Angela's POV
"ANGELA!" malayo pa lang ako nang marinig ko ang sigaw niya.
Grabeng bunganga yan. Wala na,.. expose na yung pangalan ko. chos!
Ano ba yan! Buong araw ko na nga siyang iniiwasan eh. Nakita kong magkasalubong ang mga kilay nitong papalapit sa akin. Patay!
"U-uy! Seven, ikaw pala yan. Hehe musta?"
"Tumawag ako kay Six kagabi at habang hinihintay ko siya ay pinaghugas ako ng pinggan.!" Inis na sabi niya.
"Wow nice. Sipag ah." komento ko.
"What!? You call that nice!?" Parang sasabog na siya sa galit. Parang mapuputol na ang litid sa sobrang inis. Woo scary >.<
"So? Anung gusto mong palabasin? Sumusuko ka na? Test mo to diba?" sabi ko sakanya na nakataas ang kilay. Wala kang palag sa akin kala mo.
"Bii, sumusuko na daw siya." Baling ko kay Bii. Katabi ko lang kasi siya at nakikinig lang sa amin.
"Ganyan talaga Bii. Wala tayong magagawa." maamong sabi niya. Oh anghel!
Mukhang natigilan si Seven sa sinabi ni Bii.
"Hindi pa ako sumusuko. Sabi ko nga kaya ko pa eh. Is that the best you can do?" pag-iiba niya ng mood. Asus! Nakita lang si June nag-iba na naman. Tsk.
Pinipigilan kong mapatawa. Para kasing bata xD Dapat pala lagi kong kasama si Bii para mabait to sakin eh. Kasi kapag kaming dalawa yari ako.
"Papunta kami ni Bii sa canteen." kinuha ko lahat ng gamit ni bii at gamit ko sabay abot sa kanya. "Ihatid mo kami sa canteen, dalhin mo yan. Kung sumusunod ka ba naman sa mga utos ko ng walang reklamo eh di hindi ka na nahihirapan." sabi ko pero parang bumulong siya.
"May sinasabi ka?" mataray kong tanong.
"Wala." sabi niya at nagsimula nang maglakad.
"Ikaw talaga." sabi sa akin ni Bii pero nginitian ko lang siya.
***
(Play the music at the side while reading this.)
Halos isang linggo ko na siyang inaalipin. Nakakatuwa nga kasi kahit nagrereklamo siya sa mga pinapagawa ko ay sinusunod pa din niya.
*flashback*
(Friday, Day 3 of pang-aalipin)
"Seven! Bili ka naman ng napkin oh! Kailangan na ni bii! Aalis kasi ako eh. Emergency lang. Nasa CR si Bii hinihintay ka. Sige Bye!" Pagmamadali ko sabay takbo.
"Teka wait!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.
Hihi. Pero joke lang na kailangan ni bii ng napkin pero totoong nasa CR siya.
***
(Saturday, day 4 of pang-aalipin)
Nandito kami sa park. Nagpasama ako sa kanya kasi gusto kong bumili ng dirty ice cream. Ayoko ng ibang ice cream, mahal eh. Kahit na si Seven ang pabibilhin ko nakakahinayang padin.
"Seven, bilis bili mo na ako ng ice cream bilis!" utos ko.
Pumunta siya sa bilihan ng ice cream.
"Oh." Abot niya ng ice cream.
"Bakit isa lang? Bumili ka pa ng isa!" utos ko ulit.
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Teen FictionNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...