“huwag mong sabihing nandito ka na naman para sa Friday habit mo?” tanong niya agad sa kaibigan hindi pa man ito tuluyang nakakapasok.
“Ito naman yun agad ang pumasok sa isip, hindi noh!!! Ang hirap kayang maghanap ng mas gugwapo pa kay Mr. Zach.” Tuloy-tuloy na sabi nito, bigla naman itong natigilan ng maalala ang mga sinabi. “Sorry, wrong choice of word!” sabi nito sabay peace sign.
“okay lang, tanggap ko na naman eh…” sabi niya habang patuloy pa rin sa pag-ayos ng mga upuan, sumusunod lang naman sa kanya ang kaibigan.
“tanggap mo na nga ba?” tanong nito sa kanya. Humarap naman siya dito.
“wala naman akong choice diba? Yun naman talaga ang nararapat kaya pipilitin ko kahit na mahirap.” Malungkot na sabi niya.
“Pwede…pero alam mo Sarah, sa tingin ko mas mabuti kung mag-uusap kayong dalawa.”
“usap? Para san pa?” sabi niya saka umupo sa upuan. “Beatriz, malinaw na sakin ang lahat. Yung mga nangyari nun, yung mga ipinangako niya, Bea ang babata pa naming nun. Tanga lang ang maniniwala dun at masakit mang aminin pero yun ang totoo, nagpakatanga ako.”
“Sarah hindi ka—“
“gusto ko na siyang kalimutan Bea, gusto ko na siyang mabura dito at dito.” Sabi niya sabay turo sa tapat ng dibdib at sentido.
“pero hindi mo magagawa ang mga bagay na yan kung marami pang katanungan ang pumapasok diyan sa isip mo. Kausapin mo siya, pakinggan mo siya, baka may magandang dahilan siya kung bakit –“
“Hindi…hindi ko na kailangan ang mga paliwanag niya, matagal ko na siyang kinalimutan, hindi ko na siya kailangan kasi hindi ko na siya mahal, hindi ko na siya mahal, hindi ko na mahal si Gerald, hindi na.” matigas na sabi niya. maya maya pa’y umiiyak na naman siya. “kung ganun lang sana kadaling gawin ang mga yun noh? Hindi na sana ako nasasaktan ng ganito. Bakit ba kasi ang hirap turuan ng puso?” Umiiyak na sabi niya.
“yan na nga ba sinasabi ko eh…tingnan mo umiiyak ka na naman.” Sabi nito habang pinupunasan ang pisngi niya. “teka, diba showing ngayon yung sequel nung paborito mong pelikula? Tara sine tayo, treat ko.” yaya nito sa kanya.
Ngumiti siya. “alam mo talaga kung pano mo pagagaanin ang loob ko. Sige na nga sama na ako, sayang naman baka magbago pa isip mo, sama mo na rin si Harry, alam ko naman na may date kayo ngayong dalawa. Payag na akong maging chaperon niyo today.”
“ayan dapat ganyan lang, mas maganda kang tingnan kapag nakangiti ka, pero sure ka? Sama natin si Harry? Okay lang naman kung ayaw mo eh…”
“sus kunwari ka pa, alam ko naman na atat na atat kang makasama yung fiancée mo, sige na sama mo na libre niyo na rin ako ng dinner nakakahiya naman sakin kung uuwi akong gutom diba?” biro niya dito.
“at talagang kami pa mahihiya sayo? Oo na sige na pati dinner mo sagot ko na…” sabi nito sa kanya.
Ngumiti siya, “mabuti na lang lagi siyang nandiyan para damayan ako” sabi niya sa sarili, hindi niya na napigilan, yumakap na siya dito. “thank you ha!!!”
“wala yun, sige na bumitaw ka na baka mamaya may makakita sating malisyoso kung ano pa ang isipin.” Sabi nito, natawa naman siya.
Gerald’s POV
“Cobbe, may importante pa kasing lakad si Daddy eh, kay yaya ka na muna ha, she’ll take you home na.” paalam niya sa anak. Nasa tapat sila ngayon ng school na pinapasukan nito. Ngayon ang araw na pinakahihintay niya, sasabihin niya na kay Sarah ang lahat, kung bakit kinailangan niyang umalis, kung bakit natagalan siya bago makabalik, at ang rason kung bakit siya bumalik. Sa wakas nakapag-ipon rin siya ng lakas ng loob para sabihin ang lahat dito.