Chapter 5

4K 54 11
                                    

“Babe!!!” tawag sa kanya ng ate niya.

“Ate…” bumeso siya “kanina pa kayo?”

“hmmm…hindi naman, mga 5 minutes siguro”

“Ganun ba? O pano, let’s go?” yaya niya sa ate niya.

“Wait lang babe, maya na tayo umuwi, gusto kong makita yung Gerald Anderson na yun, curious talaga ako sa kanya. Saka diba sabi ko sayo kagabi igaganti kita.”

“Haaaaaaa?” nagulat siya sa sinabi ng ate niya.

“ano ba Sarah…kelangan talaga sumigaw?” reklamo nito sa kanya habang hinihimas ang tenga.

“Sorry, eh kasi naman ate, bakit ba gusto mong makita ang pagmumukha ng Gerald na yun. Sinabi ko na naman sayo kung anong itsura niya diba? Saka pag nalaman to nila mommy lagot ka.” Banta niya sa kapatid.

“oo nga, pero gusto ko pa rin siyang makita ng personal, saka ba’t ba parang ayaw mong makita ko yung mokong na yun?” tanong sa kanya ng kapatid.

“hindi naman sa ganun, kaya lang ano…ano…ano…” napakamot siya sa ulo, walang siyang maisip na idadahilan sa kapatid.

“ano?” tanong ulit sa kanya ng kapatid.

“masusuka ka… tama, masusuka ka pag nakita mo siya”

“ha? Seryoso? Grabe naman yun, ganun ba talaga siya kapangit?”

“o-oo, ganun siya ka-kapangit…” nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang nakumbinsi niya na ang kapatid. “so ano ate, tara na?”

“sige na babe mauna ka ng pumasok sa kotse, susunod ako. Magtatanong na lang ako dun.” Saka may tinuro sa likuran niya. Nagulat siya ng makita kung sino ang tinutukoy nito. “Shocks…si Gerald”, “Mr. Pogi, pwedeng magtanong?” tanong ng ate niya dito.

“ate huwag na, uwi na tayo…” awat niya sa kapatid.

“teka, ate? Ate mo?” tanong ni Gerald sa kanya. Inirapan niya lang ito.

“ate, tara na, uwi na tayo, late na oh…” hinawakan niya na ang braso nito, ngunit parang wala itong narinig.

“oo, ako ang ate niya, kilala mo pala sister ko…”

“classmate ko po siya…” sagot nito sa ate niya… “mokong na to, feeling close” nasabi niya sa sarili.

“ahh…classmate mo siya” ulit ng ate niya sa sinabi nito. “babe, hindi mo naman sinabi sakin, may mala Piolo Pascual ka palang kaklase” bulong sa kanya ng ate niya, saka ngumiti dito ng pagkatamis-tamis. “tong si ate, basta talaga gwapo…teka gwapo? Sino? Si Gerald? Hindi noh…”

“Ano nga po pala yung itatanong niyo?” tanong ni Gerald sa ate niya.

“ahhh…itatanong ko lang sana kung-- ARAYYYY!!! Ano ba Sarah, masakit yun ha…” reklamo sa kanya ng ate niya matapos niyang kurutin ito sa tagiliran. Tumingin ulit ito kay Gerald matapos siyang tingnan ng masama, nakita niyang natatawa ang binata.

“ahh…talagang natatawa ka pa ha…tingnan lang natin kung matatawa ka pa sa sunod na sasabihin ni ate…” bulong niya sa sarili.

“itatanong ko lang sana kung may kilala kang Gerald Anderson? Actually feeling ko kilala mo siya kasi kaklase siya ni Sarah.” Patuloy ng ate niya.

“Gerald Anderson po? Ako po yun”

Tumawa ang ate niya saka humarap sa kanya “mapagbiro rin pala tong kaklase mo noh? Hindi, ang hinahanap ko si Gerald Randolph Anderson, yung maitim, luwa ang mata, payatot, makapal ang labi, sarat ang ilong…” sabi ng ate niya, natawa siya ng makitang namumula na ang mukha ng binatilyo. Magsasalita na sana ito ng tawagin ito ni Maja.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon