NANG magtanong si Zyren kay Manang Sara kung saan siya kukuha ng panlinis ng bintana at kisame, sinabi nitong huwag iyon ang gawin niya. Sa halip ay ang mga kurtina sa sala ang ipinaasikaso nito sa kanya.
May palagay raw kasi itong hindi naman talaga intensiyon ng amo nila na ipagawa iyon sa kanya. Nadala lang daw ito nang mainis ito sa kanya.
Kaya ngayon ay heto siya, pinipilit na abutin ang mataas na sabitan ng mga kurtina. Pero nangangalay na ang kanyang mga braso ay hindi pa rin siya tapos. Apat na kurtina pa ang kailangan niyang tanggalin.
Lalo siyang humanga sa mga katulong. Hindi biro ang magtanggal ng kurtina, much more ang magtanggal ng anim na kurtina. Kaya tumuntong na siya sa isang silya upang mas mapadali ang ginagawa. Ngunit inabot naman siya ng malas dahil umuga ang silya at natumba iyon. Mabuti na lamang at nakakapit siya sa mga kurtina. Kaya ngayon ay a la Tarzan ang drama niya.
"Bawal ang maglaro dito sa oras ng trabaho."
Nilingon niya ang nagsalita. Konrad was sitting on a nearby sofa, reading a newspaper. "Sir! Ang guwapo natin ngayon, ah! Puwede ho bang magpatulong na makababa?"
"No." Ni hindi man lang siya nito nilingon nito. "Marunong kang umakyat diyan na mag-isa, matuto kang bumaba nang mag-isa."
"Pero, Sir—ay, kabayo!" Napunit kasi sa sabitan niyon ang kinakapitan niyang kurtina. Kaya naman niya sanang bumaba kung wala lang mga naka-display sa bababaan niya. Kung hindi siya tutulungan ni Konrad, malamang—
"You're a klutz, woman."
Pagkatapos ay naramdaman na lamang niya ang paglapat ng mga dalawang kamay nito sa kanyang baywang. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang binubuhat siya nito.
Nang sa wakas ay makalapat na ang kanyang mga paa sa carpeted floor ay ito na mismo ang nagtanggal ng mga kurtina. Isa-isang ibinato nito iyon sa gawi niya.
"Salamat, Sir."
"Huwag kang magpasalamat. Ibabawas ko ito sa suweldo mo."
Okay lang. Hindi naman suweldo ang habol niya roon. "Salamat na rin, Sir. Akala ko, katapusan na talaga ng kagandahan ko. Mabuti na lang at iniligtas mo ako, Sir."
"Not really." Bumalik ito sa kinauupuan nito kanina. "You're just a bit stupid with the curtains. Sabihin mo mamaya kay Manang Sara na huwag ka nang palalapitin sa kahit anong kurtina."
"Sir, minor accident lang 'yon. Kaya huwag kang masyadong mag-alala sa akin." Kinagat niya ang kanyang dila nang balingan siya nito. Napuna na naman nito ang pananalita niya. Dapat na talaga niyang pag-ingatan ang mga sinasabi niya dahil doon lumalabas ang totoong pagkatao niya. "Sir, gusto mo ng kape?"
"Tanghaling-tapat, bakit ako iinom ng kape?"
"Oo nga, Sir. Ang tanga talaga ng taong umiinom ng kape sa tanghali." Ibinalumbon niya ang anim na kurtina upang hindi sagabal sa pagmamasid niya sa guwapong mukha nito. "Sir, juice, baka gusto mo?"
"Hindi."
"Iced tea?"
"No."
"Water?"
"No."
"Wine?"
Masama na ang tingin nito sa kanya. Pero humirit pa rin siya. "Masahe, Sir?"
"No!"
Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang natawa. Siguro dahil sa sobrang pagkakakunot ng noo nito at pamumula ng mukha. He was so adorably cute all flushed out like that.
BINABASA MO ANG
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)
RomancePangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her exist...