Angela's POV
Maaga pa lang ang nag set-up na kami para sa variety. Isa kasi ako sa member ng Prod (Production) committee sa Dramatica Org. Tinignan ko ang paligid. May kanya-kanyang mga mundo ang bawat commitee. Dancing, singing, acting(member dito si bii), handsplay at kaming mga prod.
Nagpunta si Joshua dito para tumulong sa akin. Buti nalang at sikat sya kaya pinasali siya kahit hindi naman siya member ng org.
Dalawang oras pa bago ang start ng variety ay tumawag ang isa sa mga member ng dancing na nasa finale ang spot, kumbaga siya ang pinaka pasabog sa kabuo-ang show. Sing and dance ang gagawin niya kaya nman hindi pwedeng hindi ipeperform. Masisira ang buong variety kapag nagkataon.
"Ma'am!" napatingin kaming lahat kay bii nang tawagin niya ang head/president teacher ng org. "Huwag po kayong mag-alala may kilala po akong pwedeng pumalit kay Shanna." Buong akala ko ay siya ang magvovolunteer dahil marunong namang kumanta at sumayaw itong si bii.
"Siya po." Mas magaling nga lang siya sa mga ganyang acting-an. "Ms. Bernardo? Ok lang ba sayo?" Pwede nga yang mag artista e, kasi tignan niyo maganda, talented, mabait at matalino. Saan pa kayo? "Ms. Bernardo! saang lupalop ba pumunta yang isip mo ah?" napatingin ako kay madam.
Wae?
Napatingin din ako sa mga members ng iba't ibang committee. Bakit sila nakatingin sakin. "Po?"
"Ikaw na ang pumalit kay Shanna bii. Marunong ka namang sumayaw diba? lambot nga ng katawan mo kapag nakikita kitang sumasayaw ng kpop sa kwarto e. Tapos magaling ka din kumanta. So ivinolunteer na kita." siniko-siko pa ako ni bii at ngiting-ngiti na parang tuwang-tuwa siya sa nangyayari.
---
Paano kung matalisod ako? O mamali ang step ko? O makalimutan ko ang lyrics? O kung pumiyok ako? Nakakahiya. napakarami ng manunuod at isa doon si Seven. Hindi ko ata kaya.
"Bii! chilax! Kaya mo yan!" pampakalma sa akin ni bii. Chillax chillax niya mukha niya! kasi naman e. Wala na akong nagawa pagkatapos sabihin yun lahat ni bii. Pinasabay na ako ni madam sa mga back-up dancers ko daw sa practice kaya naman alam ko na ang gagawin ko dahil madali lang naman ang step kasi kpop siya at alam ko yung kanta. Pero kahit na!
May extra costume din palang reserba kung sakaling may aberya. White crop tops and military pants na pinartneran ng military boots and yellow gloves. Okay lang naman sa akin dahil kasya ang kaso lang, hindi ako kumportable kasi kita ang tiyan ko.
Ilang minuto nalang at ako na ang susunod na magpeperform, meaning malapit nang matapos ang show. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa kaba. Pabalik-balik ako sa paglalakad para mawala ang kaba ko, pero hindi siya effective!
Hinawakan ako sa balikat ni bii para paupuin ako. "Everything will be fine. Pinaghirapan natin to di'ba? Kita mo yang mood ring mo, itim na itim sa sobrang kaba mo" Itim nga. Niretouch ni bii yung make-up ko na nasira dahil sa pagpapawis.
"First time ko kasi magpeperform sa harap ng ganitong karaming tao. Magkaiba ang trabaho at reporting sa gagawin ko ngayon bii. Hindi naman ako katulad mo. Tapos ganto pa ang coatume ko." kinakabahan na naman ako. naiisip ko palang kung ano ang magiging itsura ko doon sa stage ay parang gusto ko nang mag back-out.
"Malamang. Magkaiba tayo e. ikaw si Angela at ako si June. Magkaibang tao tayo kaya huwag mong ikumpara ang sarili mo sa ibang tao, okay? May kanya-kanya tayong kagalingan. At huwag ka nga! Ang secy mo kaya diyan sa costume mo! Ayan, napasermon pa ako ng wala sa oras. Ay ayan na. ikaw na! Go go go na! Kaya mo yan!" Tinulak niya ako ng marahan papuntang stage. This is it! Kaya ko to!
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Novela JuvenilNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...