Remind ko lang po na hindi ko na po binabasa or nirerecheck yung pagtatype kaya po maraming typos. Don't worry, ieedit ko po kapag may free time :)
---------
Angela's POV
Sabay kaming bumaba sa building at naglakad papuntang parking lot.
"Gusto mo magdinner? Libre ko." sabi niya. Sus! kunwari pa! Papa-impress ka lang eh!
"Sige." pagsang-ayon ko. Aba! Libre daw eh. Bawal tumanggi sa grasya.
"Sige una ka na sa loob ng kotse. Check ko lang kung may flat tires." he said kaya naman pumasok na agad ako.
Hmmm. Ano ba pwedeng gawin.. Aha! Nakita ko yung wallet niya sa upuan kasama ng cellphone at bag.
Burara tong lalaking to. Basta basta iniiwan ang gamit. Hihi may naisip na naman akong kalokohan :D
Nilagay ko sa ilalim ng back seat ang wallet niya at sakto namang pumasok siya kaya nagpatay malisya nalang ako. *whistles*
****
Dinala niya ako sa sosyal na restaurant. Tsk! pa-inpress nga. Akala niya naman, Haha. tignan ko lang gagawin mo mamaya. Mwahaha magdusa ka Seven!
Hinanda na yung in-order namin at nagsimulang kumain. Tahimik at mabagal kong kinain yung pagkain ko. Nakikiramdam ako.
"Ba't ang tahimik mo? Creepy ah." komento niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Mas creepy yang mukha mo! Kumain ka na nga lang jan." pagtataray ko.
Nang matapos na kaming kumain ay hiningi na nya yung bill. Pinipigilan kong may mag form na ngisi sa bibig ko. Baka mahalata.
Nang makuha ang bill ay dumukot ito sa bulsa niya para kunin ang wallet na kasalukuyang tinago ko. hehe.
Natigilan siya pero hindi niya ito pinahalata sa waiter at saka kinapa ulit yung mga bulsa niya. Bigla siyang tumingin sa akin at saka sa waiter.
"Uhh."
'Boy! This is too funny to watch xD' Okay, time to show my acting skills.
"Problema?" kunot-noo kong tanong. Pero syempre acting lang yon :)
Lumapit siya sa akin para bumulong.
"I can't find my wallet." nahihiyang sabi niya.
Tinignan ko siya. HAHAHAHA! Epic face.!
"Baka nasa bag mo?" patay-malisya ko ulit na tanong.
Tinignan naman niya iyon pero halata sa mukha niyang wala doon ang wallet.
"Uhh. May pera sana ako dito kaso hindi sapat para sa kinain natin." sabi ko. Para mas mukhang makatotohanan. Haha.
"Damn." sabi niya sabay tingin sa waiter na nakangiti. "Uhh, my wallet seems to be missing."
"Uhm, you must talk to the manager about that sir." kalmadong sabi nung waiter. Lihim naman akong napapangiti.
Shete! Gusto ko nang pagtawanan siya. Okay, time ang sumibat. Sa ilalim ng mesa ay pasimple kong kinalikot yung phone ko.
Nag fake call ako. "Hello pa. Nandito po sa restaurant. Opo, pauwi na po ako, Nagkaroon lang po kasi ng mallit na problema. Osige po." Sabi ko sa kabilang linya kahit wala naman. Haha.
"Uy Seven, I have to go. Nagagalit na si papa. Pinapauwi na ako." baling ko sa kanya.
"What!? Iiwan mo na naman akong mag-isa dito!?" inis na sabi niya.
"Mianhe." sabi ko na nagpipigil ngumiti habang kinukuha ang bag.
Bago pa man ako makalabas ng pintuan ng restaurant ay tumingin ako kay Seven na saktong napatingin sa akin at saka ko siya binelatan at tumawa.
Siguradong patay na naman ako neto bukas.
Seven's POV
"Damn it!" Sabi ko sa sarili ko. Baliw na talaga yung babaeng yon. Inis!
"Uhm just wait a minute. I'll just call my cousin." Sabi ko at saka tumalikod.
Nagring ito ng ilang beses bago sumagot.
(What's up dude?)
"Tss. Come here at *** restaurant now." i said and hung up the phone.
Pagkaharap ko nandun na yung waiter kasama yung manager.
"Uhm. My cousin will going here any minute. I'll just pay the bill right after he came." I said.
"Uhm. If that's the case. But if you don't mind, can you wash the dishes while waiting your cousin?" masungit na sabi nung manager.
Tsk! Ang kulit. Sabing babayaran naman eh. Kung hindi lang to babae naku!
*sigh* wala na akong magagawa. Tumango nalang ako sakanila. At saka sumunod papuntang kitchen.
Kasalanan mo to Angela!!! Malalagot ka talaga sa akin bukas!
Six's POV
My cousin called me habang nasa coffee shop ako. Though hindi naman ako nainom ng kape dito. Tumatambay lang. Para makita si Angela. Kaso wala siya eh. At saka libre wifi dito :D
Agad akong umalis papunta sa restaurant na sinasabi ni Seven. Ano kayang nangyari dun? Hmm..
"Excuse me, where's your manager?" I asked.
Tinext kasi ako ni Seven na hanapin ko daw yung manager pagkapunta ko dito.
"Good evening sir. So you must be the cousin of Mr. Seven Santillan?' she said.
"Yes, where is he?" i asked.
Binayaran ko muna yung bill daw nila at saka nagtungo sa kitchen.
Pfffft. Naaubutan kong naghuhugas si Seven ng tambak na mga plato. Kawawang pito. Hahaha. Hindi kasi yan pinaghuhugas sa kanila kahit na marunong siya.
"Dude." i said habang nakangiti at napatingin naman siya sa akin.
"T*angina ka dre, ba't ngayon ka lang." he asked na halatang iritado.
"Pasensya naman ha. Salamat dahil pinagbayad mo akong bill nyo. Pasalamat ka may dala akong pera kung hindi magdamag kang maghuhugas dyan. HAHAHAHA." sabi ko.
Nakakatawa naman kasi talaga na ang isang Seven Santillan naghuhugas ng pinggan dahil hindi niya mabayaran yung kinain niya.
"Tss. My wallet is missing. Tinago nung baliw na babaeng yun." he said habang papuntang parking lot.
"Baliw na babae? You mean Angela?" Kunot noo kong tanong.
"Sino pa bang ibang baliw na kakilala ko? Bwisit yun. Humanda siya bukas." He said.
Hmm. Kaya pala hindi siya nakabayad kasi tinago naman ni Angela yung wallet niya.
Pumunta ako sa kotse niya at saka tinignan ang mga ilalim ng mga seats. At nakita kong nandun yon sa ilalim ng back seat. HAHA smart girl.
"Oh." Binato ko sakanya yung wallet niya.
"Where did you find it?" takang tanong niya.
"Sa ilalim ng back seat ng kotse mo. By the way, you don't need to pay me back." pang-aasar ko.
"Tss. I gotta go." he said.
Nagnod lang ako at saka sumakay sa sariling sasakyan.
I hope he woudn't become my rival someday.
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Teen FictionNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...