"wala pala tayong practice ngayon..." sabi sa kanila ni Maja. Katatapos lang nila sa huling subject, papunta na sana sila sa location ng practice ng marinig nila sa isa mga 4th year student na cancel ang practice.
"patay..." sabi niya saka tinapik ang noo. "sabi ko pa naman kay Mang Gusting mga 5:30 niya na ako sunduin, 3:45 palang oh...halos 2 oras pa akong maghihintay..."
"eh di tawagan mo..." sabi sa kanya ni Gerald.
"Kahit naman po tawagan ko yun eh hindi pa rin po ako masusundo kasi po sinamahan niya si mommy saka si ate na lumuwas ng maynila mga 5 o' clock pa po ang dating nun...huwag ka pong mag-alala hindi naman po ako magpapahatid sa inyo kung yun po ang inaalala niyo, kaya ko naman pong mag taxi. " mahabang paliwanag niya dito. Ito lang kasi ang may sariling sasakyan sa kanila. Malapit lang kasi ang bahay nina Fred at Maja kaya nilalakad na lang nila.
"Naku Sa, huwag na, sumama ka nalang samin, tambay tayo...dun ka na rin magpasundo." Alok sa kanya ni Maja.
"Oo nga Sa, jamming tayo..." segunda ni Fred.
"talaga? Sure, ayoko pa naman talagang umuwi, wala rin naman akong makakasama sa bahay, tara?" wala siyang nagawa ng sumama sa kanila si Gerald kahit na nga ayaw niyang itong makasama, hindi niya naman ito pwedeng ipagtabuyan dahil hindi niya naman pagmamay-ari ang bahay na tutuluyan nila. Napagkasunduan nilang manood nalang ng movie. Nasa loob na sila ng entertainment room ng magpaalam muna sa kanila si Fred, magpapalit lang daw ito ng damit si Maja naman ay pumunta sa kusina upang magpahanda ng meryenda, sumunod naman dito si Gerald. wala pang 2 minuto bumalik din si Gerald sa loob may hawak hawak na pusa.
"Sungit!!! cute ng pusa oh!"
"ha?ahhh...o-oo, si-sige na, balik mo na yan du-dun..." nauutal na sabi niya dito. "Naku Gerald huwag mong ilapit yan dito kundi magkakamatayan tayo."
"mamaya na...gusto mong hawakan." Sabi nito sa kanya saka nilapit ang pusa.
"aaatchooo!!! Huwag na Ge, sige na balik mo na yan dun..." sabi niya dito, humawak siya tapat ng dibdib niya dahil nagsisimula na itong manikip.
"takot ka noh???" sabi nito habang nakangiti "sige na, mabait naman to noh..." saka inilapit uli ang pusa.
"si-sinabi, sina-sinabi ng huwag eh..." reklamo niya dito, sabay tulak sa pusa. Hirap na siyang magsalita dahil inaatake na siya ng asthma.
"ARTE NAMAN NITO!!!" palabas na sana ito ng pumasok si Maja.
"Sensya na medyo natagalan nag-" natigilan ito ng makita ang kalagayan ng kaibigan. "Anong nangyari?" tanong nito kay Gerald, nilapitan nito ang kaibigan na hirap na hirap na sa paghinga.
"Sus, nag iinarte lang yan..."
"anong nag iinarte? Tingnan mo nga at namumutla na..." sigaw ni Maja sa kaibigan. "Yaya!!! Patulong naman po!!!" tawag nito sa kasambahay. "Sa okay ka lang, ano bang nangyari? May kailangan ka? Ano?" medyo natataranta nitong tanong sa kanya.
"Yu-yung inhaler sa bag...paki-paki kuha..." sabi niya sa gitna ng hirap sa paghinga.
"Inhaler? Ahh... inhaler..." natataranta pa ring tanong nito sa kanya. Kinuha nito ang bag niya at hinanap ang inhaler, agad naman nito itong inabot sa kanya ng makita. Maya maya pa'y naging maayos na ang pakiramdam niya.
"Maj, uwi na ako, next time na lang siguro tayo mag hang-out...pakisabi na lang kay Fred na umuwi na ako" paalam niya sa kaibigan.
"O sige, kaya lang walang maghahatid sayo, wala pa kasi si daddy...ok ka na ba talaga?"
"Sige, ok lang...mag tataxi na lang ako...saka huwag kang mag-alala ok na ako" sabi niya saka ngumiti siya ng pilit.
"Bihira dumaan ang taxi dito..."
"Hatid ko nalang siya Maj..." prisinta ni Gerald
"Mabuti pa nga..." si Maja.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan, naglakad na siya palabas ng bahay. Naglalakad na siya palabas ng subdibisyon ng maramdaman niyang may humawak sa braso niya.
"Sorry..."
"Gerald, please...wala ako sa mood makipag-away ngayon."
"Sa, halika na...ihahatid na kita..."
Hindi nito pinansin ang binata at patuloy lang na naglakad.
"Sa, I'm sorry, hindi ko naman alam yun eh...sorry na oh...please...uy..." pagmamakaawa nito kay Sarah pero patuloy pa rin siya sa paglalakad. "Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Lahat gagawin ko, promise...sabihin mo lang kung ano..." patuloy na pagmamakaawa nito.
"Gusto mo talagang malaman kung anong gusto ko?" galit na tanong niya dito, tumango naman ito. "huwag kang magpapakita sakin at huwag na huwag mo kong kakausapin. Ayoko ng makita yang pagmumukha mo, dahil simula ng makilala kita puro kamalasan na ang dumating sa buhay ko..." naiiyak na sabi niya dito.
"Yan ba talaga ang gusto mo?" malungkot na tanong nito sa kanya.
"oo" sabi niya saka pinara ang parating na taxi...
Simula ng mangyari yun biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Gerald. Hindi na siya nito inaasar, hindi na rin siya nito kinakausap, bihira na rin ito sumasabay sa kanila, nakikita niya na lang ito kapag may teacher na sa classroom nila, saka pag may practice sila. Ayaw niya mang aminin pero namimiss niya ang pangungulit nito sa kanya. Yung pisil ng ilong, kiliti sa kili-kili, maging yung pagtawag sa kanya nito ng Ms. Sungit. "teka, tama ba yung naisip ko? Namimiss ko si Mr. Tambutso?"
"Ayyy, tambutso..." bigla niyang nasabi ng kalabitin siya ni Maja. Napalingon naman si Gerald sa narinig.
"Anong tambutso Ms. Geronimo? Nakikinig ka ba?" tanong sa kanya ng teacher nila, kanina pa pala siya nito tinatawag.
"Maam sorry po, bigla lang po kasing sumama yung pakiramdam ko..." hingi niyang paumanhin dito.
Natapos rin yung dalawang subject nila, papunta na sila sa canteen para mag meryenda.
"Ge, hindi ka ulit sasabay samin?" tanong dito ni Fred.
Ngumiti ito saka sinabing "Next time na lang bro, may gagawin pa ako eh...sige..."
"Alam mo naninibago ako diyan kay Gerald, parang ang tamlay niya ngayon, saka parang iniiwasan niya tayo..." sabi ni Maja.
"Napansin ko nga rin yan Maj, eto pa, hindi niya na inaasar tong si Sarah, ni hindi nga kinakausap eh...nag-away ba kayo Sa?" tanong sa kanya ni Fred.
"hello? Kelan naman kami nagkasundo nun?" sagot niya
"oo nga pala noh..." sabi ni Fred saka tumawa. "pero alam niyo na mimiss ko rin yung kakulitan niya, ikaw Sa, hindi mo ba siya na mimiss?" tanong nito sa kanya.
Nanlaki ang mata niya sa tanong ni Fred "siya ma mimiss ko? Hello, nagbibiro ba kayo? Ba't ko naman yun ma mimiss? Natutuwa pa nga ako kasi wala ng nang nagungulit sa kin noh!!!" defensive na sagot niya dito.
"Sus, kunwari ka pa...eh kitang-kita naman na namimiss mo na yung mokong na yun, baka akala mo hindi ko napapansin, madalas mo siyang tingnan pag nakatalikod siya." Sabi ni Maja.
"hindi ahh..." sagot niya dito.
"hay naku...ikaw na Sarah, hindi ka lang pala Ms. Sungit, Ms. Denial ka narin." Sabi ulit nito sa kanya.
"Ganun naba ako ka obvious???teka, saan naman ako obvious???hay naku Sarah DENIAL ka talaga...grrrrrrrrrr....ewan..."
salamat po ulit dun sa mga nagbabasa, nag vovote saka na rin po comment...hehe...pinutol ko po muna, bukas na lang ang kadugtong...haha...malapit na rin