Chapter 25B

3.8K 57 15
                                    

“ahh ganun? so laglagan tayo ngayon Bro?” sabi ni Fred matapos niyang ikwento kay Matteo lahat ng kalokohan nito noong high school. “akala mo ikaw lang ang may baon ha, meron din ako noh. Akala mo hindi ko alam yung tungkol sa mga gifts at saka dun sa flower.” Sabi nito na nakapagpa tahimik sa kanya.

“Bakit bro ano yung tungkol sa gifts at saka sa flower?” tanong ni Matteo kay Fred.

“ito kasing si Gerald hindi mo mapagkakamalan na torpe kasi dinadaan niya  lagi sa pang-aasar.”

“hoy hindi totoo yan ha.” deny niya.

“anong hindi? Totoo yan, diba ganyan yung ginawa mo kay Sarah? O ano aminin.” Tukso nito sa kanya, hindi niya man nakikita ang sarili pero alam niyang nagsisimula na namang mamula ang tenga niya. “akala mo hindi ko alam? Na 3rd year pa lang tayo may gusto ka na kay Sarah. Kaya lang galit sayo yung isa kaya hindi ka makaporma, kaya nung minsang mag birthday siya yung gift mo para sa kanya eh iniwan mo na lang sa tapat ng gate nila kasi natatakot ka na baka hindi niya yun tanggapin.”

“ohhhh!!! Talaga Bro ginawa mo yun?” tanong sa kanya ni Matt, nagpatuloy naman si Fred sa pagkukwento.

“oo ginawa niya yun and not just once but twice, kasi naulit pa yun nung Christmas, 3rd year din kami.”

“iniwan mo ulit yung Christmas gift mo sa tapat ng gate nina Sarah?” tanong ulit sa kanya ni Matt.

“hindi na Bro medyo nag improve na rin naman, kasi yung gift niya eh tinapon niya sa bintana ng kwarto ni Sarah.” Si Fred, tumawa naman si Matt.

“Meron pa yung tungkol sa bulaklak.”

“ano naman yung tungkol sa bulaklak?” si Matt.

Humarap siya kay Fred saka pasimple itong binulungan. “Bro naman, best friend tayo diba?”

“ano? Ano Bro? hindi ko marinig eh.” nagingiting sabi ni Fred saka nagpatuloy sa pagkukwento.

Totoo lahat ng kinuwento ni Fred, noon pa man lihim na siyang may pagtingin sa dalaga kahit na nga hindi sila nito magkasundo at madalas silang mag bangayan. Binalewala niya lang ito noong una kasi akala niya normal lang yung nararamdaman niya isa pa sa tingin niya masyado pa siyang bata para maramdaman ang bagay na yun, pero habang tumatagal mas lumalalim ang nararamdaman niya para dito hanggang isang araw na realize at inamin niya sa sarili na mahal niya na pala talaga ito. Ilang beses niyang sinubukang aminin dito ang nararamdaman niya pero lagi iyong hindi natutuloy dahil makita pa lang siya sira na agad ang araw nito isa pa sinabi rin nito mismo sa harap niya na hinding-hindi ito maiinlove sa kanya.  Kaya madalas inaasar niya na lang ito para magpapansin, palihim niya rin itong sinusundan sa mga lakad nito, kahit na minsan nagmumukha na siyang stalker nito.

Noong mag birthday ito nag-isip siya ng paraan kung paano niya maibibigay ang regalo niya dito, gusto niya sana personal niyang maiabot iyon dito kaya naman pumunta siya sa bahay nito. Okay na sana ang lahat, nasa tapat na siya ng bahay nito, nakapag doorbell na nga siya eh kaya lang bigla na naman siyang inatake ng katorpehan niya kaya ayun ng makita niya ang yaya nitong palabas ng pinto mabilis niyang iniwan ang regalo niya sa tapat ng gate nito sabay takbo papalayo. Ganun din ang nangyari ng pumunta siya sa bahay nito para ibigay ang regalo niya for Christmas nandun na siya, kaya lang nahiya na naman siya kaya ayun, ng makita niya ito at ang ate nito na masayang nagbibiruan sa kwarto nito hinagis niya sa bintana ang regalo na dala-dala niya. Natatandaan niya pa nga kung gano nagalit ang ate nito dahil sa ulo nito iyon bumagsak. Sa kanya din galing yung bulaklak na natanggap nito nung Velentines Day. Pero ang natatandaan niya, walang ibang nakakaalam ng mga bagay na yun kundi siya lang, kahit sa mommy niya hindi niya iyon sinabi, so pano nalaman ni Fred ang mga yun?

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon