Seven Santillan's Picture at the side :) Pogi noh? Haha :D ------------>
Angela's POV
"Uy bilis na."
"Ayoko."
"Sige na. Minsan lang naman eh. Okay sa iba nalang." pangungulit sa akin ni Seven.
Hayst! Ang kulit ng bwisit na to! Kanina pa ako kinukulit na ilibre ko daw siya sa KFC. Ano sya swerte? Eh ang mahal dun eh! Ako nga di makakain dun tapos mgpapalibre pa siya sa akin? Manigas siya! Bwisit siya!
"Ayoko! Ang mahal dun! Bahala ka buhay mo!" sigaw ko sa kanya.
"Sa iba na nga lang eh. Kahit saan. Di ako aangal. Basta manlibre ka." sabi niya.
Ewan ko ba dyan kung bakit bigla biglang gusto magpalibre, mayaman naman siya.
"Sige. Mabilis lang ha! Maypupuntahan pa ako." sabi ko sabay hatak sa kanya. Nagpahatak naman siya. Medyo tamad din to eh noh.
"Bawal umangal ha! Sabi mo yan!" nilingon ko siya at hinatak ulit.
Pagkalabas namin ng campus ay naglakad kami ng ilang minuto at nakarating kami sa gilid ng university. Dito kasi natitinda yung mga streetfoods.
Tinignan ko siya. Nakatitig lang sa mga vendors. "Yan na yun?" tanong niya ng naka kunot-noo.
"Oo. Huwag kang tumunganga jan" sabi ko sabay punta sa bilihanng kikiam at kumuha ng marami. Iniwan ko siyang nakatayo dun. Bahala siya.
Naramdaman kong tumabi siya sa akin kaya tinignan ko siya habang tumutusok ako ng kikiam.
"Hindi man lang kahit sa Mcdo o Jollibee? Dito talga?" sabi niya habang nakatitig sa akin.
"Sabi mo hindi ka aangal? Yan lang kaya ng pera ko kaya wag kang maarte! Buti nga pumayag pa ako kahit may pupuntahan ako." Sabi ko habang nakain.
"Oo na. Tss. Ano yang kinakain mo? Baka madumi yan!" nakaturo siya sa kikiam ko.
"Tss. Edi sana nagkasakit ako kung hindi to malinis! Kikiam to! Masarap to no! Kaya nga favorite ko to. Gusto mo i-try?" sabi ko habang naka tutok sa kanya yung stick na may kikiam.
"A-ayoko. Ano nalang uhmm." nagpalinga linga siya tapos tinuro niya yung fishball na niluluto ni manong. "Ano ito?"
"Fishball. Sarap kaya nito! Bwisit ka ang arte mo!!" sabi ko tapos nagpatuloy nalang sa pagkain. Bahala siya kung ayaw niya.
"Manong pahingi nga hong dalawa." rinig kong sabi niya kay manong kaya napalingon ako sa kanya.
Unti-unti pa niyang sinubo yung fishball at nginuya. "Ang sarap pala nito! Manong pahinga pa nga ho." tapos kumain siya ng kumain. Hala! *o* Grabe ang takaw!
"Hoy! Dahan dahan naman! May bukas pa! Akala ko ba ayaw mo niyan?" sabi ko habang siya subo ng subo. Grabe lang!
"Ang sarap nito Angela. Try mo." sabi niya lang. Tss.
Naramdaman kong may nagvibrate sa bulsa ko. Yung cellphone ko pala may nagtext.
Bii, where are you na? Im here at the *** restaurant. I'll wait for you. Take care.
"Hoy bilisan mo kumain jan. Kailangan ko na umalis." Niyugyog ko pa yung braso niya.
"Oo teka. Kumakain pa yung tao eh. At saka san ka ba pupunta? Ba't madaling madali ka? Sino kasama mo? Lalaki ba?" huh? Ano bang care niya?
"Eh ano naman sayo?" tanong ko.
"So lalaki nga kasama mo? Sino yon ha? Close ba kayo? Kilala ko ba siya?" kunot-noo naman niyang tanong.
"Tss. Tatay kita? tatay kita? Kung makapagreact naman to. Si bii kasama ko! Kaya mawalang galang na, ihatid mo na ako." binayaran ko muna yung kinain namin at saka dumiretso sa kotse niya.
"Sa suunod kain ulit tayo dun ha." sabi niya habang nagmamaneho.
****
"Sorry Im late." umupo ako sa katapat na upuan ni Bii. "Si Seven kasi.."
Ngumiti lang siya. "It's okay. Seven? Oh bakit? Magkasama kayo kanina?" Tanong niya.
"Oo, nagpalibre pa ng fishball." Sabi ko.
"Kumakain siya nun?" Nakakunoot yun noo niya.
"Hindi. Akala ko nga makaka mura ako kasi alam kong hindi siya kumakain nun. Kaso nakatikim ng fishball. Ayun, nasarapan ata. Halos maubos na nga yung mga niluluto ni Manong eh." Kwento ko.
"That's funny." sabi niya habang nakangiti at umiiling.
"Funny? Muntik na masimot yung baon ko! Nakuuu change topic na nga at naalala ko lang yung simot kong pera! bwisit yun!"
"So, ano bii? Sabay nalang tayo magreview tapos overnight. Sa bahay nalang tayo" sabi ko habang taas-baba ang kilay.
"Sure! I like that idea. But before we go to your house let's eat first." Sabi niya tapos tumawag na siya ng waiter at nagtingin sa menu.
Habang nagsasabi si bii ng order niya ay napansin ko yung waiter na nakatitig lang kay bii at hindi nililist down yung mga orders niya. Napataas yung kilay ko.
"Ehem! Excuse me nga kuya." napatingin sa akon yung waiter at pati na rin si Bii.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Novela JuvenilNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...