Chapter 8

3.8K 51 3
                                    

"Nasan na kaya yung mokong na yun? 1 week nang hindi pumapasok yun ahhh...ano kayang nangyari dun???grrrr....bakit ba hindi ko mapigilan na mag-alala para sa kanya...ano bang nangyayari sa kin" sabi niya sa sarili habang nililibot ang mata sa paligid.

"huwag mo ng hanapin, wala siya..." sabi sa kanya ni Maja, napansin pala nito na kanina pa siya may hinahanap. "patay ang daddy niya kaya parati siyang absent nitong mga nakaraang araw, bukas ata ang libing, pupunta nga kami dun ni Fred mamaya eh...ano sama ka?" tanong sa kanya ng kaibigan.

"ha? Naku kayo na lang, hindi naman kami close nun, saka nakakahiya naman kung pati sa burol ng daddy niya eh mag-away pa kami...uwi na rin naman ako, kanina pa kasi naghihintay si Mang Gusting". Paalam niya sa mga kaibigan saka sumakay ng sasakyan. Nagulat siya sa nalaman niya, naawa siya kay Gerald ng oras na yun, alam niyang masakit para dito ang mawalan ng ama. Gustuhin niya mang pumunta sa bahay nito para makiramay pero alam niyang hindi yun ang nararapat niyang gawin sa ganitong pagkakataon. Natigil siya sa pag-iisip ng maramdamang tumigil ang sasakyan.

"Ano pong nangyari?" tanong niya sa driver

"Nasiraan ata tayo..."

"po?"

"dito ka lang, titingnan ko lang kung anong sira nitong sasakyan..." bilin nito sa kanya bago lumabas.

"okay na po?" tanong niya dito ng lumapit ito sa kanya.

"hindi pa, dito ka lang Sarah ha...huwag na huwag kang lalabas, mabilis lang ako, titingnan ko lang kung may malapit na talyer dito, I lock mo yung mga pinto." Bilin nito sa kanya.

Naisipan niyang magbasa ng libro para malibang habang naghihintay pero lumipas na ang 15 minuto hindi pa rin ito bumabalik, nagsisimula na siyang makaramdam ng takot. Medyo madilim na rin ang paligid, nauuhaw na rin siya. Naisipan niyang lumabas muna para bumili ng maiinom, papunta na siya ng tindahan ng malala na naiwan niya pala sa loob ng kotse ang bag niya. Bumalik siya sa sasakyan para kunin ang bag, akmang isasara niya na ang pinto ng kotse ng maramdaman niyang may matalim na bagay ang nakatutok sa tagiliran niya.

"hold-up to, huwag kang kikilos ng masama, bigay mo sakin yang bag mo..." sabi nung lalaking naka bonet.

Hindi siya makagalaw dahil sa nangyayari, nakapulupot sa leeg niya ang kaliwang braso ng lalake samantalang ang isang kamay naman nito'y hawak ang isang patalim na nakatutok sa kanyang tagiliran. Tumingin siya sa paligid, nagbabakasakaling may taong nakakakita sa kanila, pero nanlumo siya ng makitang malinis ang paligid.

"bigay mo sabi sakin yang bag mo..." ulit ng holdaper. Nanginginig na binigay niya ang bag. Kinuha nito ang bag pati ang mga alahas na suot-suot niya.

"Huwag na huwag kang magkakamaling sumigaw dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Sabi nito sa kanya saka siya binitawan. Tumingin muna ito sa paligid saka mabilis na tumakbo, hindi pa ito masyadong nakakalayo nang isang humaharorot na motorsiklo ang humarang dito, tumakbo pabalik sa kanya ang holdaper sumunod naman ang motorsiklo dito, akmang hihilahin siya ng holdaper ng mahagip ito ng motor dahilan upang bumagsak ito. Bumaba naman ang driver ng motorsiklo saka pinagsusuntok ang holdaper sa harap niya.

"anong kaguluhan yan?" narinig nila mula sa di kalayuan. Lumingon sa gawi nito ang driver ng motorsiklo, nakahanap naman ng pagkakataon ang holdaper tinadyakan nito ang lalakeng nasa harap, akmang sasaksakin nito ito ngunit mabilis itong nakaiwas.

"itigil niyo yan..." narinig ulit nila. Tumakbo naman ang holdaper ng mapansing mga pulis ang palapit sa kanila.. Hinabol ito ng isa sa mga pulis, ang isa nama'y pumunta sa gawi nila.

"anong nangyari?" maawtoridad nitong tanong sa kanila. "GERALD???" gulat na tanong nito ng tanggalin ng driver ng motosiklo ang helmet nito.

"Sorry po Tito..."

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon