Chapter 23

173 4 0
                                    

MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 23
                   STEFFIE'S POV
Nasa labas na ako ng hospital ngunit nakasunod sa akin si Cleric.

"Princess!"tawag niya. Umaakting ako na walang naririnig. Naiinis ako sa kanya. Kailangan niya pa talagang patulan ang kalokohan ng parents namin.? Kailangan niya pa talagang umakting na nagkasakit siya?. Anong akala niya sa akin? B.O.B.O? No way! Hindi ako madaling madala, lalo na sa katulad niya.

Mabilis lang ang lakad ko when someone grabbed my hand kaya napa-harap ako sa kanya. Tanginang gagong to!!

"Listen"sabi niya

"Tss"napatss nalang ako sa pagmumukha niya.

"I'm sorry. Okay? Im sorry my princess. I know it's not a good idea but I'm desperate to talk to you. Let's go back the way we use to be. Please"sabi niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Napako lang ang tingin ko doon.

"Bitawan mo ako Cleric. Gabi na. Umuwi ka na."nakayuko kong sabi ngunit niyakap niya lang ako nang mahigpit.

Hindi ko maintindihan? Hindi talaga! Dapat sa kanya lang ako iibig, ngunit bakit parang kakaiba ang sinasabi ng puso ko. Minahal ko si Cleric, ngunit ng dahil lang sa nasaktan ako noon ay bigla nalang nawala.

Dinadama ko ang yakap niya kung may kakaiba ba. Kung babalik ba ang nawala---but there's no chance. All I can say is I don't love this guy anymore, he's important to me but not like before.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya ng seryoso. I can see in his eyes the sincerity inside. Na lahat ng sinasabi niya ay may sinseridad. I'm trying to bring back what had lost pero wala na talaga. I'm sorry Cleric.

"I'm sorry. I cannot bring back my feelings for you."seryosong sabi ko.

"I know. That's why I'm trying to. Bumabawi ako sayo. Please let me. Let me marry you."sabi niya.

"Huwag muna natin pag-usapan iyan. I need to go home. Pakisabi kila Mommy na--"putol kong sabi dahil biglang sumulpot ang parents namin.

"Okay na ba kayo?"tanong ni Mommy

"Tss"pag tss ko

"Yes tita. We're both okay"sagot ni Cleric.

"Mga isip bata!"sabi ko

"What!?"sabay nilang tanong nina Mommy, Tita, Tito and Daddy

"Sino princess?"tanong ni Cleric.

"Kayo! Sinong bang may matinong pag-iisip na disturbuhin ang Hospital na ito. Dito pa talaga kayo nag drama!"inis kong sabi sa kanila.

"Tss. Ewan ko sa iyo bata ka. Mas isip bata ka no, dati pa. Mwahahaha!"sabi ni Mommy at napangiwi nalang ako.

"Uuwi na ako"sabi ko at naglakad na ako para pumara ng taxi peri pinigilan ako ni Daddy.

"Pasok sa kotse, Steffie."sabi ni Dad kaya pumasok na ako sa kotse.

"Uuwi na kami. Byebye"parang batang sabi ni Mommy at napairap nalang ako sa ere.
------

Nasa mansion na kami. Pagkapasok ko sa mansion ay umakyat kaagad ako sa taas para magpahinga na. Lumalalim na rin kasi ang gabi. At bukas ay madami kaming gagawin. And my other reason, sesermonan na naman ako ni Daddy. Pagod na pagod na ako kaya bukas nalang.

Narinig kong tinawag ni Dad ang pangalan ko pero patuloy parin ako sa pag-akyat, at nakasalubong ko ang mga pinsan ko. Bababa siguro sila para batiin sila Mommy at Daddy. Parang anak na rin ang turing nila Mommy sa mga pinsan ko.

'Balakayodiyan! Pare-parehas kayong mga baliw'sabi ko sa sarili saka sinara ang pinto sa silid ko. Binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama at natulog.

Meeting A Tsundere GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon