Chapter 18

4.2K 46 5
                                    

Gerald's POV

"Hello Harry!"

Bigla siyang nainis ng marinig ang pangalan nito. "HARRY na naman???sino ba talaga yung mokong nayun?" naiinis na tanong niya sa sarili, hindi siya nakapagpigil sinundan niya ito hanggang sa garden at pa sekretong pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"o, Napatawag ka..." narinig niyang tanong nito sa kabilang linya. "dinner? Sure, sure...wala naman akong gagawin mamaya eh...teka, ano bang meron? Bakit mo naisipang mag invite ng dinner diyan sa bahay mo...nanalo ka ba sa lotto?"

"dinner? Bakit niya naman iimbitahan si Sarah mag dinner, at sa bahay niya pa talaga ha. Hindi ako papayag, kailangang may gawin ako para hindi siya matuloy makipag dinner dun sa asungot na yun" bulong niya sa sarili, pinakinggan niya pa ang pag-uusap ng dalawa.

"...hindi nga, bakit ano bang meron ngayon?... ha? Bakit?... hindi nga, magtatanong pa ba naman ako kung alam ko na. sabihin mo na kasi, huwag mo na akong papag-isipin pa, tinatamad ako...30 bakit ano bang meron sa-...ay...diba bir-... Sorry...sorry talaga, marami kasi akong iniisip ngayon kaya nakalimutan ko... Sorry na eto naman oh...babawi na lang ako sayo... magluluto ako ng adobo for you..."

"ano? Ipapagluluto niya ng adobo yung asungot na yun? ganun na ba talaga ka espesyal yung lalakeng yun sa kanya? Eh ako nga hindi niya pa naipagluluto, kung hindi ko pa kinulit kanina hindi ko malalaman na magaling na pala siyang magluto ngayon."

"...eh di huwag, ikaw bahala hindi kita pipilitin ayaw mo nam-... alam ko naman kasing hindi mo ako matitiis... opo promise po, magluluto po ako just for you... weh???flight ka diyan, lokohin mo lelang mo... ha? Mamaya na ang alis mo? Diba next week pa yun?"

Narinig niyang sabi nito. "kaya pala biglang lumungkot ang mukha niya, aalis pala yung asungot ...mabuti naman, para magawa ko ng maayos ang plano ko. Tingnan lang natin kung may lakas ka pa ng loob na imbitahan lumabas ang baby girl ko pagbalik mo."

"...ayiee...kinilig naman ako dun...teka, hanggang kelan ka nga pala dun?"

"kinilig? Bakit? Ano kayang sinabi nung asungot na yun? boyfriend niya na ba yun? pero hindi, sabi ni manong guard wala namang boyfriend si Sarah" sabi niya sa sarili, nagdesisyon siyang pumasok na sa loob ng bahay nito, baka mamaya mahuli siya nitong nakikinig. Hindi rin nagtagal pumasok na ito sa loob ng bahay.

"sino yung tumawag?" Tanong niya dito

"wala kaibigan ko..." nakangiting sagot nito sa kanya. "O sige iwan muna kita diyan, diyan mo na rin hintayin si Cobbe, magigising na rin yun kanina pa naman yun tulog eh magluluto lang ako..." paalam nito sa kanya saka pumuntang kusina.

"kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya makapunta sa bahay nung Harry na yun...ano bang pwede kong gawin..." nag-isip siya ng paraan para mapigilan ito. "kung painumin ko kaya siya ng pampatulog??? Mali, parang ang sama ko naman pag ginawa ko yun...eh kung sirain ko nalang kaya ang kotse niya??? naku hindi rin pwede, kaaayos nga lang tapos sisirain ko agad..." nag-iisip pa siya ng pwedeng gawin nang mapansin niya ang susing hawak-hawak niya. "tama!!! Yun na lang ang gagawin ko..." sabi niya sa sarili.

Sarah's POV

"hello Harry! Napatawag ka..." tanong niya sa kaibigan.

"wala naman, invite lang sana kitang mag dinner dito sa bahay..."

"dinner? Sure, sure...wala naman akong gagawin mamaya eh...teka, ano bang meron? Bakit mo naisipang mag invite ng dinner diyan sa bahay mo...nanalo ka ba sa lotto"

"anong nanalo sa lotto? Sarah huwag mong sabihing hindi mo alam kung anong meron ngayon?"

"hindi nga, bakit ano bang meron ngayon?"

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon