CHAPTER XVI

319 12 4
                                    


" MEDICAL HEROES, MEDICAL MISSIONS "


Habang nagkakasayahan ang Lahat, ay sila Rodney, Nishea, Caithlin at Almira An ay tumungo sa Isang Pampublikong Ospital para sa Tulong Medikal nila sa mga Mamamayan ng Seijou Seiyer.

Rodney : Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa Kanila.

Nishea : Gusto kong makita kung ano ang Kalagayan nila

Almira An : Naku, Nish kung Makita mo talaga sila. Siguradong Kaawa-awa.

Rodney : Buti na lang talaga at naisipan mong tulungan sila.

Almira An : Oo, simula nung nakita ko talaga yun. Hindi na siya maalis sa Isip ko.

Rodney : Nandito na tayo..

Nagulat si Nishea sa kanyang nakita. Ang mga Ibang Pasyente ay nasa Labas nang Ospital, dahil ang mga tanging may mga Pambayad lamang ang binibigyan ng Prayoridad.

Nishea : Ano 'to!?!?... Kalunos-lunos naman ang Kalagayan nila dito...

" Aaagghh.. Mama! Ang sakit ng Tiyan ko!!! "

" Konting Tiis lang Anak ko..Mawawala rin yan darating din ang Doktor "

Rodney : Ang sakit... Papaasahin mo ang Mahal mo sa Buhay para lang sa Isang Kasinungalingan, para lang matuto siyang Lumaban sa karamdaman nya.

Almira An : Hihiling ako sa Pangulo ng Bansang ito, Na magkaroon ng Reporma sa Medisina upang Mabago ang Kalakalan na nagaganap dito.

Nishea : Sigurado naman akong tutulong ang Presidente nila dito, Dahil sa ibang mga napagtanungan ko ay ang Laki daw nang pinagbago simula nang Pamunuan ito ng Kashkan Delta.

Rodney : Isama mo na rin yung mga Balasubas na Namumuno sa Ospital na ito. Tiyak yun Marami Sila!

Almira An : Pero bago natin unahin yun.. Tulungan muna natin sila.

Rodney : Teka muna sandali...

Almira An : Bakit, Rodney?..

Rodney : Tutulungan mo yang mga yan?.. As in Lahat nang yan?..

Almira An : Bakit naman hindi?.. Kailangan nila nang Atensyong Medikal.

Rodney : Matatapos kaya natin 'to.

Almira An : Tutulungan nyo lang naman akong Alalayan sila ako na ang Gagamot.

Nishea : Pero masyadong marami..

Almira An : Eh wala naman tayong Maasahan sa mismong Ospital eh.

Rodney : Sandali lang...Sige , Magsimula na kayo.. May Aayusin lang akong Problema.

Almira An : Saan ka Pupunta?..

Rodney : Basta magtiwala lang kayo sa akin.

Mabilis na pumasok si Rodney sa Ospital

Nishea : Hayaan na muna natin siya, Baka naman may maganda siyang Dahilan.

Almira An : Haay, Sana nga di sya gumawa nang Gulo na maaapektuhan ang Panggamot ko.

MORSE MANSION

Tuloy pa rin ang Kasiyahan sa Mansion nang mga Morse. Nariyan ang mga Bumabahang Alak at mga Pagkain, Mga Kuwento nang Kanilang Buhay sa Kamay nang nagdaang Huwad na Rehimen. At mga Bagong Kakilala at mga Kaibigan. Nandito din sina Caithlin,Georgina at Danielle. Pero hindi para magsaya kungdi magbantay lang sa mga Kaganapan.

CHILDREN OF SETHRO : SEASON 3 (Complete)Where stories live. Discover now