Chapter 14

191 6 0
                                    

MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 14
                    STEFFIE POV
Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga pinsan ko. Ganyan lang ang pagmumukha nila, pa goodboy pero mga playboy ang mga iyan. Lahat sila. Walang pili. Kahit kailan talaga ay di na magbabago ang mga iyan, kaya nga ako nalang ang nagde-desiplina sa kanila, para akong nanay na may limang ugok na mga anak.

Nasa bus ako ngayon habang ang mga mata ay nakatuon sa labas at may earphone sa tenga. Pinapalamig ko ang ulo ko. Naisipan ko kasi na pununta sa mga bata. Alas singko pa naman ng hapon kaya maaga pa. Mamayang 6 nalang ako uuwi.

Pumasok na ako sa gate at binati ako ng guard. Dumiretso na ako sa loob at binati agad ako ng mga madre.

"Steffie, hija"ngiting bungad sa akin ni Sister Sabelle.

"Hi po"ngiting sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"Kamusta ka na? Lalong gumaganda ah"sabi niya.

"Naku! Haha. Kayo talaga Sister"ngiting sabi ko

"Tara, samahan na kita sa mga bata. Sigurado namimiss ka na nila. Medyo matagal-tagal ka kasing di pumunta rito"sabi ni Sister at naglakad na kami papunta sa silid nila.

"Mga ba--"putol na sabi ni Sister dahil bigla lang nila tinigil ang pagkain nila at umalis sa kani-kanilang upuan at tumakbo papunta sa akin at niyakap nila ako. Muntik na nga akong matumba dahil dinaganan na nila ako.

"Ate Steffie"

"Ate"

"Ate teptep!"

"Ate I miss you!"rinig kong sabi nila.

"Waahh. Hehehe I miss you all so much"sabi ko sa kanila at isa- isa ko silang niyakap.

Pagkatapos ng kumain ng mga bata ay  inihatid ko na sila sa kanilang kanya-kanyang kwarto at bawat kwarto ay nakahanda na ako ng mga bedtime stories para sa kanila.

"Good night baby Clark"sabi ko sa bunso dito sa kanila at hinalikan sa noo. Naaawa ako sa kanila ng sobra. Wala na silang mga magulang, yung iba iniiwan, yung iba naman minamaltrato at yung iba pinababayaan. Naaawa ako sa kanila dahil ako parang ganon din. Walang oras ang parents ko sa akin dahil puros business but I know deep in myself na para sa akin ang mga ginagawa nila. Kung lubos isipin ay mas maswerte ako sa kanila.

"Good Night ate teptep"sabi niya sabay hikab at lumabas na ako sa kwarto nila. I look at my wrist watch at 7:30pm na ito. Baka hinahanap na ako ng mga pinsan kong ugok.
Nagpaalam na ako sa mga madre at umuwi na. Medyo na pagod ako kaya binagsak ko agad ang sarili ko sa upuan sa pinakadulo ng bus. Madilim na ang gabi at kay ganda tignan ng mga ilaw na kumikinang sa gabi.

Naglalakad ako papuntang bahay namin. Pumara lang kasi ako sa bus station at naglakad pauwi ng bahay dahil gusto ko munang magpahangin at para narin madigest ang kinain ko. Bahala na yung mga pinsan ko kung wala silang makain. Malalaki na ang mga iyon.

Malapit na ako sa bahay ng nahagip nang mga mata ang mga kotse na nakaparada sa labas ng mansion ko.

"Tangina!! Sinong mga walang hiya ang pumarada sa sasakyan nila sa labas ng mansion ko"gigil kong sabi at pinakalma ang sarili. Bawat sasakyan na malalagpasan ko ay sinisipa ko kaya tumutunog ang alarm ng sasakyan.

"Isa"nababagot kong sabi sabay sipa.

"Dalawa"

"Tatlo"

"Apat"

"At lima"sabi ko at lahat nang sasakyan na sinisipa ko sa gulong ay tumutunog ang alarm na ito.

Nakita ko naman na dali-daling lumabas ang mga pinsan ko kasunod ang ibang lalaki.

'Sino naman ang mga iyan'

"Pwede ba! Patahimikin niyo yang maingay niyong sasakyan"sigaw ng babae na kasing edad ko lang na nakatira din sa mansion na kaharap namin.

"Wala kang paki-alam. Ikaw ang tumahimik baka itong kamao ko ang magpapatahimik sayo!"inis kong sigaw.

"You're a bitch! Nambubulabog ka lang ng mga kapit-bahay mo!"inis niya ring sigaw.

"What the heck! Haha. Eh di umuwi ka sa inyo! Akala mo naman diyan ka talaga nakatira.! Nakikitira ka lang naman diyan!"inis ko ring sigaw. Grabe! Sagad sa buto. Iniinis niya ang beauty ko.

Pumasok na siya sa loob ng mansion nila na mas malaki pa akin. Binalingan ko na ang mga mokong at nagtago naman ito sa kaniya-kaniyang likuran ng isa't-isa.

"Hi pinsan" sabi ni Kuya Bryan at nakita ko na may huling lalaki na lumabas sa mansion ko.

'What.the.fuck!!'

"Anong ginagawa ng Octopus na iyan dito at mga kasama niyang mga pusit!?"nagliliyab na mata kong tanong sa mga pinsan ko. I know it's exaggerated but iyan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang galit lalo pa nakangiting nakakaloko ang Octopus na iyon.

"Oh anong nangyari sa baby ko. Wala tayong dede dito"sabi ni Jaime sabay himas himas sa sasakyan niya at pinatay ang alarm nito. Napangiwi nalang ako sa inasal niya.

"Steff? What happen?"tanong ni Lemark

"Sinipa ko"nababagot kong sagot.

"Mga kotse namin?"tanong ni Bert

"Tutunog ba iyan kung di ko sinipa?"tanong ko sa kanya

"Sana di mo nalang sinipa. Pwede naman natin pag-usapan dahil may Chupachups ako"nakangiting sabi ni Karl

"Tss. Pwede ba lumayas kayo!"inis kong sabi.

"Princess naman. Ang init ng ulo mo. Kanina pa sila dito dahil hinihintay ka namin para makapagpaalam kami sayo na pupunta kami sa Crimson bar"sabi ni Kuya Joe.

"Bakit di na lang kayo lumayas kanina? Pinarada niyo pa ang mga mamahalin nilang sasakyan dito. Kung alam ko lang sana nagpatawag ako ng mga tao upang sirain tong mga sasakyan na narito at ibenta ang mga parte nito."sabi ko. Lumapit sa akin ang Octopus at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

'Puta! No one dare who give that kind of look to me. Para kasing minamaliit ako! Bwesit na Octopus na ito'

"Pwede bang lumayo ka! Nag-aamoy dagat ka kasi."taas kilay kong sabi.

"Anong ginagawa ng pusa sa labas sa ganitong oras ng gabi?"tanong niya.

"Paki mo!?"taray kong sabi.

"Haha. Naligaw ka ba pauwi sa mansyon mo pusa?"nakakaloko at nakakainis niyang tanong sa akin. Control your temper Steffie. Hehe.

"Oo. Naligaw ako. Naligaw sa puso mo"nakangiti kong sabi at bigla naman itong tumahimik at umiwas ng tingin sa akin. Ang weird ah.! Don't tell me ito lang katapat niya. Mga sweet words? Eeehh! Tumatayo balahibo ko.

"WOAH! Haha tindi non ah!"sabi ng mga kaibigan niya

"Dapat kasi sa inyo ako pumunta para patayin ka ng maaga kaso naligaw ako eh. Sa puso mo ako dumiretso. Nagpapasalamat nga ako dahil mas madali kitang mapapatay dahil hihilahin ko yang puso mo, chop-chopin at ipakain sa mga asong gala dito."sabi ko at nagsmirk sa kanya. Oh come on. I love seeing his priceless face.

"Aray!"sabi ni Jaime sabay hawak sa puso niya. Si Bert naman tinatap ang balikat niya, si Lemark pailing-iling pa sa kanya na parang dismiyado sa kanya at si Karl, inabutan ng Chupachups si Octopus. Well ano ba pa ang maaasahan mo kay karl? Eh di Chupachups niya. Mas gusto ko pa ang Milkita.

"Sige. Lumayas na kayo. Mga ugok. 11. Dapat by eleven impunto nasa mansion na kayo. Dahil Sabado bukas at maglilinis kayo buong maghapon!"sabi ko at pumasok na sa loob. Narinig ko naman na nagtawanan ang mga kaibigan ni Octopus. Gusto ata nila sumali. Animalism.

Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
What can you say guys.
Kindly vote and comment
-Author

Meeting A Tsundere GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon