Angela's POV
Ilang araw na rin mula nang ligawan ni Seven si Bii. Akala ko kaya kong magpanggap na masaya sa harap nila habangbuhay, pero nasaan ako ngayon? I end up avoiding them and hiding from them. But I just missed spending time with my best friend. Totoo pala na kapag nagkaroon ng relasyon ang kaibigan mo, bigla ka nalang niyang hindi makikita. Mapapansin ka nalang kapag may problema. Tuwing class hours nalang kami nagkakausap ni Bii kapag magkaklase kami sa isang subject. Si Seven naman, hindi ko na rin pinapansin pero alam ko sa sarili kong miss na miss ko na siya. How pathetic I am.
Si Six naman, ayun text ng text at tawag ng tawag tuwing gabi. Sosyal ang lolo niyo kaya nasa ibang bansa siya kaya naman baliktad ang oras dito sa Pilipinas. And si Joshua naman palagi na akong kinukulit. Tinotoo nga ng loko ang panliligaw sa akin. Hatid-sundo niya ako. Pero syempre hindi ako nakasakay sa kotse niya. Kapag inaaya niya akong ihatid pauwi umaalis ako at sumasakay ng ako ng jeep, tapos siya susunod sa akin at siya ang magbabayad sa jeep at sasabayan ako maglakad papunta sa amin. Ganun din kapag papasok ako. Hinihintay niya ako sa labas ng gate at ayun kapag sumakay ako sasakay din siya at siya ang magbabayad hanggang makarating kami ng school. Hindi kaya siya nahihirapan? Alam ko rich kid yan at hindi sanay na walang kotse.
Minsan sumasabay din siya sa akin mag-lunch. Again, kusa siyang umuupo sa tabi ko at kahit may pagkain na ako ay binibilhan niya pa din ako. Alam niyo kung bakit nakakain ko yung mga binibili niya? Kasi favorite ko ang mga iyon. Chocolates, ice cream at kung ano pang mga sweets. I really love desserts.
Nakita ko naman na nagbabago na siya at seryoso siya sa ginagawa niya. Pero hindi ko pa siya kayang tratuhin bilang kaibigan. It's too soon.
Nagsimula na rin ang mga bulong-bulungan tungkol sa pag sunod-sunod sa akin ni Joshua pero dedma lang ako at mukhang ganoon din si Joshua.
Pumunta ako sa library para makapag-isip-isip. Masyado nang occupied ang utak ko sa mga problemang dumating sa akin. And thank God at may klase si Joshua ngayon. Nagkaroon din ako ng oras para makapagsarili. At dito sa library nga ang katahimikang hinahanap ko.
I like to drown in silence for once in awhile. Narerelax ang isip ko at para akong nare-refresh. Pagkakuha ko ng ilang libro ay naghanap agad ako ng bakanteng mauupan. Walang banakante kaya naman nakishare ako sa mga freshmen. Nararamdaman kong tumitingin sila sa akin pero like usual. Dedma lang. I am busy reading until someone stood infront of me. Naramdaman ko din na napatingin ang mga freshmen dito at maya-maya'y umalis. Problema ng mga yun?
"May nakaupo ba dito?" rinig kong sabi nung bagong dating. Im busy can't you see that? Tss. Kitang kaka alis lang ng mga nakaupo doon e, tanga-tanga lang? Iniangat ko ang tingin ko ditto at bumungad sa akin si Seven. What happened with his voice? Paos? "Angela! Hindi ko inaasahang magkikita tayo dito." Urg! Bakit ang husky pakinggan ng boses niya!? Hindi ako sanay!
I faked a smile. Yeah right. Dahil sa ayokong mag-umpisa ng usapan ay kinuha ko na ang mga libro at lumpiat sa ibang bakanteng table. Time na siguro kasi na-aalisan na ang mga estudyante.
"Iniiwasan mo ba ako?" sumunod pala siya. Nakakainis naman yung boses niya! Pero imbis na sumagot ako ay nagprentend ako na busy ako sa pagbabasa. Naramdaman konog may kinuha siya sa bag niya at maya-maya'y may inubot siya sa akin. Isang papel.
Galit ka ba?
Hindi ko pinansin ang papel. Aray! He kicked my leg under the table to get my attention. Sinamaan ko nga ng tingin. At hinablot yung papel at saka nagsulat.
Hindi ako galit kaya tantanan mo na ako, pwede? I'm studying.
Sumimangot siya pagkatapos mabasa ang message ko.
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Teen FictionNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...