Angela's POV
Pauwi na ako ngayon. Ginabi na kasi ako sa library. Nasa daan na ako papalabas ng school nang mag ring ang phone ko.
*Bii may tumatawag sayo. Sagutin mo. Pero pag nakita mong unregistered number wag mong sasagutin ha? Don't talk to strangers. Mwaaa!*
Hehe cute ng ringtone ko noh? Boses yan ni Bii. Nirecord niya tapos yung ringtone niya, boses ko.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag.
Calling +639076543210
Nireject ko ang tawag at ngpatuloy lang sa paglalakad. Kakasabi lang ni Bii. Don't talk to strangers.
*Bii may tumatawag sayo. Sagutin mo. Pero pag nakita mong unregistered number wag mong sasagutin ha? Don't talk to strangers. Mwaaa!*
Pagtingin ko kung sino ay yung number na yon ulit ang tumatawag.
Anakng! Ang kulit nito ah. Nireject ko ulit.
Nandito ako sa school sa part na madilim. Nakakatakot naman dito, wala na kasing estudyante sa paligid kasi mag gagabi na. Waaaaaa! Ayoko sa madilim na lugar, kung ano ano kasi naiimagine kong nakakatakot eh.
"Bakit ba naman kasi ang layo ng library sa gate eh." sabi ko sa sarili ko. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung anung nakakatakot.
Binilisan ko ang paglalakad ko at yumuko para hindi na ako mag-isip ng kung anu-ano. Mamaya kung ano pa makita ko.
"BOO!"
"WAAAAAAAAAAAAAAAA" takbo sana ako ng mabilis dahil sa sobrang takot. "Bitawan mo ako!" Naiiyak na ako. I felt someone grabbed my arms kaya nagpupumiglas ako. "Bitawan moko. Multo! Masamang Espirito! Huhu! Maawa ka huwag mokong kukunin." hindi ko na mapigilan. Napaiyak na talaga ako.
"Hey. Mukha na ba akong multo at masamang espirito?" Sabi niya. Teka kilala ko yung boses na yun ah.
Dumilat ako. May liwanag sa kinatatayuan namin kaya nalaman kong si Seven nga ito. Tinulak ko siya palayo sa akin. "Sira ulo ka. Akala ko kung.." agad kong pinunasan ang luha ko. At pagkatapos ay binatukan ko siya ng malakas.
"Aray naman!" reklamo niya.
"Bwisit ka! Bakit ka ba nananakot!?" sigaw ko sa kanya.
"Nagbibiro lang naman! Hindi mo kasi sinasagot yung tawag ko kaya akala ko may nangyari sayo" sabi niya.
Teka. "Ikaw yung tumatawag sa akin? Saan mo nakuha number ko?"
"Edi pinagtanong ko din. Hindi lang pala bestfriend mo ang sikat eh. Pati ikaw." sabi niya. "Teka umiyak ka ba? Takot ka pala sa mga ganito. Hahahaha" pinagtawanan pa ako.
Takte ang sarap batukan ulit!
"Ewan ko sayo! Bakit ka ba tumawag? May nakalimutan ka bang sabihin? Anong kailangan mo na naman?" sunod sunod na tanong ko habang ng umpisa nang maglakad. Sumunod naman siya sa akin.
"Hinintay kita. Ihahatid sana kita pauwi." sabi niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
Parang something tickled my emotions kaya napalingon ako. Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya. "B-bakit naman?" tanong ko.
A-ano bang trip na naman nito? At bakit ako nauutal? Aish!
"Well, if I want to be June's special someone, I have to treat her friends good. Especially her bestfriend, di ba?" paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Novela JuvenilNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...