Angela's POV
"Oh regalo ko nga pala sa'yo." May inabot siya sa akin.
"May regalo ka sa'kin?" takang tanong ko. Kasi naman, hindi ko naman alam na ugali niyang magregalo.
"Kakasabi ko lang di'ba? Kailangan paulit-ulit? Buksan mo na. Magugustuhan mo yan." he said habang nag dadrive siya pauwi.
I examined his gift. Malambot at may kalakihan. Tinignan ko si Seven, nakangiti. No, scratch that, naka ngisi!
Tinanggal ko ang gift wrapper at tumaas talaga ng bongga ang kilay ko sa nakita ko. A red pillow with an arm on the right side. (picture at the side)
"Yung totoo? A boyfriend pillow?!"
"Para naman maranasan mo matulog in a boyfriend's arm. In your 18 years of existance here on earth wala ka pa ding biyfriend. Nakaka awa ka. " sabi niya habang umiiling pero nakangiti. Bwisit!
"Nang bibwisit ka ba?" sarcastic kong sabi. Tama nga ang hinala ko eh. Kaya kakaiba ang ngiti nito kanina, gusto lang akong highblood-in!!
"Ang galing mo talaga mang bwisit eh noh? Bwisit ka! Sige tumawa ka pa, saya mo eh!" sigaw ko pero tumawa lang siya ng tumawa.
"It's so fun to tease you. Look at your ring, it's color orange. Orange means annoyed right?" nakakunot ang noo ko.
"And since when did you know about that?"
"Well, the night before your birthday. Kaka curious kasi nung nakita ko yung ring kaya i search for it." explain niya.
"Tss. Such a nerd!" I said and rolled my eyes.
"Gwapo naman!"
"Potassium!"
Nagulat siya sa sinabi ko. "Nagmumura ka?"
Napatingin naman ako sa kanya. "What? Potassium means K! Tsk! Kala ko namn alam mo yun! Hay nako, bilisan mo na nga ang pag da drive para maka uwi na tayo. By the way, thanks sa gift"
"Bawal, baka maaksidente tayo. And sino kaya mas nerd sa atin? Potassium? Means K? Really?" Di makapaniwala niyang sabi.
"Tss. Manahimik ka nga. Hoy! Walang kapalit to ah! Baka isumbat mo to sakin kapag hindi kita pinayagang manligaw kay Bii." pagsisigurado ko. Malay mo. Mabuti nang nakakasiguro.
"Well, actually, dagdag suhol ko talaga sayo yan." Komportable niyang sabi tapos tumingin sa akin saglit at binalik ulit sa daan.
"Wow! Nahiya naman ako sa suhol mo noh? Nakakatuwa siya grabe!" sarcastic tone here. "Pag ako nagka boyfriend talaga, sisiguraduhin kong mas gwapo sayo at MAS MABAIT!" diniin ko talaga yung word na mabait.
"Wag, baka kunin siya ni Lord. At saka.. edi inamin mo na ring nagagwapuhan ka sa akin? Sus sabi na eh!" sabi niya ng naka ngiti. Kanina pa siya nakangiti sa totoo lang. Mukhang aso =______=
0___0 Wait a minute! Sinabi ko bang gwapo siya? Hindi naman diba? "Ha? Ano? May sinabi ba ako?" kunot-noo kong tanong. Syempre hindi ko aaminin yun! Magyabang pa ang bwisit.
"Yes, you said na gwapo ako. Just admit it Angela. You like me!"
"What!? Yuck ha! Sinabi ko ngang gwapo ka pero i'll never liked you! Kilabutan ka nga!" bigla kong sigaw. Kakagulat tong bwisit na to! Assuming.
"Just kidding. Edi sinabi mo ngang gwapo ako. Hehe." Sabi nya. Sinamaan ko kasi ng tingin. "Matanong ko lang, ganun ba talaga kapag manliligaw ka? Sa bestfriend muna dumadaan? Sorry for being innocent, pero kasi sa totoo lang, ngayon lang ako nanligaw. "
"Sa'min lang yun noh! Sabihin mo nga, bakit mo mahal ang bestfriend ko?" tanong ko sa kanya.
"What? Mahal? I don't love her." Sabi niya. Magrereact na sana ako pero bigla ulit siyang nagsalita. "I just like her and I want to know her more that's why I want to court her. Siya kasi yung tipo na mapagmamayabang mo kapag naging kayo." Dugtong niya.
Napakunot na naman ang noo ko. "Oh man and his stupid ego! Ano sa tingin mo ang bestfriend ko? Pang display!? Alam niyo kayong mga lalaki, makakita lang kayo ng maganda liligawan niyo na! Kahit hindi niyo mahal nililigawan niyo! Kaya kayo kinaiinisan eh!" inis kong sabi. Grabe naman kasi! Gusto niya maging girlfriend ang bestfriend ko para lang may maipagmayabang siya? Gago ba siya!? Inis!
"Hindi mo naman agad minamahal ang isang tao. Lahat naman naguumpisa sa pagkagusto diba? Kaya nga I want to know her more. If we get closer, we might fall in love." kalmadong sabi niya.
"Might?" Ulit ko ng may diin. Eh gago pala talaga siya eh! "Paano kung hindi ka mahulog sa kanya pero siya na inlove sayo? Paano yun ha, aber!? Paano si Bii?" Bwisit talaga to.
"Hmmm. Nice question. Baba ka na, nandito na tayo."
"Bwisit! Sagutin mo kaya noh!?" sigaw ko sa kanya.
"Low down your voice, magkatabi lang tayo oh? Fine, in that case kung hindi ko siya kayang mahalin, we need to face the reality and break up. Im just being honest to myself and to her. Sinasabi ko na sa kanya hangga't maaga pa at hindi siya sobrang masaktan. But... I doubt that I won't fall inlove with her." explain niya.
Kung anu anung pagbabanta pa ang sinabi ko sa kanya bago ako bumaba ng kotse niya.
Nakku! Subukan niya lang talaga lokohin si Bii ihahambalos ko sa kanya yun kotse niya!
Itutuloy..
----
Yan lang muna sa ngayon. Nasasabaw ako eh XD
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Novela JuvenilNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...