Chapter 31

3K 67 18
                                    

Gerald's POV

“This is not good Gerald.” Asik sa kanya ni Mr. Santos, isa sa mga shareholder at Vice-President ng kompaya.

“I know, I know!” sagot niya dito sabay hilamos ng palad sa mukha. “But this is not the right place and the right time para pag-usapan yan. Magpapatawag ako ng board meeting but not now. Our prospective investors from Hongkong are coming and it is not good for the company kung maabutan nila ang mga taong nag rarally sa labas.” Sagot niya dito nang bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Gary, ang assistant niya. “So Gary, what did you found out?”

“Sir positive, kasama sa naitakbong pera ni Mr. Cruz ay ang Christmas bonus at dalawang buwang sweldo ng mga trabahador sa Calamba branch and until now, hindi pa rin po nahahanap si Mr. Cruz.”

Ang Mr. Cruz na sinasabi nito ay ang Manager ng Calamba branch na itinuturong tumakbo ng 25 milyong pera na nawawala sa kompanya. “Yung mga trabahador na nag rarally sa labas?”

“Nandun pa rin po sila hanggang ngayon, pinilit ko po silang pakiusapan pero hindi po sila pumapayag. Aalis lang daw po sila kung ibibigay natin ang dapat na sa kanila.”

He groaned in frustration. “If that’s the case, wala tayong ibang magagawa kundi ibigay ang gusto nila.” Aniya na mabilis namang kinontra ni Mr. Santos.

“are you out of your mind? Malulugi ang kompanya sa gagawin mong yan.”

“mas malulugi ang kompanya kung tuluyan tayong mawawalan ng mga trabahador. Mr. Santos baka nakakalimutan mo, sila ang nagpapakahirap para sa kompanyang to at kung hindi dahil sa kanila eh wala din naman tayo dito. At isa pa, pinaghirapan nila ang perang yun, they deserve that money at hindi naman ako papayag na mag suffer sila dahil lang sa katarantaduhang ginawa ng iisang tao.” Matigas na sabi niya sabay tawa ng mapakla. “I wonder kung iisang tao nga lang ba ang may gawa nito.

“wh-what do you mean?”

“none of your business Mr. Santos.” Binalingan niya si Gary. “You know what to do, just make it fast. 2 o’clock ang dating ng mga investors at ayokong maabutan nila ang mga trabahador sa labas.”

“okay po sir.” Sagot nito saka mabilis na lumabas ng opisina samantalang si Mr. Santos naman ay tiningnan muna siya ng matalim bago tuluyang nilisan ang lugar.

25 million is a big money at sa tingin niya, hindi agad iyon makukuha o hindi maglalakas ng loob kumuha ng ganung kalaking halaga ang isang manager lang ng walang tulong mula sa nakakataas. Malakas ang kutob niyang merong isa na may mataas na posisyon sa kompanya ang tumulong kay Mr. Cruz para makuha ang ganung kalaking halaga. “come in!” sigaw niya nang makarinig ng pagkatok sa pinto.

“Sir, sulat po para sa inyo.” Sabi sa kanya ng sekretarya sabay abot ng sobreng hawak-hawak nito.

“Thank you!” saka mabilis na binuksan ang sobreng ibinigay sa kanya ng sekretarya at ganun na lang ang pagkagulat niya nang makita ang nilalaman niyon. “Subpoena?” malakas na sambit niya. Halos hindi pa nga siya nakakarecover sa problema ng kompanya at naging resulta ng DNA test, heto na naman ngayon at nakatanggap siya ng subpoena dahil nag file ng custody ang tatay ni Cobbe.

Halos sumabog siya nang mabasa ang DNA result kahapon, bagamat inaasahan niya na iyon, hindi niya pa ri maiwasan na hindi masaktan lalo na nang mabasa niya ang napakalaking POSITIVE sa papel.

“RJ!!!” Bahagya pa siyang nagulat nang bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang humahangos na si Sam kasunod ang kanyang Sekretarya.

“Sir, sorry po. Sina—“

“No it’s okay. She’s my friend.” Putol niya sa sasabihin nito. “You may go now!” utos niya dito sabay baling sa kaibigan. Si Sam o Samantha ay ang bestfriend ng ate niya na tulad niya ay isa ring Filipino-American  “So Sam, what is it? Bakit bigla ka na lang napasugod dito?”

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon