SORRY PO!!! haha...
-----------------------------------------------------------------------------------
Sarah’s POV
“Ano ganda, nakapili ka na?”
“nakapili ng ano?” naguguluhang tanong niya sa kaibigan. “okay na po?” tanong niya sa bading na nagsusukat sa kanya, tumango naman ito bilang pagtugon. “salamat po.”
“eh di ng wedding gown, diba sabi ko pumili ka diyan, kaya nga binigay ko yan sayo eh.”
“eh ba’t ako ang pipili? Ako ba ang ikakasal? At saka nakapili na kayo diba? ang alam ko nga tapos na yun eh.”
“eh…ano…hmmm…kasi…hi-hindi nagustuhan ni Harry.” Nauutal na sagot nito.
“weh? Di nga?”
“oo nga.”
“talaga?”
“oo nga sabi eh. Ang kulit, mas makulit pa sa langaw.”
“nagsalita ang hindi makulit.” Natatawang sabi niya.
“Ba’t ba kasi ayaw mong maniwala?”
“Paano naman ako maniniwala eh kasama niyo kaya ako nung piliin niyo yung gown na yun. First choice pa nga yun ni Harry eh.”
“Kasama ka ba namin nun?” tanong nito sa kanya. Tumango siya bilang pagtugon dito. Magsasalita pa sana ito nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Fr. Babe
“Can’t pick you up, I’m sorry. Maraming kelangan tapusin dito sa office eh. But promise next time babawi ako”
Napabuntong hininga siya ng mabasa ang message na iyon ng binata. Apat na araw na nang huli sila nitong magkita at yun ay noong dumating siya from Paris. Kung hindi busy, may kelangang tapusin o asikasuhin ang laging bukambibig nito. Hindi niya maintindihan pero kinakabahan siya sa inaaktong iyon ng binata, parang may nangyayaring hindi maganda. Naalala niya tuloy ang naging pag-uusap nilang dalawa nang sunduin siya nito sa airport.
“Lalim niyan ahh.” Puna niya sa binata, sa airport pa lang kapansin-pansin na ang pagiging tahimik nito, tulala at parang laging wala sa sarili. “may problema ba?”
Huminga ito ng malalim saka hinawakan ang mga kamay niya. “Na miss lang kita.” Maikling tugon nito.
“talaga lang ha? Eh bakit parang namatayan yang mukha mo?”
Ngumiti ito, pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. “mukhang nag-enjoy ka sa bakasyon mo ah…” hinila siya nito para yakapin saka masuyong hinalikan ang noo niya.
Yumakap din siya dito at malambing na isinubsob ang mukha sa dibdib nito. “Sus! Iniiba mo naman usapan eh.” Sabi niya habang nananatili sa ganung posisyon. “Babe!” tawag niya ng hindi ito sumagot.
“hmmm…”
“pwede magtanong?”
“Sure! Ano yun?”
Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito at derechong tumingin sa mga mata nito. Iniisip niya kung pano magsisimulang magtanong dito. Akmang magsasalita na siya nang tumunog ang cellphone nito. Kita-kita niya kung gano ito namutla nang makita ang pangalan ng caller.
“I’ll just take this call.” Sabi nito saka lumabas ng bahay. Matapos ang sampung minuto ay bumalik ito at nagmamadaling nagpapaalam sa kanya. “Babe! I’m sorry, but I have to go, nagkaroon kasi ng emergency sa office.”