“anong sabi mo? Ibebenta mo tong school? Nababaliw ka na ba? Alam ko kung gano to kahalaga sayo at nakita ko rin kung gano ka naghirap para dito, so why—“
“kaya nga sayo ko inooffer eh.” Putol niya sa sasabihin nito. “because I know that you will take good care of it.”
“alam mo, hindi kita maintindihan. Sabihin mo nga sakin, bakit mo ba biglang naisipang ibenta tong school?” seryosong tanong nito. “Hoy Sarah!” tawag nito sa kanya ng hindi niya ito sinagot. “Hoy!”
“I’m going to Paris.”
“ha? Biglaan naman ata, ilang araw ka ba dun?” sunod-sunod ang naging pag-iling niya. “hindi araw? So weeks? months? year?”
“for good Bea!” Nakayukong sagot niya.
“what? Pakiulit nga yung sinabi mo.”
“tama ang narinig mo.”
“pero bakit? Saka alam ba to nila Tita?”
“Hindi. Saka ko na lang sasabihin pag nandun na ako.”
“Sarah, umamin ka nga. Nag-away ba kayo ni Gerald? Siya ba ang dahilan kaya bigla mo na lang naisipang gawin ang lahat ng to?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
Isang linggo na rin mula nang magkasagutan sila ng binata sa Ospital at simula noon ay wala na siyang balita tungkol dito. Hindi na sila muli pang nagkita at hindi na rin siya tumatawag o nagtetext pa dito at maging ito sa kanya, tuluyan na silang nawalan ng komunikasyon sa isa’t-isa.
“ginagawa ko to para sa sarili ko hindi para sa ibang tao.” Derechong sagot niya. Pagod na rin naman ako, pagod na akong maghintay sa wala. Tama na ang sampung taon at ayoko ng dagdagan pa yun. Panahon na siguro para gawin ko ang matagal ko ng dapat na ginawa. Ang mag MOVE-ON. Aniya sa sarili.
“pero hindi ka pa rin pwedeng umalis.”
“Bea, kung ang iniisip mo ay ang tungkol sa kasal mo, don’t worry uuwi naman ako eh. Hindi ko naman pwedeng palampasin ang kasal mo noh. At hindi naman ako makapapayag na ikasal ka ng walang maid of honor, kaya huwag ka ng mag-alala diyan kasi promise harangan man ako ng sibat uuwi ako. Pano I have to go, may kelangan pa akong asikasuhin eh. Basta yung offer ko sayo ha, pag-isipan mo at kapag nakapag desisyon ka na, tawagan mo lang ako o kaya si Atty. Garcia. Bye.” Paalam niya dito.
“Sarah!”
“Bye na! ay, nga pala pakisabi kay Mang Ariel na icheck ang office ko para kasing nakalimutan kong i lock eh. Pano seryoso na talaga to, bye na” saka nagmamadaling umalis.
---------------------------
“tatawagan. Hindi. Tatawagan. Hindi. Argh!!!” sigaw niya. Katatapos niya lang mag-impake para sa pag-alis niya mamaya nang maalala niya si Cobbe. Gusto nya sanang makausap at makapagpaalam dito kaya lang nagdadalawang isip siyang gawin iyon. “bahala na si Batman!” sabi niya. Nasa akto siya ng pag dadial nang mag ring ang cellphone na hawak niya. Napangiti siya ng makita ang pangalan ng caller. “tsss…pinahirapan ko pa sarili ko.” Sabi niya saka sinagot ang tawag. “Hello po Nay!”
“Hi Mommy! It’s me Cobbe.”
“Oh! Hi baby boy, how are you?”
“Fine, but terribly missing you.” Paglalambing nito.
“asus, yun naman oh. I miss you too baby boy.”
“really?”
“yeah.”
“Then why don’t you come over?”
“ha?”
“sige na Mommy Sa, please!” pagmamakaawa nito sa kanya. Para namang nakikinita niya na ang mapupungay na mga mata nito na nakikiusap sa kanya, mga mata na tulad ng sa ama nito’y hindi niya magawang pahindian. “Please!”