Actress 22: Enchanted To Meet You

10 1 0
                                    

Angela's POV

Pagkauwi ko ay naglinis ako ng bahay. Well, daily routine ko na ang paglilinis ng bahay tuwing hapon kapag bakasyon. Hindi kasi ako napapansin (pinagagalitan) ni papa kapag nakikita niya akong naglilinis, you know what I mean. Sermon here, sermon there kapag nakatunganga. Kaya parang advantage na rin para sa akin ang paglilinis.

After that, I took a bath and ready to go to the coffee shop. It's Saturday kaya kailangan na pumasok ako.

"Hi cutie." Bati sa akin ni Cyca at saka ako pinicturan. Sanay na ako sa kanya. Ganyan siya tuwing papasok ako ng Coffee Shop. 'Cutie' tawag niya sa akin kasi cute daw ako. Ewan ko doon pero siya lang ang parang ka-close ko dito. Napaka kulit niya and she insisted na friends daw kami. O edi friends.

Nginitian ko lang siya at dumiretso na sa back stage para maghanda. And the show goes on hanggang sa makauwi na ako. Pagdating ko nga kumakain nila silang apat- including my father. As usual, ako ang huling kakain kaya sa akin ang natirang ulam na kakarampot nalang.

"O bunso." Inabutan ako ni kuya ng beef steak. "Tinabihan na kita kasi alam kong mauubusan ka na naman eh." Nginitian ako ni kuya at saka umakyat na papunta siguro sa kwarto niya. Si kuya Angelo, ang para sa akin ay ang pinakamabait sa kanila. Astig no? Para kaming kambal sa pangalan namin. Actually 3 years lang ang tanda niya sa akin at hindi man sa pagmamayabang eh gwapo talaga siya. Kaya akala din ng iba na magkambal talaga kasi cute ako. Kidding -____- So as I was saying, para sa akin siya ang pinakamabait. Parang siya lang kasi ang may concern sa akin though kinakausap niya lang ako kapag in need ako. Pero atleast diba? Ramdam kong may kakampi ako sa bahay.

After kong kumain ay nagligpit na ako at tinabihan ang dalawa ko pang kuya na nanonood ng t.v.

"O nandito na pala ang pangit kong kapatid." At saka siya tumawa. Siya si Kuya Erwin. Ang laging nang-aasar sa akin at ang napaka nega- sa amin. Lagi niya kasi akong dinadown kapag maysasalihan akong events sa school. Sumunod siya sa panganay namin. "Mukha mo kuya ang pangit." Ganti kong asar. Ganito lang kami. Asaran, minsan dedmahan at kanya-kanya. Ang babait naming magkakapatid ano?

"Shh. Huwag nga kayong maingay. Erwin, tigilan mo yang pang-aasar kay Angela." Saway ni Kuya Jr sa amin. Siya naman ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. "Angela, bakit gabi ka na lagi umuuwi? Lumalagpas ka na sa oras ng uwi mo ha?" baling sa akin ni kuya.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ah eh... ano kasi kuya eh... Tumutulong pa kasi ako sa pagliligpit sa coffee shop pagkatapos kaya ginagabi na ako. Pero huwag ka mag-alala, may kasabay naman ako pauwi eh." Paliwanag ko. Well, nagsinungaling ako sa huli kong sinabi. Wala naman kasi talga akong kasabay pauwi. Iba kasi ang way ni Cyca kaya hindi kami magkasabay. At hindi ko close ang ibang staff doon.

"Mabuti naman. Siguraduhin mo lang na safe ka ha. Kung hindi sasabihin ko kay papa iyang tungkol sa pagpapart-time mo." At tinignan ako ni kuya ng kanyang nakakamatay na I'm-watching-you look. Hindi kasi alam ni papa na nagta-trabaho ako. Ang alam niya naglalakwatsya ako kaya wala ako lagi sa bahay. Kami-kami lang magkakapatid ang nakaka alam na may part time job ako.

Tumango lang ako at nakita kong ngingisian ako ni kuya Erwin kaya Binelatan ko lang siya at saka umakyat na papuntang kwarto.

From: Six Santillan :P

Hey! I'll fetch you tomorrow morning.

Text ni Six ang bumungad sa akin pagkatingin ko sa cellphone ko. Problema nun'? Kakakita lang naming kanina ah? At bakit feeling close na naman siya ha?

Kaya nireplyan ko siya.

To: Six Santillan :P

Hoy! Kung maka 'I'll fetch you tomorrow morning' ka jan akala mo assistant mo lang sinasabihan mo ha! Bakit friends na ba tayo? At saka kasama lang kita kanina ah? Bakit magkikita na naman tayo bukas?

The Supporting ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon