Chapter 28

190 5 0
                                    

MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 28
       
               STEFFIE POV

Magkasabay kami ngayon ni Devox. Ang tahimik din niya habang naglalakad kami. Medyo kinakabahan din kasi ako sa kanya eh. Iba kasi yung nararamdaman ko ngayon.

"Devox?" Tawag ko sa kanya.

"Amf- bakit pala gusto ako makasabay ng parents mo.?" Tanong niya.

"Ba-basta. S-secret ko lang iyon. Malalaman mo rin mamaya. Sana kung sabihin ko na sayo ay ma-matatanggap mo"  sabi ko sabay  bulong sa huling sinabi ko.

"Okay" nakangiti niyang sabi.

******

Nagmamaneho na siya ngayon. Gusto pa nga sana sumama ng mga kaibigan niyang mga ulupong ngunit sabi niya lang oras daw namin to at yung mga loko-loko iba ang iniisip. Namula tuloy mukha ko kaya ngayon ang tahimik ko. *pout*

"Steffie, anong tingin mo sa akin? Kasi ikaw napakahalaga mo sa akin" sabi niya sabay saglit binaling ang tingin sa akin at balik ulit ang tingin sa daan.

*Dug*Dug*Dug*Dug*

"Ha? Ahh--"

'Sobrang mahal kita. Ang tingin ko sayo ay isang lalaki na mamahalin ko habang buhay.'

"M-mahalaga karin sa akin" utal ko sabi saka ngumiti sa kanya.

"Talaga?.I'm happy to hear that" nakangiti niyang sabi. Yung ngiting laging pinapakita sa akin at sa akin lang talaga. Yung ngiting kinaiinisan ko noon ngayon ay kinababaliwan na ng puso ko at hinahanap-hanap na. Yung ngiting nagpatibok ng puso ko

******

Nasa mansion na kami. Pinark niya ang kotse sa parking lot saka kami bumaba. Pinagbuksan kami ng mga katulong ng pinto at pumasok na kami.

"Si Mom and Dad, saka yung mga pinsan kong sira?" Tanong ko sa isang katulong

"Nandon po si Maam sa kitchen, naghahanda po, si Sir naman nasa study room niya po" sagot ng katulong

"Please call my Dad upstair. Tell him na nandito na si Devox" sabi ko.

"Kabahan na ba ako?" Tanong niya at kumunot naman ang noo ko

"Bakit naman?" Nakakunot kong noong tanong

"Dahil sinumbong mo ko sa kanila dahil lagi kitang iniinis at inaasar" sagot niya na ikinatawa ko.

"Hahahaha. Ano ako? Batang nagsusumbong sa Mom and Dad niya dahil inaaway siya?".tawang tanong ko.

"You laugh and smile just like her" ngiting sabi niya

"Sino?" Balik seryoso kong tanong

"Si Teff" ikiling sagot niya.

"Tss" pag tss-ed ko. Naiinis kasi ako. Ikaw kaya na ikinukumpara.

Inis ko siyang tinignan ng bigla niyang nilapat ang labi niya sa labi ko. Huli na ng nalaman ko na pag mag-tss ako sa kanya ay hahalikan niya ako.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang marinig na niya. Ramdam ko ang labi niya sa labi ko na nagpapagaan ng loob ko at dahilan sa pagsayaw ng mga insekto  sa tiyan ko.

Mga 10 seconds siguro kaming ganon pero parang ang bilis.

Humiwalay na siya sa akin at sumilay ang nakakaloko niyang ngiti. Putcha!

"I told you right? I already warned you." Sabi niya sabay smirk sa akin. Ang gwapo niya mga tsong. Wohoo. Hoo! Pahiram oxygen diyan. Kinikilig ako ng sobra at kapagod dahil tinatago at pinipigilan ko. Ayaw kong ipakita sa kanya no.

Meeting A Tsundere GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon