sa kanyang mga senses ng pamilyar na bangong iyon. Hanggang sa tuluyan na niyang hindi nakayanan iyon. She started to cry.
"Zyren? Hija, what's wrong?"
"Mommy, hindi ako dapat umalis, eh. Hindi ko dapat iniwan si Konrad."
"Hindi mo naman siya iiwan, 'di ba? Babalik ka naman pagkatapos ng isang linggo."
"I know. Pero bakit gano'n, Mommy? Hindi mawala sa isip ko na baka hindi ko na uli siya makita? Dapat ay nagpaalam ako nang maayos sa kanya. Dapat ay sinabi ko sa kanya na isang linggo lamang akong mawawala para naman alam niya kahit paano."
"Well, think of it this way. You'll have a very good reason to see him when you get back. It's okay, hija. Everything will be fine."
Tinuyo niya ang mga luha niya. "Nakakainis kasi ang pabangong iyon, eh. Kung hindi ko naamoy iyon, hindi ko sana maaalala si Konrad. Lintik! Sino ba ang nagpabangong iyon?"
"Zyren—"
Inianunsiyo na ng piloto na stable na sa ere ang eroplano kaya maaari na nilang tanggalin ang mga seat belts nila. Walang sali-salitang tinanggal na niya ang seat belt niya at sinundan ang pinanggagalingan ng pamilyar na amoy na iyon. She didn't have to look very far. Dahil nasa likuran lamang niya ang may-ari ng naturang pabango. And it was none other than Konrad himself! Nakapangalumbaba ito habang prenteng-prenteng nakaupo sa silya nito.
"Konrad?"
He raised a finger with a smile on his face as he continued to watch her face.
"A-anong... P-paanong..."
"Maira told me your flight schedule. I have a friend at the airport who helped me get a seat on your plane."
Bakit parang kampante pa rin ito habang siya ay tila mababaliw na sa sobrang emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon?
"You're Konrad?" her mother asked. Tumuntong na rin ito sa kinauupuan upang makita si Konrad. "My, you're handsome. No wonder na-in love sa iyo ang napakapihikan kong anak."
BINABASA MO ANG
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)
RomancePangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her exist...