Epilogue

261 5 0
                                    

Meeting a Tsundere Girl
Last Chapter

                     STEFFIE POV

Tatlong araw na siyang tulog at hindi pa nagigising. Palagi akong nasa tabi niya. Di na nga ako umuuwi. Di na rin ako pumapasok. Dinadalhan lang ako nila Lemark ng lectures dahil magkaklase naman kami. Minsan nga tinuturaan pa nila akong apat.

Katulad ngayon, nandito sila sa kwarto ni Devox. Tinanong ko kung anong ginagawa nila dito ang sagot naman ay tatambay lang. Pambihira! Okay lang sana na dito sila basta't huwag lang silang maingay.

"Isa pa babangasan ko kayo" saway ko

"Si  Jaime kasi Steff o. Inagaw yung Chupachups ko"

"Kinuha mo kaya chocolate ko sa bag nong nakaraang araw" sabi ni Jaime. Si Lemark, nagbabasa ng magazine, si Bert kinakain yung prutas na nandito.

-____-!

"Bwesit! Tumahimik sabi kayo eh!" Inis kong sabi. Grabe napipikon na ako. Ang daling uminit ng ulo ko sa mga ganitong bagay.

"Sorry na Steff" sabi ni Karl

"Bibilhan kita ng dalawang box ng Chupachups. Hayaan mo na iyan si Jaime"hinahon kong sabi. Si Karl kasi ang bata sa magkakaibigan at ang cute rin niya parang aso.

"Yeheey. Rinig mo iyon? Bleeh!" Sabi ni Karl  sabay binelatan si Jaime.

Umalis na iyong apat dahil may pasok pa daw sila..lunch kasi kanina kaya pumuslit sila dito. Ako nalang mag-isa dito sa kwarto ni Devox.

"Hihintayin kita." Sabi ko sa kaniya. Handa akong maghintay kahit kailan. Alam ko na gigising din siya.

Naisipan ko munang lumabas para bumili ng makakain. Inubos kasi ng mga kumag yung pagkain sa fridge.
Habang naglalakad ako sa labas ng hospital, dumiretso agad ako sa mini store na di gaanong malayo sa DM Hospital.

Tinulak ko ang pinto at tumunog ang bell sa taas.

Kumuha ako ng mga prutas at cup noodles at bottled water para sa akin.

"Magkano lahat?" Tanong ko sa cashier

"86.25 po" sabi niya at binigyan ko siya ng isang daan.

"Keep the change" sabi ko saka naglakad papalapit sa pinto ng bigla may taong biglang nagbukas nito at tumama ang mukha ko sa pinto.

"Aray. Buset! Yung ilong ko!"galit kong sabi kung sino man ito. Ihahampas ko tong dala ko sa kanya.

"Sorry Miss"sabi niya sa akin

"Masakit ba?"tanong ng lalaki na naka white polo at open ang dalawang butones.

"Ginagago mo ba ako sa tanong na iyan?!"pikon kong sabi. Okay! Ako na ang pikon. Madali akong magalit at mapikon kaya wag kayo. Kahit gwapo tong nasa harapan ko babangasan ko parin ito. Pero mas gwapo ang mahal ko. ^_^*

"Haha. Hindi kita ginagago. Sorry na." Sabi niya at kinunotan ko lang siya ng noo.

"I won't let you leave unless you forgive me"ngiting sabi niya

"Punyeta ka! Oo na" sabi ko

"Parang hindi naman." Sabi niya at napakamot sa batok niya.

"Okay na. Sige bye!"sabi ko at tinulak ko siya para makadaan. Pahara-hara kasi.

Nagmamadali akong naglakad pabalik ng Hospital ng narinig kong maingay sa loob ng kwarto ni Devox.

"Steffie" tawag ni Tita

"Halika hija" sabi ng Daddy niya.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko na nakita kong gising na si Devox.  Ngumingiti sa isang magandang babae, ni hindi naman ako tinapunan ng tingin.

Meeting A Tsundere GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon