Chapter 1

7.3K 45 1
                                    

SARAH POV

knock...knock...

"Sige pasok, bukas yan". sabi ni Sarah na busy sa harap ng laptop, "oh, Bea ikaw pala, bakit?" (Hindi po yan si Bea na iniisip niyo, Si Beatriz Saw po yan, yung 2ng Big Winner ng PBB) tanong niya sa kaibigan habang nakatingin pa rin sa laptop.

"Ah, bibigay ko lang sayo tong List of Students ng Kinder 2" sagot ni Bea"Ano ba yang pinagkakaabalahan mo at parang ayaw mo ng alisin yang mukha mo sa harap ng laptop?" tanong ni Bea sa kaibigan.

"Wala, sila mommy kasi, kinukumbinsi parin akong pumunta ng Paris."

"Kulit din talaga nila tita ano, sige Sarah balik ng lang ulit ako mamamaya, paki regards na rin ako kila tita". paalam sa kanya ng kaibigan.

"Haiz..." napabuntong hininga na lang siya sa pangungulit ng mga magulang, maya maya pa nakita niya ang request ng mga magulang na maka face time siya, inaccept niya na lang dahil alam niya na magtatampo ang mga ito kung hindi niya sasagutin.

"Ma..." walang emosyong bati niya sa Ina.

"What's with that look honey?" tanong at paglalambing sa kanya ng Ina.

"Nothing ma, pagod lang ako."

"Kawawa naman yung bunso ko napagod." paglalambing sa kanya ng ama. "Sabi ko naman kasi sayo dito ka na lang sa Paris, at least dito nandito kami para alagaan ka".

"Dad, i'm big enough para alagaan niyo pa, besides dapat nga masaya kayo para sakin cause I can stand on my own now, saka diba Dad napag-usapan na natin yan, umuuwi naman ako diyan during Cristmas and Summer vacation so nagkikita-kita naman tayo every year. Alam niyo rin naman po na hindi ko pwedeng iwanan tong school, nakakahiya naman po kay Bea kung sa kanya ko na lang iaasa ang pagpapatakbo nito." mahabang paliwanag ni Sarah sa mga magulang, magsasalita pa sana siya ng mapansin ang inang naluluha. "Ma, ano na naman yan?" Medyo napipikong tanong niya sa ina.

"Wala to nak, huwag mo na lang akong pansinin."

"Ma naman eh..."

"Kasi naman anak," tuluyan ng nabasag ang tinig ng kanyang ina. "kasi...huhuhu...kasi natatandaan ko nung mga bata pa kayo ng ate mo, nag aagawan pa kayong dalawa kung sino ang tatabi samin ng daddy mo, tapos nayon...huhuhu...feeling ko wala na yung mga baby ko...yung ate mo may sarili ng pamilya...huhuhu...tapos ikaw naman...huhuhu (lumakas pa lalo ang iyak ng mommy niya)...may sarili ng buhay...ayaw mo na kaming makasama ...huhuhu..." sagot sa kanya ng ina habang umiiyak.

"Ma, alam niyo namang mahal na mahal ko kayo ng daddy, pero kailangan ko rin naman pong gawin to para sa sarili ko, ma hindi na rin naman po ako bumabata, please understand me naman po eh...Sorry po." hingi niya ng tawad sa magulang, alam niyang naglalambing lang sa kanya ang mga ito. Pagod lang talaga siguro siya kaya hindi niya kinaya ang mga kakulitan nito.

"Ok lang yun anak, naiintindihan ka naman namin eh, masyado ka lang din siguro naming na miss. Akala rin kasi namin hanggang ngayon hini---."

Dad, no!" putol niya sa sasabihin ng ama. "Masaya lang po talaga ako dito, kung ano man po yang iniisip ninyo ako na po ang nagsasabi, tapos na ho yang kabanatang yan sa buhay ko."

"Sana nga anak, sana" makahulugang sabi ng kanyang ama. "O pano ba yan anak, bye na, alam ko naman pagod ka at kailangan mo ring magpahinga. I love you sweetheart huwag pababayaan ang sarili ha."

"Yes dad, I love you rin po...Mommy?" lambing niya sa ina.

"Asus..oo na ok na...hmmp..alam mo naman hindi rin kita matitiis, kung hindi lang kita diyan love eh...sige na bye na...I love you...take care..."

"Love you more ma! Sige po bye na!" pagtatapos niya sa usapan nilang mag-anak...

Hindi pa rin pala nakakalimutan ng daddy niya yung nangyari sa kanya...naku Sarah ano ka ba, diba nga sabi mo tapos na yun...erase erase erase...matingnan na nga lang tong list of Students na binigay sa kin ni Bea...kinuha niya yung papel sa ibabaw ng mesa niya pero parang binibiro siya ng kapalaran ng makita niya ang pangalan ng isa sa mga estudyante niya...

Naku...sino kaya yun...haha...bye the way grabe SGL kagabi ahh...kinilig at naiyak ako sa episode kagabi...sino naman kaya yung inspirasyon na yun noh... at yung mag ama, grabe close talaga silang dalawa, kitang-kita na love na love talaga ni sarah ang daddy niya and vice  versa....

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon