“yummy!! You’re a good cook huh.” Puri sa kanya ni Megan habang nag-aalmusal.
“she have the greatest cooks to be her mentors, papanong hindi sasarap magluto yan.” Si Maja.
“hindi ko naman papatalo tong sweetheart ko.” sabi ni Fred sabay akbay sa asawa. “masarap din magluto to, ano na nga yung specialty mo sweetheart?” tanong nito sa asawa saka tumingin sa taas na animoy nag-iisip. Tumawa naman si Megan at Maja. “Ginisang asin na sinahogan ng repolyo” ngingiti-ngiting sabi pa nito, pati sila nina Matteo at Gerald ay natawa dahil sa sinabi nito.
“grabe, that was my first time to cook! actually wala naman talaga akong alam sa pagluluto pinilit ko lang kasi syempre bagong kasal diba, kailangang magpa impress kung baga. Kaya ayun napagdiskitahan ko yung nag-iisang repolyo sa ref kasi bagong lipat palang kami nun. Niluto ko siya, hindi ko nga alam kung anong luto yun eh basta ang alam ko dumaan yun sa apoy. Sabi ni Fred ginisa daw, kaya lang hindi rin naman namin yun nakain kasi sobrang alat niya.” Natatawang kwento pa ni Megan.
“mabuti na lang naisipan ni Maja na dumaan sa bahay dahil kung hindi baka nagkasakit kami sa bato ng wala sa oras.” Dagdag pa ni Fred.
“bye the way, hindi pa pala kami nakakapag thank you sa pag invite mo samin dito. Thank you Ge ha, this place is wonderful. Buti na lang pala hindi mo to tuluyang naibenta noh?” dere-derechong sabi ni Megan.
Napalingon siya kay Gerald dahil sa narinig niya. Alam niyang importante para dito ang hasyenda pero bakit nito plinanong ibenta iyon.
“Natulala ka na diyan? nagagwapuhan ka sakin noh?” bulong nito sa kanya.
Pinisil niya ang ilong nito. “kahit kelan talaga ang taas-taas pa rin ng tiwala mo sa sarili.” Bulong niya din dito.
Bumulong ulit ito. “Bakit totoo naman ah.”
Humarap siya dito. “Bakit sinabi ko bang hindi?” nagulat na lang siya nang bigla siya nitong kilitiin sa kili-kili. “ay ano ba!” tili niya, tinginan tuloy lahat sa kanila.
“problema niyong dalawa?” Tanong sa kanila ni Maja.
“Si Gerald kasi.” Sabi niya, pasimple na naman siya nitong kiniliti. “ano ba! Itatapon ko to sayo.” Tukoy niya sa basong hawak-hawak niya.
“weh? Sige nga.” Kiniliti na naman siya nito.
“kasi naman eh.” reklamo niya dito.
“ano ba kasing nasa kili-kili mo at favorite spot niyang si Gerald?” tanong sa kanya ni Matteo.
“Mabango saka maputi. Pwedeng model ng deodorant yan, pakita mo nga Babe.” Nakangiting sagot ni Gerald habang pilit na iniiwasan ang mga hampas niya.
“pakita mo face mo…” sagot niya dito. Masaya naman silang pinagmasdan ng mga kasamahan.
-------------------------------
“Babe silong muna tayo dun.” Turo ni Gerald sa tree house. Pabalik na sila nang mansion nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Kasama nila sina Fred, Maja, Megan at Matteo na namasyal sa hasyenda kaya lang nauna ng bumalik ang mag-asawa nang biglang sumama ang pakiramdam ni Megan. Nagpaiwan naman sina Maja at Matteo kaya sila na lang tatlo nina Cobbe ang magkakasama ngayon. “nabasa ka ba?” tanong nito sa kanya, habang hinuhubad ang jacket ng anak.
“hindi.” Umupo siya sa sahig, tumabi naman ito sa kanya, humiga naman sa sahig si Cobbe. “baby boy huwag kang humiga diyan malamig ang sahig.”
“But I’m sleepy na.”
“inaantok ka na?” humarap siya kay Gerald saka pilit na hinuhubad ang jacket na suot-suot nito.