"Bea!!!" sabay na sabi nilang dalawa.
"Bea, ahh...ano...yung, yung...ahh...yung nakita mo...wa-wala yun...si...si Gerald kasi bi-binuhat ako, pero talaga binuhat niya lang ako, wala naman siyang ibang ginawa saka ano...ahh...kaya siya nandito kasi ano...may sa-sakit ako kagabi diba? Binantayan niya lang ako. Yun lang talaga, bi-binantayan niya lang ako..." natatarantang paliwanag niya sa kaibigan. Nakita niyang kumunot ang noo nito
"makapagpaliwanag ka naman, ako ba mommy mo?" natatawang sabi nito. "saka ba't ba masyado kang defensive?" tanong nito sa kanya. "hoy Gerald ibaba mo nga muna yang kaibigan ko ang hirap kayang makipag-usap."
"ay sorry..." sabi nito sabay baba sa kanya.
"nakakagulat ka naman kasi, teka, pano ka ba nakapasok?" tanong niya sa kaibigan. Si Gerald naman ay nahiga sa kama niya.
"nakabukas po kaya yung gate mo, yung pinto mo naman hindi naka lock. Mr. Zach yun palang pinabili mo nasa baba na, naka serve na rin yun kaya bumaba na kayo para makakain na kayo bago pa lumamig yun."
"ganun ba? O tara baby girl kain na tayo gutom na ako eh..." yaya nito sa kanya. Hindi na siya nakapalag ng hilahin siya nito.
Nagpaalam muna sa kanila si Gerald pakatapos kumain uuwi muna daw ito para magpalit. Wala pang isang oras bumalik din ito kaagad.
"O pano Ganda pasok na ako, huwag mong masyadong intindihin ang school ako na bahala dun. Wala kang ibang gagawin ngayon kundi ang magpahinga, para naman gumaling ka na at huwag ng ma paranoid tong isa." Sabi sa kanya ng kaibigan habang tinuturo si Gerald.
"O sige bye...ingat pag drive. Daan ka dito mamaya ha!" sabi niya habang bumebeso sa kaibigan.
"tara baby girl pasok na tayo sa loob medyo mainit na oh..." yaya sa kanya ni Gerald matapos makaalis ng kaibigan.
"huh?"
"anong huh? Sabi ko pasok na tayo sa loob, medyo mainit na. Halika na..." sabi ulit nito habang hawak-hawak siya sa bewang.
"wait...hindi ka papasok? I mean, diba may work ka today?"
"yeah..."
"then why are you still here? You should go now ma lilate ka nyan." Sabi niya habang inaayos ang polo nito. ano ba yan Ge, hanggang ngayon ba naman hindi mo parin kayang ayusin ang collar ng polo mo. where's your coat? Abot mo na para masuot na natin sayo." tanong niya dito, napansin niyang ngingiti-ngiti ito. "at anong nginingiti-ngiti mo diyan Mister?" sabi niya sabay lamukos ng mukha nito bigla naman itong sumeryoso.
"you know what? Lahat ng qualities na talagang hahanapin sa isang babae, isang girlfriend, isang asawa...Na sayo na..." hinawakan nito ang mukha niya. "Your one in a million Sarah at hindi ako papayag na makuha ka pa ng iba. You are mine, only mine." Sabi nito habang hinihimas ng hinlalaki ang pisngi niya at ang kaliwang kamay naman nito'y hawak-hawak ang kamay niya "Ano kaya kung pakasal na tayo? Let's get married?"
Nagulat siya sa huling sinabi nito, hindi siya makapagsalita. "nagpoprose ba siya? Seryoso ba to o nagbibiro lang? o baka naman mali lang ang pagkakarinig ko, bakit naman siya mag-aalok sakin ng kasal? Ano bang meron kami? Ang tanong may KAMI ba? Eh ni hindi nga magawang mag I love you sakin tapos mag-aalok ng kasal." Sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Tumingin siya kay Gerald, kitang-kita sa mga mata nito na naghihintay ito ng sagot mula sa kanya. Yumuko siya, hindi niya alam kung anong sasabihin. Marami na namang katanungan ang pumapasok sa isip niya "What if he didn't mean it? What if mali lang yung dinig ko? What if nabigla lang siya kaya nasabi niya yun? What if....haaaaaaaaayyyyy so many questions, so many what if's" binitiwan nito ang kamay niya saka tumalikod sa kanya. "ahhh...Ge..." tawag niya dito.
"hmmm baby girl I have something for you pala, wait lang ha kukunin ko lang sandali sa kotse..." paalam nito sa kanya na halatang pinipilit lang maging masigla. "ayan white roses for my one and only baby girl..." nakangiting sabi nito. "wala kasing tuli-"
"ayoko niyan!!!" biro niya dito sa totoo lang medyo na tetense pa siya kaya dinaan niya na lang sa biro ang lahat.
"ha?"
"gusto ko tulips!!!"
"ayaw mo???" parang batang tanong nito sa kanya.
"joke lang..."
"O sige kung ayaw mo eh di ibabalik ko na lang sa kotse to..." sabi nito na may himig ng pagtatampo.
"joke lang..." sabi niya habang pilit na pinipigilan ito. "hoy joke lang to naman...baby boy ang galling-galing ha!!!"
Humarap ito sa kanya sabay pout ng lips ang ginawa niya hinawakan niya ito sa mukha saka ginaya ang ginawa nito. Pareho sila natawa dahil sa ginawa nila. "flowers mo, kukunin mo ba o hindi babalik ko na lang to sa kotse ko..."
"kukunin ko na, eto na, akin na." sabi niya saka kinuha ang bulaklak dito. "thank you...sige papasok na ako" paalam niya dito.
"wait, sasama ako."
"sasama ka?" tumango ito. "sa loob?" tumango ulit ito.
"tumawag ako kanina sa office and I take this day off to work so that I can take care of you. Mahirap na , baka mamaya bigla ka na namang atakihin ng asthma mo. bye the way muntik ko ng makalimutan..." may dinukot ito sa bulsa.
"ano yan? what is that?"
"keychain...binili ko sa Tagaytay last week ang kulit kasi nung tindera kaya binili ko na. may pangalan mo yan sa ilalim eh, ayan oh Sarah..."
"ayoko ng Sarah gusto ko baby girl..." natatawang sabi niya, nakita niyang bigla na namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "ang daming gusto..." patuloy niya.
"ano ba talagang gusto mo?" napipikong tanong nito sa kanya.
"ikaw..." kung nagulat siya sa sinabi niya, halata namang mas gulat ang kaharap niya.
"ready ka na ba?" makahulugang tanong nito sa kanya.
Inirapan niya ito. "ready na ako, ready na akong magluto ng lunch natin, halika na pasok na tayo sa loob."
"ready ka na ba talaga?" tanong ulit nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin.
"lika na..."
Gerald's POV
"ayoko ng Sarah gusto ko baby girl..." tumatawang sabi nito. "ang daming gusto..."
"ano ba talagang gusto mo?" napipikong tanong niya dito. Sino ba naman ang hindi mapipikon, kanina binigyan ko siya ng white roses ayaw niya kasi gusto niya tulips, ngayon naman yung Sarah na nakalagay sa keychain ayaw niya kasi gusto niya baby girl idagdag mo pa yung tension na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi ko kanina. Well, seryoso ako nung sabihin ko yun sa kanya, I really mean it at kung talagang umuo lang siya kanina baka mabilis pa sa alas kwatro ko siyang dinala sa simbahan o kaya sa city hall para magpakasal. Kaya lang nung tumingin siya sakin nakita ko sa mga mata niya at naramdaman ko na hindi pa siya handa. Natigil siya sa pag-iisip ng bigla itong magsalita.
"ikaw..."
Hindi siya agad nakapagsalita, hindi niya alam kung magseseryoso ba siya o tatawa. nagulat siya sa sinabi nito hindi niya inaasahan na yun ang isasagot nito sa kanya. Base sa reaksyon ng mukha nito halatang maging ito ay nagulat sa mga sinabi. "hay baby girl bakit ba ang hilig mong ilaglag ang sarili mo?" "ready ka na ba?" nangingiting tanong niya dito. "kasi kung ready ka na hahanap na ako ng judge na pwedeng magkasal satin ora mismo and after that you and I would simply fly away" bulong ni Gerald sa sarili. Inirapan siya nito.
"ready na ako, ready na akong magluto ng lunch natin, halika na pasok na tayo sa loob."
"ready ka na ba talaga?" tanong niya ulit dito pero hindi siya nito pinansin.
"lika na..." yaya ulit nito sa kanya na halatang pilit na iniiwasan ang tanong niya.
yan na muna po 4 now...haha...pacnsya n rin po qng medyo ntagalan bago nkapag update ulit...