Angela's POV
"Hayst! Bii, hindi ka pa napapagod? Kanina pa tayo ikot ng ikot dito oh?" Sabi ko sabay upo sa isang bench ng mall.
"Hindi pa. Kasalanan mo, lahat naman kasi ng damit na tinuturo ko sayo ayaw mo. Ang gusto mo yung mga t-shirt. Jusko bii! Pwede ka nang mag tayo ng ukay-ukay sa dami ng t-shirts mo. Try mo mag dress minsan." sermon niya sa akin.
Eh sa komportable ako sa t-shirts eh. At saka nagsho-shorts kaya ako minsan. Kung alam ko lang na sa mall niya ako dadalhin edi sana hindi na ako nagcelebrate pa.
*Flashback*
"Five.. Four.. Three.." Pagpapatuloy ni Seven sa pagbibilang. Akala niya siguro papaapekto ako sa pang-iinis niya huh!
"Kyaa!" Rinig ko yung galabog dahil sa pagbagsak ko. Ang lakas nun T.T
Ouch! May dumapo kasi sa cellphone kong ipis napabalikwas tuloy ako at nahulog sa inuupuan ko. Ansakit! T.T
"Anung nangyayari diyan? Are you still there? Angela!? Angela!!" Rinig kong sigaw ni Seven sa kabilang linya bago ko ito sipain at mahulog galing sa study table ko. Nagkalas kalas tuloy yung parts. Huhu.
"Bii! Anong nangyayari!?" Biglang bukas ng pinto ng kwarto ko.
Oh? Anung ginagawa ni Bii dito? 12 midnight na ah?
"Bakit nakasalampak ka dyan sa sahig Bii? Anu yung ingay na tumunog? Parang bumagsak?" Alalang tanong niya.
"Ahh, wala yun. Hehe. Anu nga pa lang ginagawa mo dito? 12 midnight na ah? Buti pinayagan ka ni tita na pumunta dito ng gantong oras?" Habang pinupulot ko yung mga parts ng cellphone ko eh umupo siya sa kama.
"Syempre! Malakas ka kay mama eh. Tara! Magbihis ka! Aalis tayo! Dalii!" excited na sabi niya.
"Ha? Aalis? Eh madaling araw oh! At anu bang mayroon?" takang tanong ko habang ini-on ko ang cellphone ko.
"Ano ba bii! Sarili mong birthday nakakalimutan mo! Para sa iyong kaalaman, today is September 28 kaya magbihis ka na!" inalog alog niya pa yung braso ko.
"Oo nga pala. Sus! Yun lang eh! At saka panigurado hindi papayag si papa na umalis tayo ng gantong oras kaya--"
"He already say yes" nakangiting sabi niya. Excited talaga siya para sa birthday ko nuh?
"May pasok tayo bukas-- i mean mamaya?" sabi ko.
Please! Ayoko talaga na sine-celebrate yung birthday ko. Wala rin namang sense. Pamilya ko nga hindi maalala yung birthday ko eh, edi kalimutan ko na din. Hindi din naman sasaya.
"Hindi tayo papasok mamaya" sabi niya sabay tayo. "Kaya magbihis ka na at mag-ayos! Hintayin kita sa kotse huh? Bilisan mo."
Hay! Ano pa bang magagawa ko.
Pagtingin ko ulit sa cellphone ko andaming missed calls. Grabeh talaga to si Seven! Ilang minutes palang ang nakakalipas eh. Excited sa pang-aalipin masyado. tsk! Matawagan nga muna.
"Angela what's going on? What happened? Okay ka lang ba?" Sabi niya agad-agad pagkasagot niya.
Napatawa tuloy ako bigla. Concern much?
"Okay lang ako anu ka ba. May ipis kasi kaya napasigaw ako at nahulog sa inuupuan ko. Tsaka si Bii lang yun sinorpresa ako. Ahhm sige na Seven. I have to go. Kita nalang tayo bukas, i mean mamaya! Bye!" Pagmamadali ko sabay end ng call.
Naalala ko kasi bii na naghihintay kaya binilisan ko lang talaga.
"Ang tagal ha! Hehe. Just kiddin'" biro niya.
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Teen FictionNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...