Chapter 3

4.3K 31 5
                                    

“Anak ng Pating naman oh…” sigaw ni Sarah matapos punasan ang tumalsik na putik sa braso niya. “Ano ba yan, ang aga-aga ko namang malasin, pano ako ngayon papasok kung ganito ang itsura ko.” Sabay hawak sa unipormeng natalsikan ng putik. “Mokong na yun hindi man lang nag sorry, bwiset…!” sinundan niya ang motor na naging dahilan ng pagkakatalsik sa kanya ng putik hanggang sa garahe ng eskwelahan.

“ow…hi miss…” bati nito sa kanya, “hindi ka rin naman masyadong presko no?” bulong ni Sarah. “May problema ba?” tanong nito sa kanya.

“problema? Naku wala namang problema, ok na ok nga ako eh, natalsikan lang naman ng putik tong uniform ko, ok lang ako…” sarcastic na sagot niya sa binatilyo.

“ok, sige miss, una na ako…” paalam nito sa kanya.

“phfft…talagang wala man lang planong humingi ng sorry ang mokong...HOY MR. TAMBUTSO!!!” sigaw nito sa binatilyo, lumingon naman ito…

“ako?” sabay turo nito sa sarili.

“oo ikaw nga, may iba pa bang tao dito?”

“Gerald Anderson miss, Gerald Randolph Opsima Anderson, hindi Mr. Tambutso” sabay lahad ng kamay nito sa kanya.

“Hindi ko tinatanong ang pangalan mo at tatawagin kita sa kung ano ang gusto ko.” Sabay tapik niya sa kamay nito.

“Alam mo miss, hindi kita ma gets, ano ba talagang problema mo?” tanong nito sa kanya.

“Nakikita mo to?” sabay turo sa unipormeng natalsikan ng putik.

“Uniform...” wala sa loob na sagot nito sa kanya.

“grrr…bwiset ka talaga, oo uniform to, uniform na natalsikan ng putik dahil diyan sa motorsiklo mo…” sigaw niya dito.

“oww…im sorry, I’m really really sorry…”hinging paumanhin nito sa kanya. “hindi kasi kita napansin”

“nang-iinis ka talaga noh? Alam kong hindi ako kasing tangkad mo, pero hindi rin ako kasing liit ni mahal para hindi mo mapansin.”

“look miss, hindi ko sinasadya kung na offend ka dun sa sinabi ko at hindi ko rin sinadya yung pagkakatalsik ng putik sayo, kaya nga nag sosorry na ako di ba?” medyo napipikon na ring sagot nito sa kanya.

“Sorry? Ganun na lang yun sorry? Magsosorry ka kung kelan tapos na, nangyari na?”

“haizz…” buntong hininga nito…maya maya’y lumapit ito sa kanya, hindi siya makagalaw, papano naman kasi, ang lapit na ng mukha nito sa kanya, napasinghap siya ng maramdaman ang mainit nitong hininga. “Sorry ha, tatapakan ko kasi tong paa mo…” sabay tapak sa paa niya.

”Ouch!!!bakit mo tinapakan yung paa ko?” galit na tanong niya dito.

“See? Kung nauna yung sorry ko bago yung pagkakatalsik ng putik sayo, malamang mas galit ka sakin ngayon kasi sinadya na yun, hindi na yun dala ng pagkakataon…pfft…LOGIC…”sabi nito sa kanya sabay lakad palayo.

“YABANG!!!!” Sigaw niya dito.

“OA!!!” sigaw naman nito sa kanya ngunit patuloy pa rin sa paglalakad.

“hmmp…” pumunta na rin siya sa loob ng campus matapos niyang tumawag sa kanila. Kasalukuyan siyang naghahanap ng seksiyon nya ng marinig niyang mag bell, hudyat para sa Flag Ceremony.  Nagsilabasan ang mga estudyante papuntang quadrangle at isa-isang pumila. “Saan ba ako dito pipila?” bulong niya sa sarili “bahala na nga…” pumila siya malapit sa building na kinatatayuan niya… “miss, pwedeng makipila?:D” tanong niya sa babaeng siningitan niya…

“Sige ok lang, dito ka sa likod ko, mas matangkad ka sakin eh…:D Transferee ka ano?”

“Ahh, oo…”

“Anong year?”tanong ulit sa kanya nito.

“3rd year”

“magkabatch pala tayo eh,…wait…” sabi nito sa kanya, tumingin sa taas na animoy nag-iisip. “you must be Sarah Asher T. Geronimo?”

“Ahh, oo pano mo nalaman?” tanong niya dito.

“ano ka ba, magkaklase tayo, bye the way Maja, Maja Salvador, Maj for short.:D” pagpapakilala nito sa kanya sabay lahad ng kamay.

“talaga? wow naman…Sarah Asher Geronimo pala” sabay abot ng kamay nito. “buti nalang pala dito ako napadpad.” Naputol ang pag-uusap nila ng umakyat sa stage ang Administrator ng paaralan.

“Siyanga pala, papangunahan na kita, yan si Sir James” turo nito sa lalaking umakyat ng stage. “siya ang admin at the same time owner nitong school. Naku mahigpit yan, lahat ata dito takot diyan, pati nga mga teachers. Anino pa lang niyan, nagtataguan na mga estudyante. Maliban sa kanya, wala ka ng ibang dapat pang katakutan, mababait naman mga teachers dito eh.” Payo sa kanya ng bagong kaibigan. Matapos ang flag ceremony pumunta na sila sa classroom nila. Maya maya pa’y dumating na ang adviser nila.

“Good Morning Mrs. Tepanero!”

“Good Morning, Class!” bati sa kanila ng adviser nila, nagkwento ito tungkol sa mga estudyante niya nang nakaraang taon, inilahad rin nito ang rules and regulations na dapat nilang tandaan. Nang biglang mapadpad ang mata nit okay Sarah.

“Oo nga pala muntik ko ng makalimutan, meron nga pala tayong bagong estudyante dito, Ms. Geronimo please come forward.” alumpihit namang sumunod ang dalagita. “What happened?” tanong nito ng mapansin ang uniform niya.

“Baka akala niya Dirty White ang kulay ng school uniform.” Sabi nung magandang babae sa harap niya, tawanan naman ang mga kaklase niya sa sinabi nito. “Bwiset talaga, kasalanan to ng mayabang na lalakeng yun eh” isip ng dalaga.

“Kelan ka pa naging Geronimo Ms. Young? Sa pagkakatanda ko, I am asking Ms. Geronimo not Ms. Young.” Baling nito sa dalagita na agad namang ikinamula nito. “Buti nga sayo, sama rin kasi ng tabas ng dila mo” bulong ni Sarah.  “Silence!” Saway nito sa mga estudyanteng tumatawa. “Class, this is Sarah Asher Geronimo your new classmate. Are you Ok iha?” tanong nito sa kanya.

“Opo” tipid na sagot niya.

“Sige na, pwede ka ng bumalik sa upuan mo.” Agad naman siyang bumalik sa upuan. Nagpatuloy naman sa pagsasalita sa unahan ang adviser nila.

“SORRY MADAM, I’M LATE!”

Nagulat si Sarah sa nakita niya… “Kapag minamalas ka nga naman oo, kaklase ko si Mr. Tambutso?”

 ----------------------------------------------------------

pasensya na po kung pangit tong chapter na to...Bawi nalang po siguro ako sa mga susunod na chapter...hehe

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon