Sarah's POV
“so ano babe, kayo na ulit?” tanong sa kanya ng ate niya, kasalukuyan niya itong kausap through facetime.
Napakamot siya sa ulo dahil sa tanong nito. “hmmm…ewan, oo, ata, pero hindi, ewan ate hindi ko alam.”
“ha? ano ba namang klaseng sagot yan babe? Oo, hindi, ewan, hindi mo alam? Alam mo ang gulo mo…”
“magulo naman talaga ate eh, kahit nga ako naguguluhan rin sa sitwasyon namin. The way he act and the way he treated me para talagang kami, madalas nga din niya akong angkinin eh.”
“teka, teka, teka, teka, teka, teka nga babe, sabihin mo nga sakin tama ba yung narinig ko? madalas ka niyang angkinin?” nanlalaki ang matang tanong nito sa kanya.
Napa OMG siya ng marealize kung ano ang tinutukoy nito. “Oh my Gosh ate, and dumi ng isip mo. ano ka ba, ang gusto ko pong sabihin is madalas niyang sabihin na para lang ako sa kanya na wala ng ibang pwedeng magmay-ari sa akin kundi siya lang.” paliwanag niya dito.
“yun…lilinawin mo kasi, pero seryoso? Sinabi niya yun?”
Tumango siya. “o-oo, madalas nga sabi ko diba?”
“sinasabi niya yun sayo pero hindi mo alam kung kayo o hindi? Ano yan unofficially yours? Parang kayo pero hindi, kayo pero walang commitment? Unlabel relationship ganun? John Lloyd Cruz at Angel Locsin lang ang peg?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng ate niya. ”alam mo babe kung pagbabasehan yung mga kwento ni Bea saka mga sinasabi mo, halata naman na mahal ka parin ni Gerald hanggang ngayon, idagdag mo pa yung fact na nakita ko talaga kung paano ka niya minahal noon. Hindi naman yun magtyatyagang umaligid at bumuntot-buntot sayo kung wala siyang ibang motibo diba?”
“motibo talaga ate???” biro niya dito.
“seryoso babe, bakit ikaw hindi mo ba nararamdaman na mahal ka niya?” tanong nito sa kanya. “Ako nga nandito pa ako sa Paris pero hanggang dito ramdam ko ang pagmamahal sayo ni Heraldo.”
“hmmm…nararamdaman, kaya lang ate ano eh….hmmm…ano…”
“ano?” medyo naiinip na tanong nito sa kanya.
“ano, na iba parin kapag sinasabi? Yes, action speaks louder than word, pero iba pa rin ang epekto kapag sinasabi diba? Minsan kasi kailangan mo rin marinig yung action na yun para may assurance ka, para masabi mo sa sarili mong tama yung nararamdaman mo toward dun sa mga pinaggagagawa niya, na hindi ka nag-aasume.”
“huh? Alam mo babe hindi kita ma gets…”
“hindi pa siya nag a I love you sakin ate…” gusto niya sanang sabihin pero nahiya siya kaya sinarili niya na lang. “ahh basta ate, naguguluhan ako. Minsan kasi sa buhay ko, sa buhay natin marami tayong mga katanungan, yung iba, may mga kasagutan, kaso yung iba parang di ko talaga maintindihan, yung pa ulit-ulit mong tinatanong pero di mo mahanap ang sagot? Pero sabi nga diba, in time kung baga, baka di pa ngayon ang kasagutan malay natin,baka mamaya, bukas,next week, next month, next year o sa susunod na mga araw. Sabi din nila everything happens for a reason, kaya lang ngayon, napakaraming tanong ang pumapasok sa isip ko, yung mga tanong na bakit? Yung Paano? Yung What if?”
“tungkol ba kasi saan yang mga tanong na yan? Tungkol ba dun sa nakaraan? O tungkol sa hinaharap? Alam mo babe minsan kasi karamihan satin, karamihan ha hindi ko nilalahat, parang nabubuhay lang BECAUSE of our past and FOR our future to the point na nakakalimutan natin na nandito tayo sa present which is more important because present is a real thing. Babe past is gone, hindi mo na maibabalik yun and you cannot change the past so bakit mo pa hinahayaan ang sarili mong guluhin ng nakaraan gayong alam mo naman na wala ka ng magagawa para dun? It does not make sense to worry about the future either, as we don’t ever live in the future. We live only in the present. Yung mga tanong-tanong mo na yan? Asus babe alam na alam ko yan, as if naman na hindi ako dumaan sa mga ganyang bagay. Yung tipong tatanungin mo ang sarili mo, bakit niya sakin ginawa to? Bakit niya ako iniwan? San ako nagkulang? May nagawa ba akong mali? O kaya naman, should I give myself a chance? What if kagaya siya nung dati? What if iwan niya rin ako? What if magsawa rin siya sakin? Mahihintay niya kaya ako? Paano kung may Makita siyang mas maganda at mas sexy kesa sa akin? Paano kung magsawa siya? What if ganito what if ganyan?”