MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 22
STEFFIE'S POV
Papunta na ako sa St.Peter Hospital. Tahimik lang ako nakatingin sa labas ng bintana habang nakikinig ng music. Nasa pinakalikod ako ng bus.
Bumaba na ako at sumakay na ng taxi.*para ng taxi*
"Saan po kayo Maam?"tanong ni Manong Driver
"Sa St.Peter Hospital po"sagot ko. Sumakay na ako at naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng jacket ko. Medyo gabi na rin kasi kaya lumalamig na.
"Maraming salamat po"sabi ko kay Manong sabay bigay ng bayad sa kanya.
Pumasok na ako sa Hospital. Kinapkapan agad ako ng guard na babae. Ano ba tingin niya sa akin, may bomba sa damit? O baril? Tss. Dumiretso na ako sa loob at pumunta sa front desk dito para itanong kung saang kwarto si Cleric.
"Room 256 po Maam"sagot ng nurse
"Thanks"tipid kong sabi at tahimik na naglalakad sa hallway
"253" tinignan ko bawat number na nakadikit sa pinto na kulay silver tas may nakaukit na mga number.
"254"
"255"
"Hmm?256. Ito na"sabi ko at pinihit ko na ang door knob.
Nadatnan ko ang parents ni Cleric, habang si Cleric naman natutulog.
"Hija?"masiglang bati ng Mommy niya.
"Hi po"ngiting bati ko.
"How are you dear?"tanong ng Daddy niya
"Im fine. Kailan kayo umuwi?"tanong ko sa kanila sabay beso-beso sa kanila.
"Last week pa hija. Supposedly dapat magkasabay kami ni Cleric umuwi dito but he insisted na mauuna siya because he madly miss you and want to see you"sabi ng Mommy niya
"Okay na ba kayo, hija?. Nong nasa Us pa tayo, noong mga bata pa kayo, you both are really close and so sweet to each other. Pagkatapos ng party mo non sa inyo, nag-iba na. May problema ba kayo?"tanong ng Mommy niya.
Masyadong close kami nong bata pa kaming dalawa. Noong pumunta si Cleric sa US, ay sumama ako sa parents ko noong 5 years old ako kahit kagagaling ko lang sa hospital non. Our parents are both close to each other, kaya naging close pa kami at kahit bata pa ako ay jumijega na ako. Nyahaha. Nagka-feelings na ako sa kanya kahit bata pa ako noon hanggang sa 16th birthday ko ay nagbago na ang lahat. Lahat ng magandang pinagsamahan namin ay nabura nalang bigla dahil sa nasaksihan ko.
I bit my lower lip before I response.
"Lahat ng bagay ay nagbabago po, Tita. Malaki na po kami at di na kami bata. Siguro, habang lumalaki kami ay nagbabago na ang pakikitungo namin sa isat-isa"sabi ko.
"Tama nga naman Honey. Malaki na ang mga bata. They are both teenagers now, of course it's part of adolescence stage."sabi ng Daddy niya.
"Hahaha Siguro nga hija. Nakakamiss lang kasi ang pagiging Close niyo dati. Ang hirap niyo pa nga paghiwalayin noong mga bata pa kayo. Now you are 18, and he's 20, there's a lot of things changed"sabi ng Mommy niya.
I diverted the topic baka saan pa mapunta to. I don't want to talk it anymore.
"Where's my parent?"tanong ko.
"They'll be here in a minute"sagot ni Daddy ni Cleric.
"Dadating na sila at may pag-uusapan pala tayo."sabi ni tita at kumunot naman ang noo ko.
"What?"kunot-noo kong tanong.
Tita supposed to speak when it being interrupted by the knocks of the door.
BINABASA MO ANG
Meeting A Tsundere Girl
Teen FictionMeeting a Tsundere girl is not easy to deal with lalo na pag naging girlfriend mo na ito.Tsundere means (act mean and sometimes violent on the outside but is sweet on the inside). Devox Ferrer Montecar is a guy who fell in love and met a Tsundere gi...