Chapter 4
STEFFIE POV
Nasa mansion na ako. Nakita ko ang pinsan ko na nasa sala namin, nanonood ng anime niya. Parati kasi yan dito para daw bantayan ako. Ako lang kasi nag-iisang pinsan nila na babae, at lahat ng tito at tita ko, anak/pamangkin na ang turing nila sa akin."Oh Usui Takumi. Kapareha talaga tayo. Ang cool mo din katulad ko."sabi niya. Sinipa ko ang paa niya at tinadyakan pa ito. Bigla naman siyang napatalon gamit ang isang paa niya sabay sabing...
"ARAY!"reklamo niya.
"Aaahh..Grabe ka naman. Isusumbong kita kay Prez my Maid-sama. Mas Tsundere pa ugali non kaysa sayo"sabi niya. I grabbed his shirt at hinila siya pababa, ang tangkad niya kasi.
"Ayusin mo yang manga mo na nakakalat sa sahig. You know me,ayaw ko ng makalat. Baka gusto mo sunugin ko lahat yan. Now na. Libre lang ang pagsunog ko niyan!"seryoso kong sabi.
"Geez! Napaka-Tsundere mo talaga."reklamo niya habang kinukuha isa-isa ang mga manga niya na nasa sahig.
"Stop calling me Tsundere, Tymon!"inis kong sigaw sa kanya
"Ano ba tawag mo sa ugali mo na, mainit ang ulo,easily get offended, akala mo strong di--"naputol ang sinasabi niya dahil kinuha ko ang tela na nasa round table at pinansak sa bunganga niya.
"Ayan. Better"seryoso kong sabi sabay palakpak sa kamay ko at umakyat na ako sa taas. Di naman mainit ulo ko ah.! Tss.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. Nakarip-jeans ako, white V neck shirt at black shoes. Pagbaba ko ay nakita ko na maayos na ang lahat sa sala. Di na ito makalat at nanonood na ulit ang gagong to.
"Oh? Saan ka pupunta? Sama ako"sabi niya.
"Stay there,Tymon. May pupuntahan lang ako. Babalik ako agad"sabi ko sabay pakita ng kamao ko.
"Tss. Tsundere"rinig kong sabi niya at binalewala ko nalang siya.
Nag-commute lang ako ng bus papunta sa daungan.
Ilang oras lang ay nakarating na ako don. Malangsa ang paligid, amoy parang sunod na goma. Meron kasing market dito at sa unahan pwede ka sumakay ng bangka para mamasyal sa dagat o mangisda.
--Tanungin niyo kong nasaan ako? Haha Nasa gitna ng dagat.
Anong ginagawa ko sa dagat? Haha plano ko lang naman kumuha ng Fresh octupos, yung kakahuli lang talaga, may pagbibigyan kasi ako. Haays."Manong? Mag-iingat po kayo."sabi ko dahil bababa siya sa tubig. May octopus naman na binebenta sa palengke kaso chi-nop na.
Ilang oras lang ng pag-hinhintay ay umahon na si Manong at may laman na ang Net niya, isang octopus. Anak ng octopus naman oh! Haha
"Maam, ito na po?"sabi ni Manong at nginitian ko lang siya.
"Salamat po Manong. Ilagay niyo na lang po sa balde. Balik na po tayo don"sabi ko at sinimulan na niya paandarin ang makina.
---
Mga alas sais na ng gabi ako na nakauwi. Pinagbuksan ako ng pinto ng pinsan kong pangit. May bitbit nga akong balde eh. Kanina pa ako naiinis kaya huwag siyang manermon ngayon kasi kanina pa ako nabibingi sa bulungan nila na naririnig ko, kanina sa bus.
~~
"Yuck!Kadiri naman oh""Miss, pwede ba ilayo mo yan!"
"Oo nga. Nakakakilabot naman ang itsura niyan."
"Talaga? Bakit di ka kinakalibutan sa mukha mo? Kamukha mo lang naman to"mataray kong sabi.
"Bwesit ka ah!" Inis na sabi nito.
"Yeah, I get that alot."sabi ko.at inirapan sila. Tss. Mga animalism!!
~"Bakit ngayon ka lang? And What's that?" Arte niyang tanong. Parang bakla ah.
"Octopus?"patanong kong sabi sa kanya.
"I know it's Octopus. What I mean is why are you holding a bucket with an octopus in it. May gagawin ka ba diyan"sabi niya at tinulak ko siya para makapasok. Nakaharang kasi.
"O, alam mo pala na octopus to! May pa"What's that²" ka pa! My dear cous, please let me rest. Pagod ako sa biyahe at isa pa may pasok ako bukas. Night"sabi ko at inutusan ko muna ang mga maids na ilagay to sa aquarium namin sa basement, kung saan ako tumatambay pag-ayaw kong makakita ng tao o makisalamuha sa kanila bago ako umakyat sa taas at natulog. Di na ako kumain kasi kumain na ako sa isang restaurant bago umuwi.
---
Its 6 am in the morning. I do my daily routine at bumaba na para kumain. Maya-maya lang ay tapos na ako at hinatid na ako ng pinsan ko sa Clifford University, magkaiba kami ng school, ayaw ko kasi na may kamag-anak ako na iisang school. Ayaw ko.na bantayan nila ako kasi kaya ko ang sarili ko.
Kinuha ko ang isang paper bag na ang laman non ay, alam niyo na. Medyo mabigat to pero kaya ko.Nagsitinginan sila sa sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda na may bitbit na malaking paper bag dahil ang laman non ay octopus na nasa balde, yung may takip na balde.
Nilagay ko muna to sa locker dahil isasagawa ko ang plano ko mamayang Health break.Umakyat ako sa taas, dahil separate ang room namin sa mga estudyante na nasa normal at moderate level, ang kami, tinatawag nilang star. Parang mga artista lang. Lahat naman kaya nilang ma-top kung magsisikap ka lang sa isang bagay na nais mong makamit, makakamit mo talaga.
'Grabe! Lagyan ko kaya ng bomba ang hagdan dito, para di na sila makababa. Pataas-taas pa kasi ang silid eh. Nanginginig na tuhod ko oh!'
May biglang bumangga sa akin, medyo nanghihina ang tuhod kaya muntikan na ako ma- out of balance buti nalang may humawak sa kamay ko. Tinignan ko ito ng masama at binawi ang kamay ko.
"Thank you ha?"sarkastik niyang sabi.
"Anong tingin mo sa akin? Sira? Na magpapasalamat sa tao na siya ang dahilan kung bakit muntik na ako mahulog pababa sa nyeta na hagdan na to. Bakit ba kasi nasa taas pa ang bwesit na room na iyon!"daldal ko sa kanya na may halong inis at tinawanan lang ako. Again?! Nakakatawa ba akong magali?!.
"Hahaha. Okay. Amf-Im sorry miss, tara sabay na tayo sa taas. Don din ang punta ko. Magkaklase pala tayo? Ako pala si Lemark but you can call me Mark or Lem"sabi niya at pinagpatuloy ko na ang pag-akyat ko sa taas.
Maya-maya lang ay nasa Section 1-B na ako kasama ang lalaking to na parang binabad ang sarili sa gluta. Ang puti eh. Dinaig ako.
Nasa harapan na ang guro at mukhang kasisimula palang nito. Pumasok na si Lem at dumiretso sa upuan niya.
"Please come in"sabi ng guro at pumasok na ako.
"Class? She is Steffie Oryx Smith, a transfer student, 2 months palang siya rito and a Top 1 student. Same as Devox. Magpakilala ka na"sabi ng guro at nahagip ng mata ko yung lalaking seryosong nakatitig sa akin at maya-maya ay biglang umangat ang gilid ng labi niya.
"I have nothing to say"seryosong sabu ko at nakipag-staring contest sa lalaking yun. Akala niya iiwasan ko siya.
"Why?"tanong ng guro. Isa pato. Psh!
"Because you already introduced me to them, miss"sabi ko at napakamot nalang ng batok ang guro at nag-iwas na ng tingin ang mokong sa akin. That's mean I win. I just give him my victory smirk.
Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos.
Merry Christmas to all of you.
Kindly vote and comment
-author
BINABASA MO ANG
Meeting A Tsundere Girl
Novela JuvenilMeeting a Tsundere girl is not easy to deal with lalo na pag naging girlfriend mo na ito.Tsundere means (act mean and sometimes violent on the outside but is sweet on the inside). Devox Ferrer Montecar is a guy who fell in love and met a Tsundere gi...