Angela's POV
2 days na ang nakalipas mula noong birthday ko. Yung mismong birthday ko nagbonding kami ni Bii. At nung sumunod na araw ay nagcelebrate ako. Mag-isa. Binigyan ako ng permission ni Bii na magbakasyon for 1 day sa resort nila. Para makapag-isip isip at mapag isa.
"Biiii!! Namiss kita!!!" yakap sa akin ni Bii pagkapasok ko sa classroom. Mag classmate kasi kami ngayon sa class na toh.
"Namiss din kita, kahit 1 day lang tayong hindi nagkita." Sarcastic kong sabi. "By the way, salamat sa notes mo bii. Buti nalang may meeting yung mga teachers nung birthday ko kaya wala tayo masyadong namiss na leasons."
"Oo nga eh, nga pala nilapitan ako ni Seven kahapon." pagkasabi niya nun ay napalingon ako sa kanya.
"Ha!?" Aba sira ulong yon! Pumupuslit ang bwisit! "O ano sabi sayo?"
"Nothing important. Nag-ayang lumabas. Pero syempre tinanggihan ko. Bii ang pogi niya pala kapag malapitan noh? Check na check sa looks. Ang swerte mo lagi mo siyan nakakasama!" kilig na kilig na sabi niya.
"So, magpapaligaw ka na niyan?" taas-kilay kong sabi.
"Joke! Syempre dapat approve muna siya sayo. Pag ayaw mo, ayaw ko na rin." nakangiti niyang sabi.
"Good :)" nag thumbs up pa ako.
**
Wala naman masyadong nangyari ngayon. Ni hindi ko nga nakita si Seven ngayon. Asan kaya yun? Sumuko na kaya?
"Saan ka pupunta?"
"AyBaboynaKinatay! Jusko naman! Pwede bang huwag kang manggulat!? Para kang kabute! Inis!" sigaw ko sa kanya.
Buti nalang kakalabas ko lang ng library. Si Joshua lang pala to.
"Sorry, so san ka nga pupunta?"
"Pauwi na ako. Bakit ikaw?" iritang sagot ko sa kanya.
Oh well, siya si Joshua. Joshua Romines. Ex-crush slash lab partner ko. Okay i'll admit! First love ko din siya!
Sikat din to sa school kasi varsity player siya ng school.
At banas ako sa pagmumukha niya dahil siya ang dahilan kung bakit palpak ang experiment namin dati. Tapos ako pa sinisisi. Sarap gulpihin!
"Magreresearch lang para sa report natin next week." mayabang na sabi niya.
The nerve! Ewan ko sa sarili ko kung bakit ko siya naging crush dati! Pinahiya niya pa nga ako dahil inannounce niya pa sa buong campus na crush ko siya pero malas ko daw dahil hindi niya ako type kasi hindi daw ako maganda! That day sinumpa ko yung ulupong na yun.
"Tss. No need. Done." tinaas ko pa yung notebookna hawak ko.
Umiling siya. "Magreresearch ako para sa sarili ko, wala akong bilib sa gawa mo eh. Well, i have to go. I don't want to waste my time on you."
Fudge! Ang sarap itulak sa hagdan!
Binigyan ko siya ng mataray look. "if you don't want to waste your time on me, you shouldn't approach me in the first place. And kung wala kang bilib sa lab partner mo edi sana nag solo ka nalang diba? Bye." At naglakad na ako paalis. Nahi-highblood na naman ako. Inis!
'Angela! Gusto mo hatid na kita? Baka kailangan mo ng kasama?" rinig kong sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya.
Nag fake laugh ako. Sabay poker face "Haha. No need. I can go home by my self. Thanks anyway." At naglakad na ulit ako.
Sarap isako! Hanggang sa hindi na makahinga at mamatay! Grrrr!
Pagkaliko ko sa hallway ay nakita ko si Seven ba nakasandal sa wall. Kakagulat naman.
"Sino yun?" Tanong ni Seven sa akin.
Napakunot naman yung noo ko sa tanong niya. "Sino?"
"Yung mukang hito na yun."
Napatawa naman ako. "Hahaha! Si Joshua. Lab partner ko." Hindi ko na kailangan pang sabihin na ex-crush ko siya. Baka nga alam niya na yun eh.
"Lab partner... lang?" parang hindi pa siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Oo nga! Teka bakit pala nandito ka pa?"
"Hmm naisip ko kasi na baka nandito ka pa sa library kaya dinaanan na kita." sabi niya habang sabay kaming naglalakad.
Naging daily routine na niya ang paghatid sa akin pauwi kaya ganyan yan kung mag-isip.
"Gusto mo muna magdinner?" Alok niya habang nag da-drive.
"Sure." maikling sagot ko.
"Teka." ini-stop niya muna sa gilid yug kotse at saka parang may kinapa sa bulsa niya. Pagkatapos ay pinaandar na niya ulit yung kotse.
"Anong ginawa mo?" i curiously asked.
"Chine-check kung nasa akin yug wallet. Baka mamaya tinago mo na naman at maghugas ulit ako ng pinggan."
Napatawa nalang ako. Nakakatuwa, natrauma na ata sa kalokohang ginawa ko.
"Matanong ko lang, yung hito, diba siya yung crush mo dati?"
Tinignan ko siya ng masama. "Correction, EX-crush! Hindi ko na crush yung hinayupak na yun. Kapal ng mukha niya."
"Okay, okay! Kalma lang. Bakit mo ba naging crush yung hito na yun?" Tanong ni Seven.
"Gwapo, Basketball player, mayaman, at matalino. some traits na gusto ko sa kanya. Kaso bumagsak sa ugali kaya ayoko na sa kanya. Plus the fact na pinahiya pa ako sa buong campus." habang sinasabi ko yun ay pinang gigigilan ko yung pork na kinakain ko.
"Attracted ka sa mga gwapo, mayaman at matalino? Ako din naman ah? Hindi nga lang basketball player pero traits ko din yun. Ibigsabihin may chance na crush mo din ako?" Nakangiting tanong niya.
"Che! Tigilan mo ako ah! At hindi kita crush! Manigas ka! Atsaka ayoko sa mga mayayabang na tao kaya imposibleng crush kita! Ew lang." Sabi ko. Kakilabot tong si Seven.
"Asus! Deny pa. Pero seryoso Ange, sabihin mo lang sa akin kapag ginugulo ka ng hito na yun ah? Upakan ko yun." sabi niya
"Salamat pero kaya ko na yun. Tara alis na tayo." tumayo na kami at nagbayad na siya. Syempre siya nag-aya eh.
Nung nasa loob na kami ng kotse ay bigla siyang nagsalita. "Nga pala, may regalo ako sayo."
Itutuloy...
Picture of Angela Bernardo at the side ----->
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Fiksi RemajaNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...