STORY OF CHIN YI & HAROLD Pt. 2

310 15 20
                                    

- STORY OF CHIN YI & HAROLD PART TWO –

*WILLIAM'S NARRATION*

DALAWANG LINGGO...Dalawang Linggo na ang nakakalipas nang mawala sina Chin Yi at Harold. At kahit na maliit na Detalye ay walang nakukuha ang Tribo ng Kakoa.

San Jang : Anong Balita? May nangyari ba sa lakad ninyo ni William?

Trevor : Wala po Pinunong San Jang..

Ilang sandali lang na ang aming Pagbalik simula nang mawala si Chin Yi at Harold ay dumating naman si Pinunong Bakuryu ; Ama ni Chin Yi

San Jang : Bakuryu, Kiba!?! Ano? May Balita na kayo sa mga Apo ko!?

Bakuryu : ....Wala pa rin po Ama.

San Jang : Mahabaging Baku! Nasaan na kaya ang Dalawa!? Sandali lang.. Ang mabuti pa at pumasok na kayo upang makapagpahinga at makakain na rin. Mukhang malayo ang inyong nilakbay---Naku po! Hindeee!?!?

Nabigla kami sa biglang pagtaas ng tinig ni Pinunong San Jang at nasundan pa ito ng pagkawala ng Balanse.

" PINUNONG SAN JANG!?!?! "

Bakuryu : Ayos lang po ba kayo Ama?!?

San Jang : Sila Chin Yi at Harold....

Bakuryu : Wala pa po kaming Balita...

San Jang : Hindi yon!.... Kumakain kaya sila ngayon? Masama pa namang nagugutom ang Dalawang Batang yon... Nagkakaroon ng Delubyo.. Sandali lang..Wala ba kayong nababalitaan sa mga Kalapit-Bayan na mga Insidente ng Pagpatay?..

William : Sa Bayan po ng Telus, mayroon pong nahuling magnanakaw at kalaunan ay pinatay din ng Taumbayan.

San Jang : Hindi..Hindi ganung Klaseng Pagpatay...

Hen. Kiba : Meron po...

Bakuryu : Huh?..

Hen. Kiba : Hindi ba, Pinunong Bakuryu sa dinaanan natin... Nasa 68 na Baka ang nakita nating mga Patay?...

Bakuryu : Mga Taga-Grayback ang gumawa nun.. Hindi mo ba alam na nakatapak tayo sa Teritoryo nila, kaya pinagmamadali kitang paandarin ang Kabayo mo?..

Hen. Kiba : G-Ganun po ba?!?..

San Jang : Bakuryu, Hindi ba't sinabi ko na ito sa'yo noon? Taglay ng mga Batang yun ang Sumpa sa atin ni Garuda!?

Bakuryu : Pero ama.. Isang Milenyo na ang nakakaraan at alamat lang ang Sumpa na yon!

San Jang : Nangyari na yon! Nung mga Panahong 3 Taon pa lang si Chin Yi, Hindi mo ba naaalala!?

Bakuryu : .....

Trevor : Igh..

William : Hm?

Pinagtaka ko ang parang pagkadismaya ni Trevor nang banggitin ni Pinunong San Jang ang Pangyayaring yun. Ano bang meron sa pagiging 3 Taon gulang ni Prinsesa Chin Yi? Ibig sabihin pareho sila ni Harold ng Kalagayan?

Nagsimula na kaming Kumain pero may isang Taong nawawala.

San Jang : Nasaan si Heneral Kiba?

Aida : Masama daw po ang Pakiramdam ng Heneral kaya po tumuloy po muna siya sa kanyang Tahanan.

Bakuryu : Marahil ay sobrang napagod din ang Heneral dahil sa dami nang Bayan na aming pinuntahan.

San Jang : Hayaan muna natin siyang makapagpahinga.

Subalit lingid sa aming Kaalaman namin lahat ay may tinatago pala sa amin itong Heneral na ito.

CHILDREN OF SETHRO : SEASON 3 (Complete)Where stories live. Discover now