Chapter 2

5.2K 32 0
                                    

First day of school, first day ko rin sa bago kong school. Ano kayang mangyayari, sana naman maging ok ang mag hapon ko. Medyo nakakapanibago pa rin. Wala pang isang buwan nang lumipat kami rito, napagdesisyunan kasi nila daddy na mag stay dito for good, bukod kasi sa nandito yung business nila, mas tahimik rin ang pamumuhay dito, alam mo yun, walang masyadong polusyon, walang traffic, sariwa ang hangin, in short stress free. Nag-eenjoy nga ako dito eh...:D Although maraming adjustment, kagaya nalang ngayon yung klase ko maghapon, nagulat nga ako ng sabihin ni mommy na whole day yung pasok ko. Grabe naman yun from 7:45 to 4:45, 9 hours na klase???buti kinakaya pa ng mga estudyante nila, hindi naman siguro nila planong patayin ang mga estudyante noh?:D...ahh...nakalimutan ko, meron rin naman plang break, 2 hours pa...LUNCH BREAK...haha...pwera jan yung break pag recess ha... Natigil ang pagmumuni-muni ni Sarah ng magsalita ang kapatid.

"Dyahe naman oh, kung kelan first day of school saka naman lumakas ang ulan." Sabay labas ng payong, malapit na kasi ito sa University na pinapasukan. "Babe, malalim yang iniisip mo ahh..."

"Wala ate, iniisip ko lang kung anong mangyayari ngayong maghapon. Nakakainis naman kasi, bakit whole day yung klase, hindi ba nila alam na napapagod din kami, buti ka pa half day lang pasok mo."

"Naku bunso, wala pa man nga nagrereklamo ka na agad. Bakit sa tingin mo ba kayo lang mga estudyante ang mahihirapan, aba kung ikaw mahihirapan pano na lang pala yung mga teachers na magtuturo sa inyo aber? Parte ng buhay ang paghihirap, tandaan mo yan, Life without suffering is nothing and a life without  cause is a life without effect. Sometimes makakapag commit tayo ng mistakes, ano man ang maging kapalit ng pagkakamaling yun, accept it, kasi ginawa mo yun, ginusto mo yun. As i've said that's part of our life ang mahalaga, at the end of the day, you've learned from your mistakes." mahabang sermon sa kanya ng kapatid.

"Ate!"

"Yes babe?"

"Ano na nga ba ulit course mo?"

"Culinary, Bakit"

"Ah... Culinary ka pa rin pala...akala ko kasi nag shift ka ng Bible Preaching..galing mo palang mag preach ate, may pa english, english pa...A life without suffering is nothing" gaya niya sa kapatid "and a life without c----" dali-dali siyang lumipat sa unahan ng sasakyan ng makita niyang masama ang tingin sa kanya ng kapatid.

"Sarah! batang to mamaya masubsob ka, siguradong mapapatay ako ng Daddy niyo." Saway sa kanya ni Mang Gusting.

"Sorry po Mang Gusting, si Ate kasi."

"Babaeng to, ako pa talaga ang sinisi."

"Seriously ate, ang galing mo talaga kanina, Ano yun ate hidden talent?" Kantiyaw pa rin niya sa kapatid.

"Seriously rin Sarah, kapag hindi ka pa rin tumigil ihahambalos ko na sayo tong payong na hawak hawak ko."

"Mang Gusting oh si Ate bayolente, sumbong mo nga po kay Daddy." sabay hawak sa braso ng driver

"Kayong dalawa ha, mamaya magkapikunan kayo." awat nito sa kanila "Juday, nandito na tayo." paalala nito.

"Ok po Mang Gusting, Sarah yung payong mo oh" sabay abot ng payong "Huwag magpapabasa sa ulan hah., uso pa naman ang sakita ngayon. Yung panyo mo nadala mo ba?" tanong sa kanya ng kapatid, itinaas niya ang panyo upang ipakita dito na dala niya ito "eh yung hand sanitizer mo? yung cellphone mo? (take note, yung cellphone na may antena pa po eto ah...hindi pa naman uso noon yung may camera) yung inhaler mo?" sunod-sunod na tanong sa kanya ng kapatid.

"Inhaler? kelangan ko ba talagang dalhin yun? nakakahiya na kayang magdala nun...ate naman 3rd year high na ako hindi na ako grade school..." reklamo niya sa kapatid.

"3rd year high school ka na nga, pero kung umasta ka daig mo pa ang pre-school, saka pano nalang kung atakihin ka bigla ng asthma kaya mo pa rin ba sarili? Alalahanin mo Sarah--"

"Ok na ate, dinaig mo pa si Mommy mag sermon, umamin ka nga, ikaw ba ang nanay ko?" biro ni Sarah sa kapatid. "Eh ate, hindi ko pala dala yung inhaler eh...Sorry" sabay peace sign sa kapatid...

"hambalusin kita diyan, alam ko naman na hindi mo yun dadalhin, kaya pinadala ko na lang kay Mang Gusting. ah... Mang Gusting paki bigay nalang po kay Sarah"

"Ate naman eh..." maktol ni Sarah sa kapatid, napilitan siyang kunin ang inhaler nang pandilatan siya nito ng mata.

"Sige mauna na ako, bye babe! sama ako pag sundo sayo mamaya...see you later lil' sis...ingat, love you." paalam nito sa kanya

"Love you too, bye." walang emosyong paalam niya sa kapatid, wala pang sampung minuto ng makarating siya sa papasukang paaralan.

"Huwag niyo na hong ipasok, dito na lang po ako bababa."

Sigurado ka iha? Umuulan baka mabasa ka pa."

"Don't worry po ok lang po ako, saka may payong naman po ako oh..." sabay taas ng hawak na payong.

"O sige ikaw ang bahala." lalabas na sana ito ngunit pinigilan niya.

'Huwag na po, kaya ko na po." lumabas na siya ng kotse "Sige po, ingat po sa pagdrive."

Matamang pinagmasdan ni Sarah ang paaralan, una niyang napansin ang napakalaking gate na siyang daanan ng mga kotse papunta ng garahe, sa bandang kanan naman nito ay isang arko na kung tawagin ay Arko de Batong Bakal na sa taas ay nakaukit ang pangalan ng paaralan at sa baba naman nito ay isang maliit na pond kung saan lumalangoy ang iba't ibang klase ng isda. Katabi naman nito ang isa pang gate ngunit hindi naman kalakihan na siyang nagsisilbing daanan ng mga estudyante. "Ang ganda naman dito" isip ng dalagita. Papasok na sana siya sa loob ng biglang...

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon