Sitio Kulto [Book 2]

7.8K 140 17
                                    

AAAAHH! TULOOONG!

Isang sigaw ang pumailanlang sa kadiliman ng gabi. Sinundan iyon ng nakakakilabot na tawa ng isang taong nakasuot ng mahabang damit na kulay itim. Nakasaklob sa ulo niya ang mahaba at patatsulok na hood ng damit.

"WAG! P-PARANG AWA MO NA!" Pagmamakaawa ng isang babae na nakatali ang dalawang kamay sa poste gamit ang barbed wire. Umaagos ang dugo mula sa kanyang braso kung saan nakabaon ang mga matutulis na bakal. Hubo-t-hubad siya at maraming galos at pasa. May mga natuyong luha, pawis, sipon at dugo sa kanyang mukha.

"Pasensya na pero wala akong awa. Malapit na ang araw ng pagsasama at kailangan namin ng pagkain… Kailangan namin ng alay." Malamig na sabi ng taong nakaitim.

Nasa isang kubo sila na may kulay dilaw na bumbilya pero nagkaroon ng bahaging kulay pula dahil sa natuyong dugo na tumalsik doon. Inaanay na ang mga dingding na sawali ng kubo. May mga malalaking hook na parang sabitan ng mga baboy sa isang slaughter house ang nakasabit sa mga mahahabang kahoy na nasa magkabilang gilid ng kubo. Sa ilang mga hook ay may mga nakasabit na hubad na katawan ng mga taong wala nang ulo at butas ang parte ng puso. Ang iba ay wala na ring mga kamay at binti.

Basa dahil sa dugo ang sahig na semento ng kubo, umaalingasaw ang masangsang na amoy ng dugo, ihi at dumi ng tao. Karumal-dumal ang lugar na ito.

"Tigilan mo na 'to. Demonyo ang sinasamba niyo! H-hindi pa huli para manghingi ka ng tawad sa Diyos." Umiiyak na sabi ng babaeng nakatali.

"Diyos? Walang kwenta ang diyos na sinasamba niyo! Binabalewala niya kami! Ang Panginoon naming may nagbabagang mata ang tumulong sa amin! Siya ang magliligtas sa amin at kailangan namin kayo para kami'y kanyang kalugdan! Kaylangan namin ang dugo at puso niyo para mas lumakas siya!" Parang nababaliw na sabi ng taong nakaitim. Nagpalinga-linga ito at ng mahagip ng mata ang isang kinakalawang na butchered knife ay agad na nilapitan iyon at kinuha. "Kaya hindi ako papayag na makatakas ka pa! Kailangan kong putulin ang iyong mga paa!" Nakakakilabot na sabi nito habang lumalapit sa babaeng nakatali.

Iniangat ng taong nakaitim ang kinakalawang na butchered knife at dinilaan iyon hanggang sa dulo. Makikitang naging kulay kalawang ang dila nito dahil sa ginawa.

"Ganito kami magbasbas ng aming gamit." Sabi niya habang nanlilisik ang mga mata.

"W-wag!"

Nagmamadaling lumuhod ang taong nakaitim at hinawakan ang nakataling binti ng babae. Nagpumiglas ito kaya't mahigpit niyang hinawakan ang binti. Tinapat niya ang butchered knife sa may bandang itaas ng bukong-bukong ng babae at ubod-lakas na tinaga iyon. Malakas na napasigaw ang babae, tumawa lang ang taong nakaitim na parang tuwang-tuwa sa ginagawa. Tinaga nitong muli ang binti at tumalsik ang dugo mula roon. Namamaos na sa kasisigaw ang babae, naglalabasan na ang litid nito sa leeg dahil sa labis na pagsigaw. Tinaga ng tinaga ng taong nakaitim ang binti, bawat taga niya ay siyang sigaw naman ng babae, kung saan-saan tumatalsik ang dugo. Tumigil lang sa pagtaga ang taong nakaitim ng sumayad na sa buto ang butchered knife.

"Matigas ito! Matigas ang iyong buto!" Parang nababaliw na sabi nito na sinundan ng nakapangingilabot na pagtawa. Luminga-linga siya sa paligid at nagmamadaling lumapit sa isang gilid ng kubo, binalikan nito ang babae at may dala na siyang martilyo. Muli siyang lumuhod sa naglalawang dugo galing sa malapit ng maputol na paa, kinuha niya ang puro dugong butcher knife at tinapat iyon sa buto ng babae.

Nanlilisik ang mga mata niyang iniangat ang martilyo at pinukpok ang butcher knife na nakatapat sa buto ng paa ng babae. Isang nakakakilabot na sigaw ang pinakawalan ng babae habang walang habas na pinupukpok ng taong nakaitim ng martilyo ang butcher knife.

Nanlalabo na ang paningin ng babae dahil sa dami ng nawalang dugo, isama pa ang labis na sakit na nararamdaman niya sa napuputol niyang paa. Hinang-hina na siya at naghahabol ng hininga.

"Isa pa!" Sabi ng taong nakaitim at tinapon sa kung saan ang naputol na paa nang babae. Lumipat ito sa isang paa at pinagtatagang muli iyon.

Tumindi ang panlalabo ng paningin ng babae. Hindi na siya sumisigaw, sa halip ay mahihinang ungol na lang ang kumukuwala sa kanya. Mabilis ang pagtaas baba ng kanyang dibdib. Hindi niya na kaya! Hirap na hirap na siya.

Ng maputol ang isa pang paa ay tumayo na ang babaeng nakaitim. Tumutulo ang dugo sa hawak niyang kutsilyo. Gamit ang isang kamay na puro dugo ay hinilamos niya ang kanyang mukha dahilan para kumalat ang dugo roon.

"Ilang sandali lang ay mapapabilang ka na sa mga katawan na nakasabit sa gilid ng kubo na ito. Unti-unti naming puputulin ang parte ng katawan mo at kakainin." Lumuhod ang taong nakaitim sa tabi ng naghihingalong babae. Hinaplos niya ang mukha nito at nilapit ang bibig sa tenga para bumulong. "Ang mga karne niyo ang dahilan kung bakit matagal kaming tumanda."

Pagkasabi nuon ay tinaga niya ang tiyan ng babae. Napaubo ang babae at bumulwak ang dugo sa kanyang bibig. Ngumisi ang taong nakaitim at pinasok ang kamay sa tiyan nito.

Tumirik ang mata ng babae at dumami ang dugong lumalabas sa kanyang bibig.

Ng mahawakan ng taong nakaitim ang kanyang pakay ay ubod lakas niyang hinila iyon. Nilabas niya ang kamay mula sa tiyan ng babae at hawak na nito ang tumitibok-tibok pa nitong puso. Nilapit niya ang puso sa kanya at nakapikit na inamoy 'yun.

" hoc est, non ad finem. Suus 'iustus non est principium. " Sabi ng taong nakaitim at dinilaan ang hawak niyang puso.

To be continued.

THANKYOU -Rayleigh for the very creepy cover.

This is the second book of Kulto. Pasensya kung natagalan pero sana ay nagustuhan ninyo ang prologue. This story will be in third person's point of view. Sana po suportahan niyo. Sana po basahin niyo rin ang Kulto (book 1). Grabe, tindi ko! Nagkabook 2 pa ako. Hahaha. Salamat sa magbabasa. Votes, comments and fanning ang mga bagay na gustong-gusto ko. Plith! Haha. That's all! Be a KULTORRIFIC!

Sitio Kulto [Book 2]

Copyright © 2014 by GerAldGruezo

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the Author, except where permitted by law.

Plagiarism is a crime. Plagiarism is also a kind of stealing. Don't be a thief!

GerAldGruezo/PrustreytedRayter

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon