Actress 30: Hurt

17 1 0
                                    

Angela's POV

Monday

WHAT THE HECK IS HAPPENING!? Noong isang araw pa ako hindi mapakali. Bii's not answering my calls and didn't saw her the whole day!

Dumagdag pa tong si Seven na hindi man lang ako tinetext kung ano ang nangyari. I can't even call him!

Bakit parang napakalayo ko sa kanila at parang hindi kami magkakilala!

Kahit sobrang frustate ay pumasok pa din ako. Mukhang may bagong tsismis na naman sa campus. Ang dami kasing tao sa paligid.

Feeling ko lang ba o talagang halos lahat sila tumitingin sa akin? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Meh, malabo.

May ibang parang dismayado, may mga kinikilig, awa, at kung anu-ano pang expression.

Mas lalo akong na curious ng may nadinig akong mga salitang Seven, June, kilig, sayang, kabit, at yung pangalan ko sa mga babaeng nadaanan ko.

Bakit at paano kami pag-uusapan ng mga tao kung buong weekend kami hindi nagkita? Hindi kaya.. nalaman nila yung nangyari sa hotel!? 'Yung biglang iniwanan ni June si Seven at alam nilang nandun ako? Pero.. hindi rin. Paano naman nila malaman iyon.

Tsk! Nakakainis! Bakit parang ako lang ang walang alam sa nangyayari?

"Mukhang wala kang alam." napalingon ako sa nagsalita. Yung iskandalosa. I just raised my brow.

"Kawawang nilalang." may biglang sumulpot sa tabi niya. Medyo maliit kumpara sa iskandalosa at kulot ang buhok.

"Couz, sasabihin na ba natin? Para naman hindi na magmukhang tanga tong babaeng to." Lumapit sa akin ng konti yung pinsan daw ng babaeng iskandalosa habang sinasabi iyon.

"Wag muna, mas maganda nga yun eh, magmukha siyang tanga." at sabay silang tumawa na parang kontra-bida sa isang istorya.

"Ano bang hindi ko alam!?" Sa sobrang inis ko ay sinigawan ko sila. Wala akong pakialam kung marami ang nanonood sa amin, wala akong pakialam kung mag mukha akong katawa-tawa sa paningin nila. Ang gusto ko lang ay malaman kung ano ang nangyayari. Bakit parang feeling ko napagkaisahan ako?

"Sasabihin ko sa'yo. Pero... paganti muna." Ngumiti siya ng nakakaloko. Anong paganti? Ano siya bata!?

Bigla akong hinawakan ng kulot na babae sa magkabilang braso. Nagpupumiglas ako. "Ano bang kalokohan to? Bitawan mo nga ako!" Bakit hindi man lang tumulong yung mga nanonood? Kainis.

Tumawa lang siya. "Kabado ka na ba? Gusto ko lang turuan ng leksyon ang mga kagaya mong kumakalaban sa isang Marilet Santos!" lumapit siya sa akin at sinampal ako. Halos mapaluha ako sa lakas ng pagkakasampal niya, pero pinigilan ko ito. Hinding-hindi alo iiyak sa harap ng maraming tao.

"Couz, isang sampal pa para pantay ang blush-on." biglang singit ng babaeng naka hawak sa akin.

"Relax Christine. Hindi pa ako tapos." dumapo naman sa isang pisngi ko ang isang sampal. Mas malakas to kumpara sa isa. Walangya! Amasona ba itong babaeng to? Ang lakas niyang sumampal ha!

Sinabunutan niya ako para matanggal ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko. Ang dami pa ring nanonood. Bakit wala man isa sa kanila ang tumawag ng teacher? O ng guard?

"Ano sana naman magtanda ka na." nginisian ko lang siya dahilan para mas mainis siya. Wala akong pakialam sayo.

"Tapos ka na ba? Nakaganti ka na? Sabihin mo na kung anong hindi ko alam." kumikirot na yung pisngi ko. "At pwede bang pakisabi sa pinsang mong kulot na bitawan na ako para maka alis na ako tutal mukhang wala ka namang balak na sagutin ang tanong ko. Tsk! Waste of time." walang ganang sagot ko sa kanya habang hawak niya pa rin ang buhok ko at magkaharap ang mukha namin.

"Matalas din yang dila mo no? Hindi ka talaga madadala ah." akmang sasampalin niya ulit ako ng matigilan siya.

"Bitawan niyo siya!" At last may tumulong din. Kilala ko yung boses na yun. Automatic na binitawan nila akong dalawa kaya naman napa upo ako sa sahig.

"Six, my loves." rinig kong bulong nung Christine.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha? Hindi niyo ba alam ba pwedeng kayong ma kick-out sa ginagawa niyon pambubully!?" galit na sigaw ni Six sa dalawang magpinsang impaktita. "Papalampasin ko ito, pero sa susunod na saktan niyo si Angela, ako ang makakalaban niyo!"

Nilapitan ako ni Six at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ouch!

"Halika, dadalhin kita sa clinic." binuhat niya ako at dinaan yung mga taong nanonood pati na rin sila Marilet at Christine na tulala. Nakita kong pang sumama ang tingin ng mag pinsan sa akin na parang sinasabing 'hindi pa tayo tapos!'

"Ayos ka lang ba? Anong bang nagyari? Tignan mo nga yang pisngi mo oh. Sobrang namumula! Nako lagot talaga sakin yung dalawang iyon!" napangiwi ako ng dampian ni Six ang pisngi ko ng malamig na bagay.

"Ano bang meron Six? Bakit parang may pinag-uusapan ang mga estdyante na involve ako? O ang bestfriend ko?" Hindi ko pinansin ang sakit at diretsong tinanong ang anong natalagang nagpapagulo ng utak ko.

"Don't tell me hindi mo alam? Imposible ata iyan?"

"Ang? Imposibleng hindi ko alam ang ano!?" naiinis na ako! Ang dami nilang sinasabi pero hindi naman nila sinasagot ang tanong ko!

"Si June na at Seven. Or should I say M.U. palang sila. Kasi sabi sakin ni Seven binigyan siya ni June ng 1 month para sa ligawan stage then after that sasagutin na siya. But June feels the same way kay Seven. Kaya ayun nga, M.U. na parang sila. Kasi nakita ko kanina magkaholding hands sila eh."

Wait.... What!? Namali ba ako ng rinig o ano? Si Bii at Seven? Paanong nangyari iyon eh noong isang araw lang eh nilayasan ni Bii si Seven? Ano ba talaga? Bakit ang bilis? At bakit hindi ko alam!?

Pareho kaming napalingon ni Six sa bumukas na pintuan at pumasok si June at Seven na...... na magkaholding hands.

Ang sakit... I don't know kung ano ang mas masakit. Kung iyong pisngi ko.. o yung dibdib ko.

I felt my heart sunk.

The Supporting ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon