Gerald's POV
"Bro pwede ba, relax ka lang. Nahihilo na ako sayo eh, kanina ka pa paroo't parito." Saway sa kanya ni Fred, humawak pa ito sa sintido at nag anyong minamasahe ito.
"anong oras na ba? Bakit wala parin siya hanggang ngayon?"
"Dude, chill lang, parating na rin yun saka ba't ka ba nagmamadali eh maaga pa naman. Ano ng nangyari sa right here waiting mo? Nakaya mo ngang maghintay ng sampung taon ngayon ilang minuto na lang ang hinihintay mo masyado ka namang atat diyan.
"Kinakabahan kasi ako Bro, pano kung biglang nagbago ang isip niya tapos na realize niya na hindi pa pala siya ready." Sagot niya dito, sasagot pa sana sa kanya ang kaibigan nang lumapit naman sa kanila si Maja at sinabing dumating na ang bride niya. Maya-maya pa'y nagsimula na sa pagtugtog ang orchestra.
Tumingin siya sa may pinto ng simbahan. Nakita niya si Yohan, all smile ito while walking along the aisle. Tuwang-tuwa ang mga tao dito, paano kasi ay para rin itong bride sa suot nitong white gown with matching viel na ayon pa kay Sam ay ginupit sa viel ni Sarah. Iyak daw kasi ito ng iyak kanina at sinabing hindi ito pupunta ng simbahan kung wala itong mosquito net sa ulo.
Sumunod dito ay si Bea na kumindat pa nang mapatapat sa kanya. Saktong pagtapat ni Bea sa pwesto nito ay siya namang palit ng tugtog ng orchestra. Pumailanlang ang awiting Forevermore sa loob ng simbahan na mismong si Sarah ang niag-request.
Muli niyang itinuon ang pansin sa pinto ng simbahan na ngayon ay unti-unti ng binubuksan. Everyone was in awe nang finally mabuksan ang pinto at ilantad nito ang napakaganda at napakaamong mukha ng kanyang bride. Maging si Fred na katabi niya ay hindi napigilan ang sariling mapa wow nang makita ang dalaga na ilang sandali na lang ay magiging misis niya na.
"Wow Bro as in wow! Your bri- aww!!!" reklamo ni Fred ng sikuhin niya ito sa tagiliran. "why the hell did you do that?"
"stop staring at her! Dun ka nga sa unahan tumingin." Sagot niya ng hindi inaalis ang tingin sa dalaga.
"Ano?"
"Sabi ko, dun ka sa unahan tumingin."
"Bro, seryoso ka ba? Sino namang titingnan ko sa unahan? Yung Pari?"
"Yung Pari, yung Santo, bahala ka, basta sa unahan ka lang tumingin. Dudukutin ko yang mata mo." Sagot niya ulit na hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalaga.
"tss...possessive."
"Gusto mo sabihin ko kay Megan yung ginawa mo sa-"
"oo na, eto na nga." sagot nito saka itinuon ang pansin sa unahan. "Buti pa si Fr. ang yaman-yaman, tingnan mo oh! may sariling airport." Biro nito ngunit hindi niya naman pinansin. "haha!!!Fred natawa ako, nice joke." kausap pa nito sa sarili.
She really looks like an angel with her Victorian Wedding Gown na lalong nagpalitaw ng angking ganda nito.
She's now slowly walking along the aisle with her eyes on his eyes and his eyes on her eyes. At that moment, pakiramdam niya ay sila lamang dalawa ang tao sa lugar na iyon. Kitang-kita niya pa ng nakangiting pinunasan nito ang namumuong luha sa gilid ng mga mata. Bigla naman siyang nataranta ng bigla na lang itong tumigil sa paglalakad. Akala niya ay tatakbo ito palabas ng simbahan kaya ganun na lang ang ngiti niya nang marealize na kaya ito huminto ay dahil palapit ang mommy at daddy nito na siyang maghahatid sa dalaga papunta sa kanya.
"promise me you'll take care of my Princess." Sabi pa ng daddy nito matapos nitong makipagkamay sa kanya.
"promise po, Daddy." Nangingiting sagot niya sabay beso sa naluluhang ina ng dalaga.