Chapter 15

210 4 0
                                    

MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 15
                     DEVOX POV
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa babaeng pusa na iyon. Akalain mo, marunong din pala siyang magsabi ng ganong bagay. Nakakainis na talaga eh. Ang sarap-sarap pa naman pakinggan mula sa bibig niyang iyon. Yun pala, dinigtungan pa. Itong mga mokong to kanina pa ako inaasar.

Nasa Crimson Bar na kami at kumuha na ng private room para sa amin, kung baga parang pang V.I.P itong kwartong to. May flat screen TV,speaker at mic. Mga itim na sofa at lamesita sa harapan namin. May mga ibat-ibang drinks ding nakadisplay dito at pwede namin itong inumin kung gugustuhin namin. Bilang sikat na grupo sa Bar na ito ay may special service rin kami. Haha alam niyo na kung ano na iyon.

"Para talagang tanga tong si Devox kanina. Akala ko kasi babanat pa, tumahimik lang naman pala"pailing-iling na sabi ni Jaime.

"Hindi mo ata kaya pinsan namin eh."sabi ni Tymon

"Ganyan lang iyon pero mabait iyon"sabi ni Joe.

"Seriously?! Mabait yun sayo? Di ata makain ng aso ang ugali niya eh"ngiwi kong sabi.

"Dapat kasi binigyan niyo ng Chupachups"singit ni Karl.

"Haha Nyeta! Hanggang ngayon ba isip bata ka parin Karl"tawang sabi ni Tymon.

"Mga ulol"sabi ni Winter.

"ANO?!"sabay na tanong ni Tymon at Karl.

"Tss" pag tss ni Winter.

'Mga sira ulo talaga'sabi ko sa sarili sabay tungga ng alak.

"Ewan ko sayo inyo basta may babae na kami"sabi ni Jaime.

"Saan kayo pupunta?"tanong ko

"Hehe. Alam mo na iyon"sagot ni Jaime at sumunod naman si Joe, Bryan, Bert at Kendrie.

"Tigang na ba talaga ang mga iyan? Tss. "Irap kong tanong sa kanila at natawa lang ito saka lumabas ng kwarto.

Ang naiwan nalang dito ay si Tymon,Winter, Karl at Lemark.

"Hayaan mo na iyon High, mga playboy ang mga iyon!"sabi ni Tymon at natawa naman si Karl.

Nakakailang inom na ako ng alak,parang di parin nawawala ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Itong puso ko, iba kung makakabog..parang may sinisigaw siyang pangalan.

'Di pwede! Di mo type ang babaeng iyon. Isang pusang pangit iyon kaya umayos ka Devox. Iba ang gusto mo yung mukhang tao, hindi pusa.'

10:30 na ng gabi at umalis na kami sa Crimson  Bar at umuwi na.
Nagmamadali nga ang limang pinsan ni Pusa dahil 30 minutes nalang ang meron sila. Di daw nila namalayan ang oras dahil napasarap daw. Mga nyeta. Buti nalang di ako playboy. Ang bait ko kaya. I don't play girls especially with their feelings. Babae kasi ang Mommy ko, kaya kung paglalaruan ko sila at walang respeto sa kanila ay parang ganon rin ang pinapakita ko sa Mommy ko.

Naghiwa-hiwalay na kami ng daan at nagbusina sa isat-isa para magpaalam.

-----

                       JOE POV
Dahan-dahan kaming naglalakad lima sa sala para lang di marinig ni Princess na nandito na kami. Na-late na kasi kami ng uwi. 11:05 na ng gabi, paano kasi, napasarap kami ni Kendrie at Bryan kaya ayan tuloy..dada ng dada ang dalawa dito kasi kami daw ang may kasalanang tatlo.

"Wag kayong maingay mga Tangina! Baka marinig tayo"bulong kong sabi sa kanila sabay lingon sa likod para sabihan sila. Nakalinya kasi kami ngayon, nasa likod ko ang apat at ako ang nasa unahan-- ang kanilang gabay patungo sa kwarto namin na di magigising ang halimaw! Haha

Meeting A Tsundere GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon