“Pwede bang ikaw nalang ang maging ka partner ni Gerald? tutal bagay naman kayo…”
“PO???” “ano bang klaseng teacher to…parang gumagawa lang ng love team”
“wala ka naman masyadong gagawin…bukod sa kayo yung mangunguna sa mga numbers na gagawin, tatayo lang kayo ng stage habang nag i speech yung mga muses. Hindi rin kasi kami pwedeng kumuha sa ibang section kasi kailangan sa section 1 mangagaling yung mga muses.” Mahabang paliwanag sa kanya ng teacher niya.
“eh maam, ano po kasi—“ naputol siya sa pagsasalita ng may pumasok sa loob ng room nila.
“Good Morning Madaam”
“Good Morning Sir!!!” bati nila sa bagong dating.
“Good Morning…” bati nito sa kanila, “Sorry kung naistorbo ko kayo” sabi nito sa kanila saka humarap sa teacher nila. “hmmm… Madaam kukumustahin ko lang sana kung ok na yung set of muses ng 3rd year? Nasabi kasi sakin ni Maam Raquel na ikaw yung in charge dito.” Tanong nito sa teacher nila.
“Ay, ok na po sir, actually nasabi ko na rin po sa kanila kung sino yung mga yun…”
“ganun ba? Gusto ko silang makilala…” sabi nito saka umupo sa bakanteng upuan sa unahan.
Agad namang tinawag ni Mrs. Tepanero ang mga dalagita at pinapunta sa unahan.
“Si Mr. Anderson rin po pala yung escort and representative ng third year.” Patuloy nito.
“ahh, sila pala…hmmm…” sabi nito habang pabalik-balik na naglalakad sa unahan…
“grabe, ang seryoso naman ng mukha ni sir…nakakatakot pala talaga…” bulong ni sarah sa sarili.
“hmmm…Madaam, tanong ko lang, bakit hindi nakasali yung batang yung sa mga muses?” tanong nito sabay turo sa kanya. Kinabahan siya bigla sa mga nangyayari.
“Sino po sir?” tanong ulit ng teacher nila
“that young lady” turo ulit nito sa kanya. “yung katabi kanina ni Mr. Anderson…”
“Ahh…si Ms. Geronimo, hindi po kasi siya sir nag audition. Pero sir, siya po yung napili naming makapartner ni Mr. Anderson.”
“teka? Di ba hindi pa ako pumapayag? Ano to marshall law?” isip ni Sarah, magrereklamo sana siya ng maalala ang sinabi sa kanya ni Maja. “mahigpit yan, lahat ata dito takot diyan, pati nga mga teachers. Anino pa lang niyan, nagtataguan na mga estudyante. Maliban sa kanya, wala ka ng ibang dapat pang katakutan” pinili niya na lang ang manahimik.
“Awww, sayang naman…bagay sana maging Ms. Wisdom, teka iha, bakit nga ba hindi ka nag audition? Maganda ka naman, sigurado rin akong matalino ka, hindi ka naman makakapasok sa section 1 kung hindi, diba?” tanong nito sa kanya.
Kinakabahan siyang tumayo at sinagot ang tanong nito “hindi po kasi ako mahilig sa mga ganyan sir…”
“sabagay, kanya-kanya namang hilig yan…saka sa nakikita ko, mukhang ayaw ng magpalit ng partner tong si Mr. Anderson” sabay tingin sa binatilyo. “Nice choice, iho!!!” saka lumabas ng classroom.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“grabe Sa, I can’t believe it…si Sir James gandang ganda sayo” sabi sa kanya ni Maja habang papunta sila sa canteen.
“phfft…pano magkasing lebel ng kasungitan kaya nagustuhan…” pang-aasar sa kanya ni Gerald.
“sus, kunwari ka pa…eh ano naman yung sabi ni sir na nice choice iho? Siguro ni request mo kay sir na si Sa makapartner mo noh?” kantiyaw naman dito ni Fred.
“ba’t ko naman gagawin yun? Saka sino naman ako para pagbigyan ang request?”
“Close kaya kayo nun, ikaw nga lang ang nakakalapit na studyante dun eh…” sabi ni Fred.
“Kayo pala tong magkalebel ng kayabangan eh…” asar naman ni Sarah dito.
“Yabang ka diyan, hin—“
“hep…” saway dito ni Maja, “Baka kung saan na naman makarating yan…bago pa mangyari yun, kumain na muna tayo…sino bang nakatokang bumili ng pagkain ngayon?” tanong ni Maja sa kanila.
“Si Sarah!!!” sabi ni Fred.
“ako na ba??? O sige, sabihin niyo na lang kung anong gusto niyo…huwag niyo ring kalimutan magbigay ng pera, ako lang ang bibili pero hindi ako ang magbabayad.” Sabi niya sabay tawa.
“Kuripot talaga…” sabi ni Fred saka sinabi ang mga ipapabili.
“Ikaw Maj?”
“ahh…isang ******* (wala akong maisip eh…:D), Sa, payo lang ha…ingat ka, masama tingin sayo ni Megan eh…”
“Sus, takot lang niyan sakin…”sabi niya sa kaibigan kahit na nga medyo nababahala rin siya kasi kanina niya pa napapansin na masama ang tingin nito sa kanya. Humarap na lang siya kay Gerald at tinanong kung anong gusto nito. Nakita niya itong kumuha ng papel at nagsulat, maya maya’y ibinigay ito sa kanya.
“Ito lahat??? Sigurado ka ba, saka kaya mo bang ubusin to?” tanong niya dito matapos makita ang nakasulat sa papel.
“hindi ko ipapabili yan kung hindi ko kayang ubusin.” Sagot nito sa kanya.
“Gerald naman, hindi ko to kayang bitbitn…” reklamo niya dito.
“Kaya mo yan…” sagot nito sa kanya habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo.
“grrr…bwiset ka talaga” sabi niya dito saka umalis. Binili niya na ang mga ipinapabili ng kaibigan. Hirap na hirap siyang makabalik sa table nila dahil sa rami ng kanyang dala dala. Malapit na siya dito, ngunit hindi niya napansin ang paang humarang sa nilalakaran niya na naging dahilan ng pagkakatumba niya. Pumikit siya at hinintay na bumagsak ang katawan sa sahig pero nagulat siya ng maramdamang hindi sahig ang sumalo sa kanya kundi mga bisig, mga bisig ng isang Gerald Anderson. Agad siyang tumayo ng mapag isip isip kung sino ang taong sumalo sa kanya. Bumaling naman si Gerald sa babaeng naging dahilan ng pagkakatumba niya, si Megan.
“Do it again, ang I’ll break your neck” narinig niyang sinabi nito. Tumakbo naman si Megan palayo ng makita ang galit na mukha ng binata.
“Thank you…” pagpapasalamat niya dito.
“Thank you ka diyan, hindi libre yung pagkain na natapon mo noh…bayaran mo yun…” sagot nito sa kanya.
“grrr…akala ko pa naman nagbago na ang mokong, hindi pa pala” humarap siya dito at sinabing. “huwag kang mag-alala babayaran ko, doble pa…” saka siya tumakbo papunta kila Maja.
haizzz kala ko hindi ako makakapag update ngayon...sensya na po kung mejo waley tong chapter na to masyado po kasi akong natuwa kanina sa NBA kaya hindi ako makapag isip ng maayos...