"C-carl?Anong ginagawa mo dito?"Nag tatakang tanong ko.
"Kinakaon ka." Cold na sagot nya.
"Eeh di pa naman uwian aah?" Nag tatakang tanong ko.
"Where are you going?" Tanong nya pa.
"Wala lang mag kwe kwentuhan lang kami ni Justin." Sabi ko sabay tingin kay justin na hawak din ang isa kong kamay.
"Hali kana Christy" sabi ni Justin sabay hila sakin pero mabilis naman akong hinila ni Carl pa punta sa kanya buti nalang di ako nasaktan haysss.
"No.Come with me." Sabi naman ni Carl na nanlilisik na yung mata habang naka tingin kay Justin.
Kung nakaka matay lang ang tingin sigurado akong naka burol na ang minamahal kong kaibigan ngayon.
Tsaka grabe yung tingin ni Carl aba may kakaiba sa mata nya at ngayon ko lang yon nakita parang may demon sa mata nya nakaka kilabot...
"P-pero sasamah-"
Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinila na nya ako palayo kay Justin at buti nalang hindi na nag protesta si Justin at naiwang nag tataka.
Huhuhu kawawa naman ang bestfriend ko...
"Hmmp.Ano bang kailangan mo at kailangan ko pang iwanan si Justin??" Naiinis na tanong ko.
Nang nag eye contact kami naka ngiti na ulit sya wala na yung demon sa mga mata nya.
"Wala lang mag papaturo lang sana ako sa Math.Ang hirap kasi nung assignment natin eeh."
Sabi nya habang ngiting ngiti.
"Ok sige sa library nalang kita tuturuan para happy." Sagot ko naman.
"Ok" sabi nya sabay hila sakin.
Mga ilang lakad pa ang ginawa namin bago kami naka punta sa library.
"Ge labas mo na notebook mo." Sabi ko
Pag ka labas nya ng notebook nya itinuro na nya sakin ang ipapaliwanag kaya nag simula na ako.
Akala ko ba matalino tong bad boy nato?
Eeh bat sya nag papa turo sakin?
Nag turo na ako ng nag turo kaso nga lang napansin ko na nakatingin nga sya sakin pero parang hindi sya nakikinig.
"Huyy Carl.Earth to Carl.Oii" sabi ko.
Sabi ko habang naka tingin sa kanya pero naka tulala lang sya sakin. Kaya pinisil ko yung pisngi nya.Dun lang sya natauhan
"O-ooh?Anong sabi mo?" Natatarantang tanong nya.
"Hay nako.Sabi ko kung naiintindihan mo ba yung mga pinapaliwanag ko."
"A-aay yup naintindihan ko."
"Ge ipaliwanag mo nga."sabi ko.
Tapos kinuha nya sakin yung notebook nya at sinimulan na nyang ipaliwanag.At tama nga naintindihan nya pati nga yung hindi ko pa ipinapaliwanag sinabi na nya eeh.
"Kala ko ba di mo alam?Eeh parang mas alam mo pa sakin eeh" Nag tatakang tanong ko.
"Syempre alam ko naman talaga eeh."sabi nya
"What??" Nalilitong tanong ko ulit.
"W-wala nothing." Sabi nya.
"Tapos na halika na sabay na tayo sa pag pasok sa room." Sabi nya kaya wala na akong nagawa at sumabay na sa kanya.
Mitsi's Pov
Nag lalakad ako papunta sa room ko ng biglang may kumuha nung bag ko kaya na gulat ako.

BINABASA MO ANG
ME AND THE GANGSTERS
Fiksi RemajaPano kung mag kita kayo ng isang gangster? Mag kakasundo kaya kayo?? O habang buhay na mag-kaaway? Magugustuhan mo kaya sya? O sya ang mag-kaka gusto sayo? May chance kaya na maging kayo? O may chance na mag away kayo? May happy ending kaya? O wala??