Picture of June Quizona at the side ---->
enjoy reading :))
Angela's POV
Nandito ako sa bahay nila June. Ibibigay ko kasi yung regalo na bigay ni Seven.
"Galing kanino?" tanong ni bii pagkalapag ko ng regalo sa table niya. Nag lalagay kasi siya ng cutix.
"Kay Seven. Pafacebook ako ah." Hindi ko na siya hinintay sumagot at umupo agad sa swivel chair niya.
"Meron ka din?" rinig kong tanong niya.
"Yea." pagkatapos nun hindi na siya ulit nagsalita kaya nagfacebook nalang ako.
What the! 55 friend request, 20 messages at 88 notifications !? Hindi naman sa oa ako ha pero kasi ngayon lang nagkaganito ang fb ko. Kahit na matagal akong hindi nagbubukas hindi umaabot sa ganito ang notif, message at friend request ko.
"Woah, dagsa ang mga notifs mo ah?" Nasa tabi ko na pala si bii.
"Oo nga eh. Nagulat din ako" sabi ko at isa-isang tinignan ang mga friend request ko.
"Kilala mo ba yang mga yan?" tanong ni bii sa akin.
Nakita niya kasing accept lang ako ng accept eh. Mapupunta din naman yan sa hidden friend request eh, matatambak pa kaya accept nalang.. Katamad kaya. Napa stop ako nung makita ko sa screen yung pangalan niya.
'Seven Santillan wants to add you. Accept or Ignore'
"Oh? Bakit natulala ka diyan? Accept mo. Kanina accept ka ng accept kahit di mo kilala tapos ngayon si Seven na kakilala mo tititigan mo lang yung request?" Pang-aasar ni bii.
Hindi ako sumagot at tinitigan parin yung screen. Aaccept ko ba? Well, naging mabait naman siya sa akin kahit na bwisit siya kaya... wag na! joke. sige accept na nga.
Iki-click ko na sana yung accept ng biglang nagring yung phone ko. Text lang :)
"Bii una na ako. Nagtext na si papa eh pinapauwi na ako. Gabi na rin kasi. Text text nalang ha? Ingat kayo sa trip niyo. I love you." Nag beso kami at nagyakapan.
"I love you too. Mag-iingat ka din. Enjoyin mo ang bakasyon ha? Lalong-lalo na ang christmas. Huwag mo nalang masyadong intindihin mga sasabihin ni tito ah? Stay strong. Bye" she said. Nag nod lang ako at umalis na.
**
Pagdating ko sa bahay, as usual sila kuya nanonood lang ng tv at si papa nasa kwarto na niya. 4 kaming magkakapatid at ako ang bunso at nag-iisang babae. Separated din ang parents ko at nandito kami sa puder ni papa.
Tinignan lang ako nila kuya at bumalik na sa pinapanood nila. Napabuntong hininga nalang ako.
Nahagip ng mata ko yung regalo ni Seven. Ang laki kasi ng balot kaya kitang kita talaga.
Nakaka curious naman to. Tinanggal ko yung wrapper. Napakunot ang noo ko. Stuff Toy? Seriously?
May nakita akong sibre kaya binuksan ko iyon at kinuha ang nasa loob.
'Hi Angela! Bago mo talakan ang stuff toy at punitin ang letter sa inis, I would like to introduce to this guy. He's DomoKun. Magkamukha kayo lalo na kapag galit at bwisit na bwisit ka. Ang cute lang, di'ba? Merry Christmas and Advance Happy New Year!
- Seven :P
Psh. Sabi na hindi matino tong letter na to eh. Tinignan ko si DomoKun. Naka nganga na parang sumisigaw na may matutulus na ngipin. Pero walang kilay kaya hindi mukhang galit. Yeah, it's cute. In a weird way xD Anyway, I'll keep him :)
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Teen FictionNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...