Angela's POV
"Aray!" napahawak si Six sa parteng binatukan ko. "Para saan yun?"
"Para sa pagsusumbat mo doon sa kinain ko." pagtataray ko. Binatukan ko ulit siya.
"Teka, pangalawa na yun ha. Para saan naman yun?" angal niya ulit habang nakahawak sa ulo niyang binatukan ko.
"Para sa pang-aakbay mo sa'kin kanina. Bwisit ka. Uuwi na ako."
"Wait lang. Acting lang yun para mas maging makatotohanan. Mamaya ka na umuwi. 2pm pa lang oh." hinawakan pa niya yung braso ko.
Paawa effect na naman. Inis!
"Oo na! Mukha ka talagang aso kapag nagpapaawa ka." umupo ako sa malapit na bench sa tapat ng mga botique. "Ayoko ng maglakad-lakad. Upo nalang tayo."
"Okay sige." umupo na din siya sa tabi ko. "Kwentuhan nalang tayo." nakangiti pa ang loko.
"Sige, magkwento ka na." bored na sabi ko.
"Okay." Huminga pa siya ng malalim at tumingin sa akin. "Ano palang ikekwento ko?"
Napa facepalm nalang ako sa tanong niya. Kukutusan ko na toh eh. "Kahit ano! Basta yung may sense!"
Six's POV
"May isang lalaking gwapo--
"Sabi ko yung may sense."rinig kong angal ni Ela. Kahit kailan talaga tong babae na to. Kung di lang kita gusto naku! De joke lang. Natutuwa talaga ako kapag nagsusungit siya ng ganyan :)
"Teka, hindi pa nga nag uumpisa eh. Makinig ka nalang, mag kekwento ako. At may sense to no." kase tungkol to sa ating dalawa. Hehe.
Nanahimik na siya kaya nagpatuloy ako. "So ayun nga, may isang lalaking gwapo. Hindi lang siya gwapo kundi mabait din at pinapahalagahan niya yung mga tong mahal niya." Totoo to:D
"Mahilig siyang magbasa ng mga libro at ang favorite niyang place ay sa coffee shop."
"Bakit sa coffee shop? Hindi ba dapat sa library?" Reklamo na naman niya.
Tinignan ko siya ng makinig-ka-nalang look. Ngumiti siya at nag peace sign pa. Those smiles. Ang ganda sa paningin.
"Walang basagan ng trip Ela. Sa coffee shop kasi unang-una, tahimik din, may air-con, at may wifi. Pero hindi lang dahil doon. Kasi doon niya din nakikita ang babaeng gusto niya."
"Kaya kahit hindi siya nagbabasa, pumupunta pa rin siya doon para lang makita ang babaeng iyon. At sa araw-araw na pagtatambay nya doon, nalaman niyang tuwing Friday, Saturday at Sunday lang pumupunta ang babaeng iyon sa coffee shop."
"Curious ka na ba kung sino tong lalaking ito? At sino yung babaeng nagugustuhan niya?" tanong ko at tumingin kay Ela. Tahimik lang siyang nakaupo at naka cross-arms. Yung mata niya parang inaantok na.
"Inaantok ka na ba sa kwento ko? Wala pa nga sa kalahati eh." biro ko.
"Tuloy mo lang. Nakikinig ako wag kang magulo diyan." pag susungit niya. Nakuha niya pang magsungit kahit halata namang inaantok na siya. Mukhang pagod eh.
"Alam mo ba kung bakit nagustuhan niya yung babaeng nag ta-trabaho doon sa coffee shop? Kase yung babaeng yon' masipag, simple at matalino din. At isa sa malaking factor ay yung maganda at talented. Ang galing niyang kumanta grabe! Kahit isang beses niya palang napakinggan yung boses ng babae, tumatak na yon' sa utak niya."
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Novela JuvenilNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...